BARANGAY CHAIRMAN PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang isang 60-anyos na barangay chairman matapos na barilin ng hindi kilalang mga suspek sa Lipa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ni Lipa City chief of police, Lt. Col. Ariel Azurin ang biktimang si Vivencio Palo, residente at barangay captain ng Barangay San Carlos, Lipa City. Ayon sa report, nakasakay sa likuran ng kanyang nakaparadang pick-up at nagbababa si Palo ng kanyang mga paninda para sa kanyang tindahan, ilang metro lang ang layo sa barangay hall, nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng isang kotse dakong alas-5:15 ng…

Read More

RIDER, ANGKAS TODAS SA CENTER ISLAND

CAVITE – Hindi na nadala sa ospital ang isang magkaangkas sa motorsiklo nang kapwa malagutan ng hininga makaraang bumangga sa center island ang sinasakyang motorsiklo sa Imus City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Clark Joseph Salanguit Amil, 19, at Jennifer Rose Gosim, nasa hustong edad, idineklarang dead on the spot ng nagrespondeng mga miyembro ng CDRRMO. Ayon sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police, minamaneho ni Amil ang motorsiklong Yamaha Mio at nagkas si Gosim habang binabagtas ang kahabaan ng Daang Hari Road…

Read More

LOLO TIKLO SA P345K IMPORTED SHABU

PAMPANGA – Timbog ang isang 63-anyos na lolo matapos makumpiskahan ng P345,000 halaga ng ilegal na droga na tinanggap nito mula sa ibang bansa, sa isinagawang entrapment operation ng magkasanib na mga operatiba ng PDEA Central Luzon, Clark Inter-Agency Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Masantol Police Station sa Masantol, Pampanga noong Huwebes ng gabi. Ayon sa PDEA, dumating sa Port of Clark noong Pebrero 18 ang package na nagmula sa California, USA. Subalit na-detect sa X-ray scanning, K-9 sniffing at field testing na hinihinalang imported na shabu ang laman…

Read More

78 NAOSPITAL SA DIARRHEA SA NEGROS OCCIDENTAL

NAALARMA ang local government unit ng San Carlos City sa Negros Occidental sa pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng diarrhea sa lungsod. Hanggang noong Pebrero 22, nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 118 na kaso. Mula sa nasabing bilang, 78 ang na-admit sa ospital ng lungsod matapos makaranas  ng bahagya hanggang sa malalang mga sintomas. Nasa 50 ang mga batang nabiktima habang 28 matatanda, ayon sa CHD. Sinabi ni City Health Officer Dr. Arnel Portuguez, nagsimula ang mga kaso noong nakaraang linggo na nakaapekto sa karamihan sa mga batang mag-aaral mula sa isang pampublikong paaralan sa Barangay Bulungan habang ang iba pang…

Read More

DEBRIS NG CESSNA PLANE, MGA PASAHERO NATAGPUAN NA

NATAGPUAN na ng search and rescue (SAR) team ang kinaroroonan ng mga labi ng apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane sa Albay. Ayon sa Albay Provincial Information Office, narating na nitong Miyerkoles ng gabi ng 28-man rescue team ang binagsakan ng Cessna 340A sa taas na 6,500 feet above sea level malapit sa crater ng Mayon Volcano. Kinumpirma rin ni Incident Commander Camalig Mayor Irwin Baldo Jr., na nag-reclassify na sila mula sa search and rescue patungo sa retrieval operations. Ito ay matapos makumpirma sa ipinadalang mga litrato ng mga rescuer na pawang namatay ang mga sakay…

Read More

GUIGUINTO WW2 HEROES BINIGYANG PUGAY

NAG-ALAY ng bulaklak ang lokal na pamahalaan ng Guiguinto, Bulacan sa pangunguna ni Mayor Agatha Paula Cruz kasama ang mga konsehal ng bayan sa monumento ng limang guiguintenyo na tinaguriang mga bayani ng Ikalawang Digmaan bilang pag-alala sa araw ng kanilang pagbubuwis ng buhay sa kamay ng mga sundalong Hapon nitong Lunes (Pebrero 20, 2023). Kuha ni:   BILANG pag-alala sa kanilang kabayanihan noong World War 2, isang wreath laying activity ang isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Guiguinto, Bulacan nitong Lunes sa bantayog ng limang bayaning Guiguintenyo na pinahirapan at…

Read More

PANABONG NABUKING SA BAG, HELPER TIKLO

CAVITE – Arestado ang isang helper nang nabuking sa dala niyang bag ang nakaw na mga panabong na manok sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Jovenor Calos y Sumbisi, 25, ng Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga opisyal ng barangay dakong alas-3:00 ng madaling araw nang namataan nila ang suspek na nakabisikleta sa Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite at may dalang bag. Naghinala ang mga opisyales dahil matambok ang dala nito kaya…

Read More

P1-M ALAHAS, CASH NG PAWNSHOP NATANGAY NG DAGA-DAGA GANG

PANGASINAN – Tinatayang P1 milyong halaga ng mga alahas at cash ang natangay matapos na sumalakay ang tinaguriang “Daga-daga gang” sa isang pawnshop sa Barangay Poblacion sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito. Ayon sa Mangaldan Police, noong Lunes ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng St. Patrick Pawnshop ang pangyayari. Batay sa imbestigasyon, dumaan ang mga magnanakaw sa bakanteng lote sa likod lamang ng pawnshop, na konektado sa drainage canal. Gumawa ang suspek ng tunnel patungo sa ilalim ng pawnshop at saka binutas ang sahig. Natangay ng mga magnanakaw ang…

Read More

PASLIT INANOD SA DAGAT

NORTHERN SAMAR – Hinihinalang inanod sa dagat ang isang taon gulang na paslit matapos na iwan ng ina sa kanilang bahay na malapit sa dalampasigan sa Barangay 1, Poblacion, sa bayan ng Capul sa lalawigang ito. Ayon sa Capul PNP at MDRRMO, iniulat ang pagkawala ng paslit na kinilalang si Kent Lorenz   Oliverio, noong Sabado ng hapon. Nabatid sa imbestigasyon, may pinuntahan ang ina ng paslit at iniwan ang anak sa loob ng kanilang bahay. Ngunit pag-uwi nito, nadiskubreng wala na ang paslit na hinihinalang nakalabas at nagtungo sa dalampasigan. Ayon sa MDRRMO, noong oras at araw na nawala…

Read More