BAHAGYANG nagkaroon ng tensyon sa pamamahagi ng mga na-auction na abandonadong Balikbayan Boxes sa isang warehouse sa Balagtas, Bulacan nitong Sabado. Nabatid na mahigit 100 mga consignee na pawang mga kaanak ng mga nagpadalang overseas Filipino workers (OFW), ang dumagsa sa FR Agbay Enterprises sa Hobart Warehouse Compound kung saan nakalagak ang nasa mahigit 3,000 balikbayan boxes na nakatakdang i-release tuwing araw ng Sabado. Ang nasabing balikbayan boxes ay ipina-auction ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan makaraan ideklarang abandoned goods dahil hindi na inasikaso ng consolidator mula sa ibang bansa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LADY RIDER, ANGKAS SUGATAN SA AMBUSH
BULACAN – Dead on the spot ang isang lady rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos na pagbabarilin ng riding in tandem na bumuntot sa kanila pagsapit sa Road 1, IPO Road, Brgy. Minuyan Proper, City of San Jose Del Monte sa lalawigang ito. Kinilala ang napaslang na si Mary Joy Gonzales y De Jesus, 36, may asawa, isang call center agent, at naninirahan sa Sitio Gulod, Brgy. Minuyan Proper, CSJDM. Naglunsad na ng manhunt operation si P/Col. Rannie Lumactod laban sa hindi pa kilalang mga suspek matapos na hindi matunton…
Read MoreNaglalaba kasama ni Ate BATANG BABAE NALAGLAG SA ILOG, NALUNOD
QUEZON – Nalunod ang isang 7-anyos na batang babae makaraang mahulog sa ilog habang naglalaba sa Barangay Banot, sa bayan ng Sampaloc sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Ayon sa Sampaloc Police, wala nang buhay ang biktimang si Jesica Olager nang mai-ahon ng sumaklolong mga kapitbahay. Batay sa report, ang biktima kasama ang kanyang 14-anyos na kapatid na babae, ay naglalaba sa gilid ng Maapon river sa nasabing bayan dakong alas-8:00 ng umaga. Subalit nadulas ang bata at nahulog sa tubig hanggang sa napunta ito sa malalim na bahagi.…
Read More50 PAMILYA APEKTADO SA 3 SUNOG SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa limampung pamilya ang naapektuhan nang masunog ang isang residential apartment at residential house gayundin ang isang garment warehouse sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes. Ayon sa ulat, dakong alas-7:05 noong Huwebes ng umaga nang nasunog ang isang tatlong palapag na residential apartment sa 171 2nd St., Sto Niño 3, Bacoor City, Cavite na pagmamay-ari ng isang Fernando Tan. Dakong alas-7:13 ng umaga nang ideklarang 1st alarm at fire under control dakong alas-7:33 ng umaga ang sunog habang mahigit sampung fire truck ang nagresponde sa…
Read MoreKAGAWAD UTAS SA DATING KAALITAN
LAGUNA – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin ng kanyang dating kaalitan sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Cabuoan, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si John Arvy Vispo, 36, residente at kagawad ng Brgy. Adia, dahil sa tama ng mga bala sa dibdib at tiyan. Batay sa imbestigasyon ng Santa Maria Police, dakong alas-8:20 ng gabi, nasa tindahan ang biktima at bibili ng alak nang dumating ang suspek na kinilalang si Reynald Ikling. Nagkaroon ng…
Read MoreDEATH TOLL KAY PAENG, 154 NA
UMAKYAT na sa 154 ang napaulat na namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa mahigit 50 lalawigan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa inilabas na datos ng NDRRMC nitong Biyernes ng umaga, pinakamarami sa napaulat na namatay ay mula sa BARMM na nasa 63 katao. Tatlumpu’t tatlo rito ay sa Region 6 at Calabarzon, lima sa Region 8, tig-apat sa Region 9, at Region 12, tatlo sa MIMAROPA, tig-dalawa sa Region 2, Region 3, Region 5, Region 7, at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR). Sa…
Read MoreOne Meralco Foundation energizes island schools in Iloilo
CONCEPCION, Iloilo – Christmas came early for students and teachers of three schools in Concepcion and Janiuay, Iloilo as One Meralco Foundation continues its School Electrification Program for last mile schools in the Philippines. While many Filipinos kick-off the yuletide season at the start of the “ber” months by turning on Christmas lights in their homes, malls and offices, off-grid and other far-flung communities are not able to enjoy the same due to lack of sources of electricity. In the northern part of Iloilo, some island barangays struggle with stable…
Read More8 SUGATAN SA SUMABOG NA BODEGA NG PAPUTOK
MALUBHANG nasugatan ang walo katao sa pagsabog ng bodega ng paputok sa Barangay Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan, Huwebes ng tanghali. Base sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang pagsabog bandang ala-1 ng hapon sa Sitio Manggahan, isang fireworks manufacturing site. Ang walong hindi pa nakikilalang mga biktima na hinihinalang mga manggagawa o tauhan sa nasabing bodega ay kaagad isinugod sa Rogaciano Mercado Hospital para lapatan ng lunas. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang sanhi ng pagsabog at kung may nasawing biktima dahil habang isinusulat ang balitang ito ay…
Read MoreLALAKI BINARIL SA NOO, ITINAPON SA ILOG
QUEZON – Isang lalaking may tama ng bala ng baril sa noo ang natagpuang nakalutang sa ilog sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Jerlyn Burgos Agbay, 42, taga Brgy. Loob, San Antonio, Quezon. Batay sa report ng Tiaong Police, nadiskubre ng mga residente ang bangkay sa ilog sa Sitio Kuta, Brgy. Ayusan 1. Isinailalim sa pagsusuri ng SOCO ang labi para malaman kung anong baril ang ginamit ng suspek at para sa iba pang ebidensya na makatutulong sa paglutas sa krimen. (NILOU DEL CARMEN) 348
Read More