MISIS PATAY SA SAKSAK NI MISTER

LUCENA CITY – Patay ang isang 60-anyos na babae nang saksakin ng kanyang asawa habang nag-aaway dahil sa bisyo ng suspek at problema sa pera, sa kanilang bahay noong Linggo ng gabi. Kinilala ang Lucena City Police ang biktimang si Irenia Lopez Paraiso, residente ng Brgy. 10 sa nabanggit na lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi nang mag-away ang biktima at ang kanyang asawa na si Nestor Bacus Paraiso, 61, driver, dahil sa bisyo ng lalaki at sa kanilang problema sa pera. Humantong ito sa pananakit ng lalaki…

Read More

JEEP BUMANGGA SA CENTER ISLAND, 8 SUGATAN

CAVITE – Walo katao ang sugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong jeep sa center island sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa CARSIGMA Hospital ang mga biktimang sina sina Princess Fiedelan y Aquino, 19; Marilyn Talagtag y Reyes, 53; Mark Delos Reyes y Cardines, 33; Mary Grace Laurente y Vilialba, 30; Aileen Muico y Rivas, 19; Annabel Dela Cruz y Mequiz, 51, apo nitong si Alex, 10, at ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DXE-751, na si…

Read More

PRESO KINURYENTE ANG SARILI

CAVITE – Naudlot ang pagpapakamatay ng isang preso nang makita ng kanyang kabaro habang nakahawak sa live wire sa loob ng comfort room ng Custodial Facility ng bayan ng Rosario ng lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Nilalapatan ng lunas at bantay-sarado sa Rosario Medical and Lying In Clinic ang biktimang si Enrique Ruiz y Bundal, 47, binata, preso sa Rosario Custodial Facility. Ayon sa ulat ni Corporal Ricardo Mendoza Jr., ng Rosario Police Station, dakong alas-5:45 ng umaga nang pumasok si Ruiz sa palikuran ng Rosario MPS Custodial Facility sa…

Read More

SOCO TIME OUT SA CRIME SCENE PARA MAG-AMBAG NG DUGO

PANSAMANTALANG time-out sa crime scene ang may isang daan miyembro ng Cavite Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nakibahagi sa Bloodletting Event sa Cinema area ng Robinsons Place, Imus City, Cavite. Kabilang ang hanay ng Cavite Police, Cavite Provincial Forensic Unit, Non Government Unit at Volunteers sa nakiisa sa Bloodletting Event na inorganisa ng Cavite PFU katuwang ang Gamma Epsilon 1963 International Fraternity and Sorority Cavite Alumni Association, Ospital ng Imus at Las Pinas District Hospital. Pumalo sa halos 90% ng donors ang lumusot sa screening at interview, habang…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA STEEL RAILING

CAVITE – Hinihinalang dahil sa pagmamaneho nang nakainom kaya kamatayan ang sinapit ng driver ng isang motorsiklo habang sugatan ang angkas nito nang bumangga sa center island ng kalsada sa Imus City nitong Linggo ng madaling araw. Dead on the spot ang biktimang si Reynaldo y Dasig, 21, binata, ng Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, habang sugatan ang angkas nito na si Christian Gabiana, binata, 23, ng nasabi ring address. Ayon sa ulat ni Corporal Ryan Plaza ng Imus City Police Station, dakong alas-2:50 kahapon ng madaling araw nang…

Read More

JEEP NAHULOG SA BANGIN 3 PATAY, 6 SUGATAN

QUEZON – Tatlo ang patay habang anim ang sugatan matapos na mahulog ang isang service jeep na kargado ng mga niyog at sako-sakong kopra, sa bangin sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Macalelon sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Ayon sa report ng Macalelon Police, kabilang sa mga namatay ang dalawang menor de edad na lalaking estudyante na anak ng may-ari ng sasakyan, na sina Markus at Noel Mael Orillenida III, at isang pahinante ng jeep na si Alex Villaraza, 42-anyos. Sugatan din ang negosyanteng si Noel Orillenida II, may-ari ng…

Read More

PAGPAPATUPAD NG KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN SA BANGSAMORO TINIYAK NI PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Lunes na “hindi matitinag” ang kanyang administrasyon sa pangako nitong ganap na ipatupad ang mga kasunduang pangkapayapaan ng Bangsamoro sa ikasiyam na anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) noong Lunes, 27 Marso 2023. “Sa ilalim ng ating administrasyon, patuloy na lumalakas ang Political and Normalization Tracks ng kasunduang pangkapayapaan. Ang aming mga kasosyo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay patuloy na naghahatid sa kanilang mga pangako sa parehong mga landas sa kamakailang pagpasa ng kritikal na…

Read More

‘KILLERS’ NG POLICE CHIEF NG SAN MIGUEL, BULACAN PROFESSIONAL HITMEN

Camp Alejo Santos, City of Malolos, Bulacan – Miyembro ng well organized crime group at professional hitmen ang mga suspek na bumira sa hepe ng San Miguel Police na si P/Lt. Col. Marlon Serna na napatay sa hot pursuit operation noong nakaraang Sabado ng gabi. Ito ang kinumpirma ni Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), base sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group na humahawak sa nasabing kaso. Ayon sa opisyal, mga propesyonal na killer ang mga suspek base na rin sa estilo ng pagpaslang…

Read More

BARKO NASUNOG 19 PATAY, 7 MISSING

INIULAT ng Philippine Coast Guard na umabot na sa 19 ang bilang ng mga kumpirmadong namatay, kabilang ang dalawang bata, sa nangyaring na sunog sa M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan. Batay rin ito sa naging pahayag ng Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). Sa talaan ng Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard (PCG), nasa 10 pasahero ang namatay noong Miyerkoles ng gabi ngunit may narekober pang karagdagang bangkay ng 9 katao nitong Huwebes ng umaga. Karamihan sa mga ito ay nalunod sa dagat sa kasagsagan…

Read More