CAVITE – Hindi umubra ang modus operandi ng tatlong miyembro ng budol-budol gang, nang maaresto sa follow-up operation matapos na biktimahin ang isang 72-anyos na lola sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong swindling (budol-budol), at paglabag sa RA 10591 at RA 9516 ang mga suspek na sina Rolando Samson y Dalisay, 53; Mark Sanchez y De Luna, 33, at Marilyn Geroy y Bañas, 50, dahil sa reklamo ni Jacinta Uriarte y Miranda ng Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite. Ayon sa reklamo ni…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TINEDYER PATAY, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO
LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na binatilyo habang sugatan naman ang angkas nito nang ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa poste ng kuryente sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng umaga. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Darren Menchero, residente ng Cotta, Lucena City, dahil sa pinsala sa ulo at leeg. Sugatan naman ang backrider nito na si Angelo Pedragosa, 20, residente ng Barangay Mayao Silangan. Batay sa report ng Lucena PNP, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumalpok…
Read MoreCAGAYAN NAGHAHANDA SA PANANALASA NI PAENG
NAPANATILI ng Tropical Depression Paeng ang taglay nitong lakas ng hangin, habang nananatili sa karagatan ng Pilipinas, bunsod nito, naghahanda na ang lalawigan ng Cagayan na posibleng tamaan ng bagyo. Naitala ang lokasyon ni Paeng sa layong 845 km sa silangan ng Eastern Visayas. Pero maaaring tamaan ng landfall nito ang Cagayan Valley sa weekend. Sa ngayon ay taglay ng TP Paeng ang lakas na 55 kph at may pagbugsong 70 kph pero pinangangambahang magiging ganap itong tropical storm bunsod na rin nang mabagal na pagkilos nito pa-kanluran sa bilis na…
Read MoreBATA PATAY SA SUNOG SA LUCENA CITY
LUCENA CITY – Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa Lucena City Police, nagsimula ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi sa dalawang palapag na residential house na pag-aari ng 58-anyos na si Teresa De Vera, sa loob ng University Site Village. Nakita na lamang ng mga kapitbahay na naglalagablab ang bahay at may sumisigaw at humihingi ng tulong sa loob subalit hindi nakapasok ang mga nais tumulong dahil sa…
Read MoreLAOAG AIRPORT PANSAMANTALANG ISINARA
PANSAMANTALANG ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Laoag Airport matapos masira ang ilang pasilidad bunsod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra bandang alas-10:59 ng gabi noong Martes. Batay sa report ni Area Manager Ronald Estabillo ng Laoag Airport, naapektuhan o nagkaroon ng mga pinsala ang ilang building structures, at ang runway ng naturang airport. Kasabay nito, nag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP, magmula nitong araw ng Miyerkoles hanggang Biyernes habang ‘on going’ ang rehabilitasyon sa mga apektadong parte ng paliparan. Dahil sa malakas na…
Read MorePAGHAHANDA NG LTO AT PNP SA REGION 4A SA UNDAS
PUSPUSAN ang paghahanda ng CALABARZON PNP katuwang ang Land Transportation Office (LTO) – Region 4A sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista na magtutungo sa kani-kanilang probinsya at babagtas sa mga pangunahing lansangan sa Southern Tagalog. Layunin nito na panatilihing ligtas ang mga lansangan sa darating na Undas. Isa sa mga paghahanda na ginagawa ng mga awtoridad ang pinaigting na motor vehicle road worthiness inspection o ang pagtiyak na nararapat bumiyahe ang isang sasakyan sa kalsada, lalo na ang mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at jitney. Sa Laguna, nitong…
Read More5 RAPE SUSPECTS ARESTADO SA CIDG OPERATIONS
Camp Vicente Lim, Calamba City – Lima ang inarestong most wanted persons (MWPs) na may kasong rape at sexual abuse, sa isinagawang mga operasyon noong Lunes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Kinilala ni CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee ang naarestong mga suspek na sina John Lester Gado, Jonathan Nolasco, Arnel Binas, Bernard Posadas, at isang menor de edad, sa ikinasang “Oplan Pagtugis”. Si Gado ay nabibilang sa no. 3 most wanted person sa kasong rape o sexual assault, sa lalawigan ng Batangas, at natimbog ng mga awtoridad sa Barangay Piña, Taysan, Batangas.…
Read MoreSUV SINALPOK NG BUS 3 PATAY, 10 SUGATAN
QUEZON – Tatlo ang patay habang sampu ang sugatan matapos salpukin ng isang bus ang isang SUV sa Maharlika Highway sa Brgy. Balubad, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Atimonan Police, patungong direksyon ng Maynila ang SUV na may pitong sakay, nang masalpok ito ng kasalubong na ALPs bus na nag-slide sa kalsada dakong alas-10:40 ng gabi. Matapos masalpok, naitulak pa ng bus ang SUV pabalik at sumalpok sa nakaparadang trailer truck sa gilid ng highway. Dumanas ng mga grabeng pinsala sa iba’t ibang…
Read More6 PULIS, 4 SIBILYAN SUSPEK SA ROBBERY SA CAVITE
CAVITE – Tatlo ang arestado habang pito pa ang pinaghahanap ng Cavite Police, kabilang sa mga ito ang tatlong pulis na dinismis, tatlo ang aktibo sa serbisyo, at apat na sibilyan kasama ang umano’y isang councilor mula sa Samar, na itinurong suspek sa robbery incident sa Gen. Trias City, sa lalawigang ito noong Oktubre 18. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina P/SSgt. Franklin Requimin Menor (dismissed); Pat. John Carlo Tabuna Machon (AWOL, dismissed) at P/Lt. Reynaldo Afable y Alcantara (active). Si Menor ay naaresto sa follow-up operation sa Fairview, Quezon…
Read More