CAVITE – Patay ang isang rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste matapos dumaan sa isang palikong bahagi ng kalsada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Gabrielo Talisik y Penagonda, ng BF Homes, Paranaque City subalit idineklarang dead on arrival dahil sa sugat sa ulo. Nabatid sa ulat ni P/SSgt. Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang itim na motorsiklong Honda MC 125 habang binabagtas ang Lambac Road sakop…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ESTUDYANTE TUMALON SA ILOG, NALUNOD
CAVITE – Nalunod ang isang 19-anyos na estudyante makaraang umano’y tumalon sa isang malalim na bahagi ng ilog sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Alfil Abad y Loot, residente ng Brgy. Halang Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt, Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, dakong alas-4:30 hapon nang makatanggap ng tawag ang Naic MPS hinggil sa natagpuang bangkay sa gilid ng Katipunan River sa Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite. Ayon sa dalawang estudyante na edad 14-anyos at 16-anyos na…
Read MoreTRAINER AIRCRAFT NG PAF BUMAGSAK
BATANGAS – Bumagsak ang isang trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Lipa City noong Lunes ng umaga habang nagsasagawa ng standard training flight na nagresulta sa pagkasugat sa dalawang piloto nito. Ayon sa pahayag ni PAF spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, hindi pa nakalalayo ang naturang SF260FH Marchetti plane sa Fernando Air Base nang magkaroon ng problema sa ere dahil sa malakas na hangin sa Runway 21 ng Air Base na nagresulta sa pagbagsak nito dakong alas-6:43 ng umaga. Kaagad namang nailigtas ang dalawang piloto ng eroplano at kasalukuyang nilalapatan ng lunas…
Read MoreBIGTIME MARIJUANA PUSHER HULI NG PDEA
LAGLAG sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang itinuturing na bigtime marijuana pusher sa Barangay Andres Bonifacio, Diffun, Quirino Province. Ayon kay Director III Levi S. Ortiz ng PDEA Regional Office 2, nahuli ng kanyang mga tauhan sa inilatag na buy-bust operation ang suspek na si Ryan Cabrina Butchayo, Jr. Batay sa report ni Dir. Ortiz kay Director General Amoro Virgilio Lazo, nakumpiska mula kay Butchayo Jr. ang isang 30 ml na bote ng cannabis oil na tinatayang may market value na P3,000; Dalawang…
Read MoreAugmentation sa Balikatan FIRE TRUCK BUMANGGA SA PUNO, 2 SUGATAN
CAVITE – Sugatan ang driver at pasahero ng isang fire truck na kabilang sa augmentation para sa BALIKATAN Exercises 2023, nang bumangga sa isang puno sa gilid ng kalsada sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Nilalapatan ng lunas ang biktimang si Raymond Rodriguez y Chua, driver ng fire truck na may plakang RCU 491, at pasahero nito na si Joshua Emmanuel Llvera y Lorenzo, dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat ni PSMSgt. Alfredo Guevarra Jr. ng Ternate Police Station, minamaneho ni Rodriguez…
Read MoreLALAKI TUMALON MULA ROOFTOP NG ESKWELAHAN
LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na tumalon mula sa rooftop ng 4–storey building ng isang eskwelahan sa Cabuyao City noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Cabuyao City Police ang biktimang si Clomer Ignacio. Ayon sa report ng pulisya, batay sa pahayag ng isang saksi, umakyat ang biktima sa apat na palapag na school building ng Citi Global College na nasa Brgy. Uno, sa pamamagitan ng pagdaan sa fire exit steel ladder. Nang makarating sa rooftop, bigla na lamang umano itong tumalon at padapa na bumagsak sa lupa nagresulta sa daglian niyang…
Read MorePumutok habang nililinis PULIS PATAY SA SARILING BARIL
BATANGAS – Nalagutan ng hininga ang isang pulis nang aksidente umanong pumutok ang kanyang baril habang nililinis sa kanyang resthouse sa Brgy. Bulacnin, Lipa City noong Linggo ng umaga. Wala nang buhay nang abutan ng kanyang mga kapamilya ang biktimang si PSSgt. Ronald Macalintal Silva, 46, miyembro ng Lipa City Police Station. Ayon sa report, nadiskubre ng anak na babae ng biktima ang wala nang buhay na pulis habang duguang nakahandusay at may tama ng bala sa ulo sa kubo sa likod ng kanilang bahay dakong alas-5:00 ng umaga. (NILOU DEL CARMEN)…
Read MoreMAGDYOWA NADALE NG BUS, RIDER UTAS
LUCENA CITY – Patay ang isang lalaki, habang sugatan ang live-in partner nito nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na bus sa National Highway Diversion Road sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa QMC Hospital sa Lucena City ang biktimang si Nicanor Garido Corigal, 38, dahil sa grabeng pinsala sa kanyang katawan. Isinugod naman sa isang ospital sa Pagbilao ang 28-anyos na angkas nito na si Mary Jane Porenas Lagar. Batay sa report ng Lucena City Police, dakong alas-9:30 ng gabi, magkasalubong na tumatakbo ang…
Read MoreMGA ESTUDYANTE SA QUEZON SA LABAS NG CLASSROOM NAGKLASE
DAHIL sa matinding init ng panahon, sa labas na ng eskwelahan nagsagawa ng klase ang isang section ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lutucan, Sariaya, Quezon. Ayon sa kanilang guro na si Joel Casungcad, habang hindi pa anya mainit ang lugar, sa lilim sa labas ng classroom niya pinag-exam ang kanyang hawak na grade 12 students sa Lutucan Integrated National High School. Ito ay upang maiba naman daw ang experience at makalanghap ng sariwang hangin ang mga mag-aaral habang nag-e-exam at maiwasan na rin ang mainit at siksikang…
Read More