KINALAMPAG ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa umano’y garapalang operasyon ng mga ilegal na sugal sa nagkalat na mga peryahan sa lalawigan ng Bulacan. Ayon mismo sa kalipunan ng mga peryodista sa nasabing lalawigan, kabi-kabilang mga reklamo mula sa hanay ng mga kababaihan, ang natatanggap ng kanilang hanay kaugnay ng operasyon ng color games at iba pang sugal lupa sa mga peryahan sa mga bayan ng Bulacan. Kaugnay nito, hinamon ni Omar Padilla na tumatayong pangulo ng Bulacan Press Corps (BPC), sina Police…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
300K MOTORISTA INAASAHANG BUBUHOS SA NLEX
HINDI bababa sa 300,000 motorista ang inaasahang dadagsa ngayong darating na Undas sa North Luzon Expressway (NLEX) at nasa 77,000 motorista naman sa Subic Clark Tarlac Expressway kaya naman tiniyak ng NLEX Corporation na handa na sila dahil sa pinaigting nitong operasyon. Upang masiguro na hindi magkakaroon ng pagbubuhol ng trapiko, magpapatupad ang NLEX Corp. ng mga karagdagang traffic management measures mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2 para sa inaasahang pagdagsa ng motorista na magdudulot ng mataas na traffic volume sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day.…
Read MoreDALAGITA SABAYANG HINALAY NG 15-ANYOS AT JOWANG BADING
HINDI na nagawang pumalag ng isang 15-anyos na binatilyo matapos dakpin ng pulisya sa bisa ng isang mandamiento de arresto kaugnay ng isinampang kaso ng menor-de-edad ding babae na di umano’y halinhinan nilang hinalay ng karelasyong bakla. Bagamat arestado ang hindi pinangalang suspek, patuloy naman ang manhunt operation sa baklang suspek na kasama umanong gumahasa sa biktima sa lungsod ng Marikina. Ayon kay Lt. Michael Danao na tumatayong hepe ng Marikina City Police – Warrant and Subpoena Unit, inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at mga kinatawan mula sa…
Read MoreBUNDOK SA MT. PROVINCE GUMUHO, KALSADA NATABUNAN
MOUNTAIN PROVINCE – ‘Passable’ na nitong Biyernes ang bahagi ng kalsada sa bayan ng Bauko sa lalawigang ito, na naapektuhan ng landslide noong Huwebes. Ayon sa LGU ng Bauko, alas-6:30 ng umaga nitong Biyernes ay nabuksan na ang highway matapos maalis ang gumuhong mga bato at lupa. Noong Huwebes dakong alas-3:00 ng hapon nang gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Sitio Ampingke, Barangay Leseb dakong alas-3:00 ng hapon. Nakuhanan ng isang netizen ang pagguho ng nasabing bundok. Ayon sa Bauko PNP, simula nang maranasan ang 7-magnitude na lindol noong Hulyo, nagkaroon na…
Read MoreMIYEMBRO NG DRUG GROUP, 42 PANG TULAK NADAKMA
CAVITE – Inaresto ng Cavite Police ang 43 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang miyembro ng Tibatid drug group, at isang kasama nito, sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon hanggang Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat ni Cavite Police Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-3:30 noong Huwebes ng hapon hanggang alas-12:20 ng madaling araw nitong Biyernes sa tatlong lungsod at siyam na bayan sa lalawigan. Nanguna ang Lungsod ng Bacoor sa may pinakamaraming…
Read MoreAso ang tatagain pero binti niya tinamaan LASING NAPATAY ANG SARILI
QUEZON – Patay ang isang lalaking lasing matapos na mataga ang kanyang binti dahil sa pagkayamot sa isang aso sa Brgy. Suliyao, sa bayan ng Pitogo sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Carlos San Agustin Jr., 50, isang magsasaka. Batay sa report ng Macalelon Police, dakong alas-11:00 noong Huwebes ng gabi, matutulog na sana ang biktima sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan matapos itong makipag-inuman, nang magalit ito sa aso dahil sa pagdila sa kanyang paa. Dahil sa inis, inundayan nito ng taga ang aso subalit ang kanyang binti ang…
Read MorePatungo sa DA office sa Quezon City MGA MAGSASAKA HINARANG SA TIAONG, QUEZON
Hinarang mga mga tauhan ng Tiaong Police nitong Huwebes ng umaga ang 11 kataong grupo ng mga magsasaka na tutungo sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City para dumalo sa isang dayalogo kasama ang ahensya. Kabilang sa mga hinarang ay ang lider-magsasaka at tagapagsalita ng PIGLAS Quezon at CLAIM Quezon na si Felizardo “Sarding” Repaso. Ayon kay Orly Marcellana, ang secretary general ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan, mula sa Lucena ay umalis ang gupo sakay ng isang van subalit pagdating sa bayan ng Candelaria ay hinarang ang mga ito sa…
Read More19-ANYOS NA UMANO’Y NPA SUMUKO
QUEZON – Isang 19-anyos na estudyante na nagsabing miyembro ng rebeldeng New People’s Army, ang sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng San Andres Police, ang kabataaang rebeldeng si alyas “Ka Dodong” ay sumuko sa mga tauhan ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) at mga tauhan ng 85th IB ng Army, sa himpilan ng San Andres Municipal Police. Isinuko nito ang kanyang baril na isang .38 caliber revolver. Ayon dito, na-recruit siya ng isang NPA member na si alyas “Ka…
Read More2 MIYEMBRO NG USMAN DRUG GROUP, NASAKOTE
CAVITE – Naaresto ng Cavite Police ang isang high value individual (HVI) at kasama nito na miyembro ng Usman drug group, sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Renzo Bilog y Ramos at Samuel Caunceran y Sammy, at kapwa nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Corporal Mammol Cunanan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-5:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office, sa Brgy. Salitran 4, Dasmariñas…
Read More