TINATAYANG P10 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Marikina PNP at District Special Operation Unit (DSOU) sa 32-anyos na vendor noong Lunes ng gabi sa Marikina City. Kinilala ang nadakip na si Habib Pangalian y Ampuan, may asawa, ng Brgy. Fortune ng lungsod. Ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang magkasanib na puwersa ng Marikina PNP, EPD, District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Special Operation Unit at DECU sa McDonald Avenue, Brgy. Sto. Niño,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
NAGLAHONG KALSADA
GINAMITAN ng heavy equipment para maalis ang makapal na putik at abo na tumakip sa mga kalsada sa ilang barangay sa bayan ng Agoncillo. MISTULANG naglaho ang mga kalsada sa ilang barangay sa Agoncillo, Batangas nang matakpan ng putik at abo galing sa bulkan dahil sa malalakas na pag-ulan noong Biyernes hanggang Sabado ng madaling araw. Ayon sa MDRRMO ng Agoncillo, nagkaroon ng makakapal na soil deposits sa Agoncillo-Laurel Circumferential Road dahil sa mga landslide at mudslide na tinangay ng mga baha patungo sa mga kalsada. Ayon pa sa MDRRMO,…
Read MoreHIPAG IPINAARESTO SA KINUPIT NA P50K
CAVITE – Ipinaaresto ng isang ginang ang kanyang hipag na inakusahan nitong tumangay ng kanyang P50,000 cash sa kanyang bahay sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si Chewie Tolentino y Magpayo, 43, dahil sa reklamo ng kanyang hipag na si Irene Tolentino y Gabriel, 40-anyos. Ayon sa salaysay ni Irene kay Corporal Christian Espiritu ng Mendez Police Station, dumalaw ang kanyang hipag at asawa nito sa kanilang bahay sa Brgy. Panungyan 2, Mendez, Cavite dakong alas-2:30 ng hapon. Habang…
Read More2 RIDER PATAY, 1 SUGATAN SA SALPOK NG KASALUBONG
PATAY ang dalawang motorcycle rider makaraang mabangga ng kanilang kasalubong sa magkahiwalay na aksidente sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite nitong Linggo. Batay sa report ng CALABARZON Police, parehong sumalpok ang dalawang motorsiklo sa kanilang kasalubong dahil sa pag-overtake at pagsakop sa opposite lane ng highway. Unang namatay ang motorcycle rider na si Charles Jewel Rara matapos na sumalpok sa kasalubong na tractor head truck sa Maharlika highway sa Barangay Makiling, Calamba City, Laguna dakong alas-5:20 ng umaga. Samantala sa General Trias, Cavite, dead on arrival sa ospital ang motorcycle rider na…
Read MoreMAYOR SA MAGUINDANAO TIMBOG SA PNP-CIDG SA DOUBLE MURDER
NASA ilalim ng hospital arrest ang isang Maguindanao town mayor na kapatid ni dating Maguindanao Representative Esmael Mangudadatu, dahil sa pagkakadawit sa pagpatay sa isang mag-asawa sa Sultan Kudarat, 12 taon na ang nakalilipas. Inaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, BangsaMoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)-CIDG Field Unit, ang 44-anyos na si Khaddafe “Toy” Mangudadatu, mayor ng Pandag, Maguindanao, sa Royal Mandaya Hotel sa Palma St. sa Davao City, dakong alas-4:15 noong Linggo ng hapon. Ayon kay Lieutenant Colonel Bernard Lao, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group…
Read MoreP936-M ASUKAL NADISKUBRE SA BULACAN
UMABOT sa P936 milyong halaga ng asukal ang nadiskubre sa isang bodega sa inilunsad na joint inspection sa ilang bodega sa Meycauayan, Bulacan. Matapos na ma-validate ang nakalap na intelligence information ay agad ikinasa ang joint inspection sa tinukoy na mga bodega ng pinagsanib na pwersa mula Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Enforcement and Security Service-Quick Response Team (ESS-QRT), katuwang ang Armed Forces of the Philippine-Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), Philippine National Police-Criminal Investigation…
Read MoreARMAS, PAMPASABOG NASAMSAM NG MILITAR
NADAGDAGAN na naman ang bilang ng narerekober na mga armas ng Spear Troopers at Philippine National Police (PNP) mula sa Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Bulala, Magallanes, Sorsogon, . Ayon kay Lt. Col. Nelson B. Mico, Commanding Officer ng 22nd Infantry Battalion (22IB), ilang mga residente ang nagpaabot ng sumbong sa kanilang tropa hinggil sa mga nakatagong armas sa isang koprahan. Isang joint AFP at PNP operation ang binuo at sa pangunguna ng Philippine Army 22nd Infantry Battalion katuwang ang local PNP, ay sinalakay ang ang…
Read More3 SUGATAN SA PAGSABOG NG LUMANG PAPUTOK
CAVITE – Tatlo ang sugatan, anim na sasakyan at ilang kabahayan ang nasira makarang sumabog ang mga lumang paputok sa isang bahay sa Imus City, noong Biyernes ng umaga. Isinugod sa Our Lady of Pilar Medical Center ang mga biktimang sina Marylyne Ochoa y Garcia, 56, at Alaisa Marie Ochoa y Garcia, 28, habang sa Medical Center Imus naman isinugod si Jay Arvin Ochoa y Garcia, dahil sa mga sugat sa kanilang katawan. Masuwerte naman na hindi nasugatan ang iba pang mga miyembro ng pamilya na sina Agapito Ochoa y…
Read MoreSINGKABAN FESTIVAL 2022 UMARANGKADA NA
CITY OF MALOLOS- Nagsimula na ang selebrasyon ng lalawigan ng Bulacan sa tinaguriang “mother of all fiestas” – ang Singkaban Festival 2022 sa pormal na pagbubukas nito na ginanap sa harap ng kapitolyo nitong Huwebes, Setyembre 8, 2022. Ito ang kauna-unahang face-to-face celebration ng pamahalaang panlalawigan sa naturang okasyon makaraan ang 2 taong pandemiya kung saan ang bawat dumalo ay nag-enjoy sa “Parada ng Karosa” bilang bahagi ng selebrasyon. Ayon kay Katrina Anne B. Balingit, head of Provincial Public Affairs Office, ang selebrasyon sa taong ito ay kinasabikan dahil sa…
Read More