LUCENA CITY – Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa Lucena City Police, nagsimula ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi sa dalawang palapag na residential house na pag-aari ng 58-anyos na si Teresa De Vera, sa loob ng University Site Village. Nakita na lamang ng mga kapitbahay na naglalagablab ang bahay at may sumisigaw at humihingi ng tulong sa loob subalit hindi nakapasok ang mga nais tumulong dahil sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LAOAG AIRPORT PANSAMANTALANG ISINARA
PANSAMANTALANG ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Laoag Airport matapos masira ang ilang pasilidad bunsod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra bandang alas-10:59 ng gabi noong Martes. Batay sa report ni Area Manager Ronald Estabillo ng Laoag Airport, naapektuhan o nagkaroon ng mga pinsala ang ilang building structures, at ang runway ng naturang airport. Kasabay nito, nag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP, magmula nitong araw ng Miyerkoles hanggang Biyernes habang ‘on going’ ang rehabilitasyon sa mga apektadong parte ng paliparan. Dahil sa malakas na…
Read MorePAGHAHANDA NG LTO AT PNP SA REGION 4A SA UNDAS
PUSPUSAN ang paghahanda ng CALABARZON PNP katuwang ang Land Transportation Office (LTO) – Region 4A sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista na magtutungo sa kani-kanilang probinsya at babagtas sa mga pangunahing lansangan sa Southern Tagalog. Layunin nito na panatilihing ligtas ang mga lansangan sa darating na Undas. Isa sa mga paghahanda na ginagawa ng mga awtoridad ang pinaigting na motor vehicle road worthiness inspection o ang pagtiyak na nararapat bumiyahe ang isang sasakyan sa kalsada, lalo na ang mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at jitney. Sa Laguna, nitong…
Read More5 RAPE SUSPECTS ARESTADO SA CIDG OPERATIONS
Camp Vicente Lim, Calamba City – Lima ang inarestong most wanted persons (MWPs) na may kasong rape at sexual abuse, sa isinagawang mga operasyon noong Lunes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Kinilala ni CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee ang naarestong mga suspek na sina John Lester Gado, Jonathan Nolasco, Arnel Binas, Bernard Posadas, at isang menor de edad, sa ikinasang “Oplan Pagtugis”. Si Gado ay nabibilang sa no. 3 most wanted person sa kasong rape o sexual assault, sa lalawigan ng Batangas, at natimbog ng mga awtoridad sa Barangay Piña, Taysan, Batangas.…
Read MoreSUV SINALPOK NG BUS 3 PATAY, 10 SUGATAN
QUEZON – Tatlo ang patay habang sampu ang sugatan matapos salpukin ng isang bus ang isang SUV sa Maharlika Highway sa Brgy. Balubad, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Atimonan Police, patungong direksyon ng Maynila ang SUV na may pitong sakay, nang masalpok ito ng kasalubong na ALPs bus na nag-slide sa kalsada dakong alas-10:40 ng gabi. Matapos masalpok, naitulak pa ng bus ang SUV pabalik at sumalpok sa nakaparadang trailer truck sa gilid ng highway. Dumanas ng mga grabeng pinsala sa iba’t ibang…
Read More6 PULIS, 4 SIBILYAN SUSPEK SA ROBBERY SA CAVITE
CAVITE – Tatlo ang arestado habang pito pa ang pinaghahanap ng Cavite Police, kabilang sa mga ito ang tatlong pulis na dinismis, tatlo ang aktibo sa serbisyo, at apat na sibilyan kasama ang umano’y isang councilor mula sa Samar, na itinurong suspek sa robbery incident sa Gen. Trias City, sa lalawigang ito noong Oktubre 18. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina P/SSgt. Franklin Requimin Menor (dismissed); Pat. John Carlo Tabuna Machon (AWOL, dismissed) at P/Lt. Reynaldo Afable y Alcantara (active). Si Menor ay naaresto sa follow-up operation sa Fairview, Quezon…
Read MoreBARKO MULA THAILAND NA MAY LULANG ASUKAL HINARANG SA BATANGAS
HINDI pinayagan ng Philippine Ports Authority sa Batangas na makadaong sa private port ang isang barko na may lulan na sako-sakong imported na asukal. Ayon kay PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, galing Thailand ang MV DERYOUNG SUNFLOWER na dumating sa Batangas noong October 19, 2022 lulan ang 194,000 bags ng asukal. Dadaong sana ito sa isang private port sa Bauan pero hindi ito pinagbigyan ng PPA-Batangas dahil batay sa patakaran, dapat ang lahat ng imported na asukal at bigas ay sa government ports lamang pwedeng magbaba at magsakay ng mga kargamento…
Read MoreLALAKI PATAY SA PAMAMARIL SA OSPITAL
LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang natutulog sa waiting area ng JP Rizal Hospital sa Brgy. Bucal, Calamba City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Faisal Palagawad Dimapunung, 34-anyos, tubong Marawi, Lanao del Sur, at residente ng Caloocan City, batay sa nakuhang mga ID ng mga imbestigador. Ayon sa report ng Calamba City Police, katabi ni Faisal ang kanyang asawa na si Norsimah Mamondiong Dimapunong at isa pang babaeng kasama nila, at nakahiga sa waiting area sa…
Read MoreFRATMAN BINARIL NG BROD SA BATANGAS
BATANGAS CITY – Patay ang isang hospital staff na miyembro ng isang brotherhood fraternity matapos na barilin ng kanyang “brod” sa frat party sa Brgy. Pallocan West sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Delfin Gonday Jr., 42, residente ng Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City. Mabilis namang tumakas ang suspek na si Felicimo Padilla makaraan ang pamamaril. Batay sa report ng Batangas City Police, nakikipag-inuman ang biktima sa anniversary party ng Batangas Varsitarian Fraternity, nang makasagutan nito ang suspek na isa sa kanyang…
Read More