PUMALO na sa 9,901 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Bulacan kaya naman patuloy pa rin na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH), ang paglaban sa dengue kabilang ang pagsasagawa ng ilang mga aktibidad at kampanya upang tuluyang masugpo ang papataas na kaso ng dengue sa lalawigan. Dahil dito, ipinag-utos ni Governor Daniel Fernando ang mahigpit na pagbabantay sa mga lugar na dengue hotspot, at clustering ng mga kaso na siyang prayoridad ng interbensyon. Nagsagawa rin ng sabayang paglilinis kamakailan sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
‘THE BIG ONE’ IBINABALA SA EASTERN VISAYAS
PINANGANGAMBAHANG may maganap na pinakamalakas na lindol o tinaguriang “The Big One” sa ilang bahagi na nasasakupan ng Region 8 sa Eastern Visayas. Bunsod nito, pinaghahanda ng Office of Civil Defense Eastern Visayas ang mga residente dahil posibleng gumalaw ang pinakamalaking fault line sa rehiyon na ikinukonsidera ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na “The Big One”. Ang nasabing fault line ay mas malaki kung ikukumpara sa Manila. Base sa pag-aaral ng Phivolcs, ang mga lugar na dinadaanan ng Philippine Trench o Fault Line ay ang Taft, San Julian,…
Read More3,228 BINATILYO TINULI SA ANGELES CITY
PINANGUNAHAN ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang Operation libreng tuli sa 3,228 kabataan sa nasabing siyudad. (CONTRIBUTED PHOTO) ANGELES CITY — Umabot sa 3,228 binatilyong Angeleño na edad 10-17 ang sumailalim sa libreng tuli sa loob ng 25 araw kamakailan. May temang “Magpatuli para Pogi,” ang nasabing ‘operation tuli’ ay isinagawa sa anim na Rural Health Units mula July 4 to 28, 2022, na pinangasiwaan ng pamahalaang lungsod ng Angeles sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. Ito ay pinamahalaan nina Lazatin Chief Adviser IC Calaguas at…
Read MoreMGA PULIS NABIKTIMA NG FAKE MESSAGE
LAKING galit ng mga tauhan ng NCRFU at Sto Tomas City police nang matuklasan na fake message ang ipinarating sa kanila na may posibleng pinatay at inilibing sa isang farm sa Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa nagpadala ng mensahe, posible umanong ang nawawalang Pharma CEO ang biktima. Base sa report ng Sto Tomas police, natanggap ng hotline ng CIDG NCR mula umano sa isang concerned citizen dakong alas-12:00 Lunes ng tanghali ang mensahe. Ayon sa text message, narinig umano niya ang balita hinggil sa pagkawala ng Pharma CEO noong July…
Read More8 sasakyan inararo sa Antipolo 2 PATAY, 1 KRITIKAL SA BULUSOK NG TRAK
ANTIPOLO City, Rizal – Dalawa katao ang kumpirmadong patay habang agaw-buhay pa sa pagamutan ang isa makaraang araruhin ng isang rumaragasang 6-wheeler truck a pababang bahagi ng Olalia Road sa Barangay Dela Paz kahapon ng umaga. Agad na dinakip ng pulisya ang isang Henry Martin na nagmamaneho ng Isuzu truck na may plakang NBE-5794. Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hindi na nakontrol ng suspek ang minamanehong trak makaraang lumusot ang preno habang binabagtas pababa ang matarik na kalsada ng Olalia dakong alas 10:20 kahapon ng umaga. Kabilang sa pumanaw sa…
Read MorePULIS ADIK NA, PUSHER PA TIMBOG
ISANG aktibong police officer ang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation sa Ocampo, Camarines Sur, ayon sa ulat ng PNP Police Regional Office 5 kahapon. Sa ulat na ibinahagi ni Bicol PNP Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, kinilala ang suspek na si PCMS Romeo Penolio Jr., aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa Camarines Sur Police Provincial Office. Sa isinumiteng ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, matapos ang isinagawang intelligence at surveillance operation laban sa pulis ay ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa…
Read More4 TULAK NALAMBAT SA DRUG DEN
LAGUNA – Sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang motorcycle repair shop na umano’y ginawang drug den sa Barangay Kay Anlog sa Calamba City sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Freddie Alina, Jessie Cruz, Dennis de Castro at Franco Montano. Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad matapos manmanan ang hideout ng mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. Nakumpiska sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P63,000 ang halaga. (CYRILL QUILO) 202
Read MoreCHINISMIS NA PUSHER, NAMARIL
SUGATAN ang isang lalaki matapos barilin ng lalaking kanya umanong ipinamamalita na drug pusher sa San Pedro City, Laguna, Linggo ng hapon. Kinilala ng biktima na si Rey Dejito. Ayon sa report ng San Pedro police, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin si Dejito ng suspek na si Jayson Morada sa Barangay San Antonio. Ayon sa live-in partner ng suspek, nagalit umano ang kanyang kinakasama matapos malaman na ipinamamalita ng biktima na tulak siya ng ilegal na droga. Isinugod ang biktima sa Amante Medical Hospital samantalang tumakas ang suspek matapos…
Read MoreOBRERO NATSUGI SA USAPANG LASING
CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang 45-anyos na construction worker ang usapang lasing ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Rico Auxilio y Yuson, dahil sa tama ng saksak sa katawan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Zenjie Bajar y Lacre, isa ring construction worker, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Christopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, dakong alas-12:30 ng hapon,…
Read More