PINANGUNAHAN ni Presidential sister Senator Maria Josefa “Imee” Marcos ang pamamahagi ng P3-million Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2,886 Bulakenyo sa Lungsod ng Malolos, San Jose Del Monte at sa bayan ng Bocaue kahapon (Huwebes). Una munang hinarap ng senadora kasama sina Vice Gov. Alex Castro, Malolos City Mayor Christian Natividad, Kristine Evangelista, Asec for Consumer Affairs and Spokesperson of the Department of Agriculture (DA); Maricel Dullas, OIC Chief of Agribusiness & Marketing Assistance Division, at Ma. Gloria Carillo, Prov Agriculture, ang young Bulakenyo farmers sa ginanap na Young Farmers Challenge Competitive Grant Assistance…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PALPAK NA SERBISYO NG PRIMEWATER NG MGA VILLAR IIMBESTIGAHAN SA KAMARA
NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang joint venture agreement sa pagitan ng Bacolod City Water District (BACIWA) at Primewater dahil imbes na gumanda ang water service sa nasabing lugar ay lumala pa. Sa House Resolution (HR) 909 na inihain ng nasabing grupo kahapon, nangyari na ang kinatatakutan ng water consumers sa Bacolod City dahil bukod sa humina ang tubig ay marumi pa umano ito mula nang magkaroon ng JVA ang BACIWA at PrimeWater, isa sa mga negosyo ng pamilya ni dating Senate President Manny Villar, noong July…
Read MoreBINATA KINUYOG, 3 SUSPEK TINUTUGIS
CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang tatlong kalalakihan na napagtripang saksakin at bugbugin ang isang 20-anyos na binata sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Southeast Asian Medical Center ang biktimang si Renz Aronurot y Labordo, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite dahil sa saksak at bugbog sa katawan. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Mark Aldrin Manalo ng Bacoor City Police, dakong alas-10:30 gabi nang mangyari ang insidente habang nakaupo ang biktima sa isang tricycle…
Read MoreISA PANG PASAHERO NG NASUNOG NA BARKO NAREKOBER NG PCG
KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard na huling pasahero ng barko na nabalitang nawawala sa nasunog na ferry sa Basilan, ang matagpuan noong Martes. Ayon sa ulat ng PCG, ang narekober na bangkay sa karagatang sakop ng Hadji Mohammad Adjul, Basilan ang huling nawawalang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3. Kinilala ang biktimang si Private First Class Marion Malda, isa sa mga sundalo ng Philippine Army na lulan ng barko. Bunsod nito, umabot na sa 33 indibidwal ang mga namatay sa insidente. Nabatid na patungo sana ang MV Lady…
Read MorePARCEL NG SHABU PATUNGONG OCCIDENTAL MINDORO, BUKING
CAVITE – Nabuking ang tinatayang mahigit sa P256,000 halaga ng umano’y shabu na ipadadala sa Occidental Mindoro, sa courier company sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na kinilalang si Mark Catembuan, ang sender ng nasabing parcel, na mabilis na tumakas. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Aldea Tajanlangit ng Dasmariñas City Police Station, alas-2:00 ng hapon nang pumasok ang suspek sa LBC Branch sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City para magpadala ng parcel patungong Occidental Mindoro. Nabatid sa salaysay ni Normelyn Herrera, empleyado ng…
Read MoreNALUNOD SA CALABARZON SA SEMANA SANTA, UMABOT SA 24
UMABOT sa 24 na katao ang nalunod sa CALABARZON Region sa buong linggo ng paggunita ng Semana Santa. Batay sa datos na naitala ng CALABARZON Police Regional Office 4A (PRO 4A), pinakamarami ang mga nalunod sa lalawigan ng Batangas na may 11 total. Pangalawa ang Quezon na may bilang na 6, apat ang nalunod sa Cavite at tatlo naman sa Laguna. Ayon pa sa PNP, karamihan sa mga nalunod ay mga bata at menor de edad, kabilang ang limang magpipinsan na nalunod sa Barangay Sambal Ilaya, Lemery, Batangas noong Sabado de Gloria ng…
Read MoreMAGKAPATID SINAKSAK DAHIL SA KAMBING
CAVITE – Patay ang isang 43-anyos na lalaki habang sugatan ang kapatid nitong babae nang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay matapos ang pagtatalo dahil sa mga kambing sa Tagaytay City sa lalawigang ito, noong Lunes hapon. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Leo Bergado y Ancaya, 43, habang nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Hospital and Medical Center ang nakatatandang kapatid nito na si Teresita Igloso y Bergado, 64, may asawa, kapwa residente ng Purok 68, Brgy. Kaybagal North, Tagaytay City. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Nestor…
Read More3 TERORISTA PATAY, 7 ARESTADO SA ENGKWENTRO SA LANAO DEL SUR
NAUWI sa madugong engkwentro ang pagsisilbi lang sana ng search warrant ng mga awtoridad nang pumalag ang mga pinaghihinalaang kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah sa Barangay Matampay Dimarao, Bubong, Lanao del Sur. Kinilala ang mga napatay na umano’y terorista na sina Bashir Marcarangcat, Sowaib Macarangcat at Abdulatip Ripag na agad namang kinuha ng kanilang mga kaanak para mailibing batay sa paniniwalang Islam. Nadakip naman sina Saynolla Tigunogon, Aslani Ripag, Acmali Sarip, Anwaar Aragon, Salik Maulana, Nasrudin Acob at Sultan Macalawan Macarambon Maulana. Ayon kay Lanao del Sur Police Provincial…
Read More2 PATAY SA ONSEHAN SA ILEGAL NA DROGA
RIZAL – Hinihinalang dahil sa onsehan sa illegal drug trade kaya pinagbabaril ng hindi kilalang lalaki ang dalawang umano’y drug personality sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang Taytay Police ang mga napatay na si Anthony Ramos Calvo at isang alyas “Potchay”. Ayon sa report, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang krimen sa China St., Sitio Bagong Pag-asa, Brgy. Sta. Ana. Ka-transaksyon umano ng dalawang biktima ang isang hindi kilalang suspek ngunit humantong ito sa mainitang pagtatalo. Pagkaraan ay bumunot ng…
Read More