QUEZON – Anim na katao ang naitalang namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa lalawigang ito. Ayon kay Quezon PDRRMO head Dr. Melchor Avenilla Jr., lima sa mga biktima ay nalunod sa mga bayan ng Dolores, Guinayangan, Pagbilao, Padre Burgos, Infanta at Lucena. Nalunod sa ilog sa Barangay Boboin sa bayan ng Infanta si Jerald Sinar habang ito ay namumulot ng inaanod na mga kahoy. Kinilala naman ang nalunod sa Barangay Ligpit Bantayan sa bayan ng Guinayangan na si Michael Perez, 49-anyos. Nalunod naman sa bayan ng Padre Burgos ang 58-anyos na si…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Habang humahagupit ang Bagyong Paeng sa Or Mindoro MAYOR TEVES NAG-IKOT SA COASTAL BARANGAYS
SA gitna ng malakas na hagupit ng hangin at ulan dala ng Severe Tropical Storm Paeng, hindi nag-atubili ang grupo ni Naujan, Oriental Mindoro Mayor Henry Joel C. Teves na mag-ikot upang malaman ang kalagayan ng kanyang mga kababayan partikular iyong mga nasa coastal areas. Kasama si Private Secretary Warly Jose Panganiban, binisita ni Mayor Teves ang coastal barangays kabilang ang Barangay Estrella, San Jose, Melgar A at Melgar B. Inalam ng alkalde ang kalagayan ng mga residente at pinaalalahanan sila na maging laging handa at alerto sa anomang pwedeng…
Read MoreSuspek nabuking habang katalik si misis MISTER PINALAKOL NG KAINUMAN
CAVITE – Sugatan ang isang 31-anyos na magbubukid nang palakulin sa balikat ng kabaro nito matapos maaktuhan ng biktima ang suspek habang katalik ang kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Edgar Dayaganon Endozo, 31, ng Brgy. Anuling Cerca 2, Mendez, dahil sa tama ng palakol sa balikat. Arestado naman ang suspek na si Samuel Dalaguit Valdueza, 29, isa ring magbubukid. Ayon sa ulat ni Corporal Mark Lester Anacan ng Mendez…
Read More3 CAFGU PATAY SA AMBUSH
COTABATO – Dead on the spot ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang tambangan ng armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng military at ng Cotabato PPO, bandang alas-5:30 ng umaga isinagawa ng hinihinalang lawless element ang pag-ambush sa grupo ng paramilitary. Agad na namatay sa insidente sina Ariel Cedino Jr., Uy-uy Mancera at Joel Chavez, pawang kasapi ng CAFGU sa ilalim ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) ng Battalion Philippine Army. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Philippine Army 602nd Brigade, sakay ng motorsiklo…
Read More50 PAMILYA NA-TRAP NG BAHA SA QUEZON
TINATAYANG 50 pamilya na binubuo ng mahigit 150 indibidwal, ang na-trap sa isang sityo sa Brgy. Manggalang Bantilan, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon, matapos na maanod ng baha ang kanilang tanging daanan na isang hanging bridge, sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Paeng. Ayon sa isang residente ng Sityo Sinturisan na si Rodel Triviño, dakong alas-4:00 noong Sabado ng hapon nang bumigay ang 30 metrong habang hanging bridge dahil sa lakas ng agos ng tubig-baha na sumalpok dito. Sa huling text message na naipadala nito, binaha rin ang…
Read MoreMAYOR, 4 NEGOSYANTE NAISKORAN NG SCAMMER
RIZAL – Nabiktima ang alkalde ng Angono at apat na maliliit na negosyante nang umorder ng sandamakmak na pagkain ang nagpakilalang empleyado ng munisipyo at ipina-deliver sa tanggapan ng una. Sa Facebook post ni Mayor Jeri Mae Calderon, sinabi niyang maging siya ay nabigla nang magkakasunod na dumating sa munisipyo ang mga delivery crew ng apat na establisimyento kung saan di umano’y umorder ang isang nagpakilalang Fernando Ablaza. Paglilinaw ni Calderon, wala sa talaan ng kanilang Human Resources Department ang pangalan ni Ablaza, na nagpadala ng halos P12,000 halaga ng…
Read MoreNAMBUDOL NG LOLA, 3 ARESTADO
CAVITE – Hindi umubra ang modus operandi ng tatlong miyembro ng budol-budol gang, nang maaresto sa follow-up operation matapos na biktimahin ang isang 72-anyos na lola sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong swindling (budol-budol), at paglabag sa RA 10591 at RA 9516 ang mga suspek na sina Rolando Samson y Dalisay, 53; Mark Sanchez y De Luna, 33, at Marilyn Geroy y Bañas, 50, dahil sa reklamo ni Jacinta Uriarte y Miranda ng Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite. Ayon sa reklamo ni…
Read MoreTINEDYER PATAY, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO
LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na binatilyo habang sugatan naman ang angkas nito nang ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa poste ng kuryente sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng umaga. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Darren Menchero, residente ng Cotta, Lucena City, dahil sa pinsala sa ulo at leeg. Sugatan naman ang backrider nito na si Angelo Pedragosa, 20, residente ng Barangay Mayao Silangan. Batay sa report ng Lucena PNP, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumalpok…
Read MoreCAGAYAN NAGHAHANDA SA PANANALASA NI PAENG
NAPANATILI ng Tropical Depression Paeng ang taglay nitong lakas ng hangin, habang nananatili sa karagatan ng Pilipinas, bunsod nito, naghahanda na ang lalawigan ng Cagayan na posibleng tamaan ng bagyo. Naitala ang lokasyon ni Paeng sa layong 845 km sa silangan ng Eastern Visayas. Pero maaaring tamaan ng landfall nito ang Cagayan Valley sa weekend. Sa ngayon ay taglay ng TP Paeng ang lakas na 55 kph at may pagbugsong 70 kph pero pinangangambahang magiging ganap itong tropical storm bunsod na rin nang mabagal na pagkilos nito pa-kanluran sa bilis na…
Read More