KONSEHAL NG DOLORES, QUEZON PATAY SA PAMAMARIL

QUEZON – Patay ang isang konsehal ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, matapos na pagbabarilin nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Orlando Barsomo, 47-anyos, ng nasabing lugar. Batay sa inisyal na report ng Dolores Police, dakong alas-3:15 ng madaling araw, naglalakad ang konsehal hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Brgy. Dagatan sa nasabing bayan, nang pagbabarilin ito ng hindi pa matiyak na bilang ng mga armado. Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis namang tumakas…

Read More

ELECTION SUMMIT 2023 IKAKASA NG COMELEC

PINAGHAHANDAAN na ng Commision on Elections (Comelec) at iba pang election stakeholders ang pagdaraos ng Election Summit sa 2023. Sa pangunguna ni Chairman George Garcia, nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagdaraos ng summit kasama ang mga poll watchdog, civil society groups at non-government organizations. Kasama sa mga lumagda sa MOA ang National Movement for Free Elections (NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, Legal Network for Truthful Elections (LENTE), at iba’t iba pang poll watchdogs at civil society organizations. “Nakipagkapit-bisig tayo sa lahat ng civil…

Read More

RIDER BUMULUSOK SA TULAY, PATAY

patay

CAVITE – Lumipad sa kanyang kamatayan ang isang rider nang bumulusok ang minamanehong motorsiklo sa isang tulay sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa Imus Hospital ang biktimang si Marvin Arispe y Tubiera, nasa hustong edad, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police, dakong ala-1:40 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Daang Hari Road patungo sa direksyon ng Gen.…

Read More

P1.5-M MARIJUANA, TIMBOG SA HVI SA ANTIPOLO

ANTIPOLO CITY – Nakumpiska ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), kasama ang PDEA Region 4A, at mga tauhan ng Antipolo City Police, ang P1.5 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Brgy. San Roque, sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi. Base sa report ng Antipolo City Police, naaresto sa nasabing buy-bust operation sa kanyang bahay sa nabanggit na lugar ang high value individual (HVI) drug personality na si Lester De Borja, alyas “Kuya”. Nakumpiska sa suspek ang 13 plastic ng tinatayang 13 kilo ng marijuana…

Read More

Nakaw pala tinangkang ibenta online HELPER, 1 PA ARESTADO SA P1-M HALAGA NG KABLE

CAVITE – Dahil sa social media, naaresto sa entrapment operation ang dalawang lalaki matapos na mag-post hinggil sa ibinebentang kable ng telepono sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law ang mga suspek na sina Rustom Nova Alberca, 28, binata, helper, ng Brgy. Alapan 2B, Imus City, Cavite, at Dominic Coquilla Lazala, 32, driver ng Brgy. Alapan 2B, Imus City, Cavite dahil sa reklamo ni Liwayway Pastrana Valenzuela, 50, isang subcontractor, ng San Sebastian, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat, nakita…

Read More

P1.3-M SHABU, NASAMSAM SA DALAGANG TULAK

LUCENA CITY – Arestado isang dalaga matapos masamsam sa kanya ang P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa anti-illegal drug operation sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi. Ikinasa ng mga operatiba ng PDEU/PIU-Quezon, PDEA-4A at mga tauhan ng Lucena PNP, ang buy-bust operation dakong alas-10:30 ng gabi sa Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam. Dumating sa lugar ang 31-anyos na suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad nakipag-deal sa isang pulis na umaktong buyer. Matapos ang transaksyon, hindi nakapalag ang suspek nang posasan ito ng mga awtoridad. Nakuha sa…

Read More

TRIKE INARARO NG AUV; BATA PATAY, 6 SUGATAN

patay

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang bata habang sugatan ang anim pang biktima kabilang ang apat na menor de edad, matapos araruhin ng isang AUV na nawalan ng preno, ang isang tricycle sa Brgy. Sta. Cruz sa lungsod na ito, noong Martes ng tanghali. Ayon sa Antipolo Police, namatay sa insidente ang 11-anyos na batang babae na si Jehazel Embang na pasahero ng tricycle. Sugatan naman ang 41-anyos na driver ng tricycle na si Jobert Labao, at ang pasaherong si Mitchil De-Erit, 27, at ang 16-anyos na si Sophia Feliciano. Sugatan din ang…

Read More

BULKANG KANLAON NAG-AALBUROTO

NAG-ALBUROTO ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng limang pagyanig sa nakalipas na magdamag, iniulat nitong Miyerkoles ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nabatid sa Phivolcs, dahil sa mga pagyanig, itinaas sa alert level 1 ang paligid ng Bulkang Kanlaon. Namataan din ang pagbuga ng usok sa tutok ng bulkan sa nakalipas na 24-oras. Kaugnay nito, sinabi ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ). Nabatid pa sa ahensya na ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng ano mang uri ng eroplano malapit sa bulkan dahil…

Read More

Gulo sa Mindanao posibleng magpatuloy DECOMMISSIONING SA MILF USAP-PAGONG – SOLON

HINDI malayong magpapatuloy ang kaguluhan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil maraming armas pa ang nakakalat kasunod nang mabagal na proseso ng decommissioning sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ito ang babala ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security hinggil sa estado na isama na sa puwersa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang MILF fighters bilang bahagi ng peace process. Base sa kasunduan, kailangang i-decommission ang MILF fighters para hindi na ituring na combatant ang…

Read More