BARKO MULA THAILAND NA MAY LULANG ASUKAL HINARANG SA BATANGAS

HINDI pinayagan ng Philippine Ports Authority sa Batangas na makadaong sa private port ang isang barko na may lulan na sako-sakong imported na asukal. Ayon kay PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, galing Thailand ang MV DERYOUNG SUNFLOWER na dumating sa Batangas noong October 19, 2022 lulan ang 194,000 bags ng asukal. Dadaong sana ito sa isang private port sa Bauan pero hindi ito pinagbigyan ng PPA-Batangas dahil batay sa patakaran, dapat ang lahat ng imported na asukal at bigas ay sa government ports lamang pwedeng magbaba at magsakay ng mga kargamento…

Read More

LALAKI PATAY SA PAMAMARIL SA OSPITAL

LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang natutulog sa waiting area ng JP Rizal Hospital sa Brgy. Bucal, Calamba City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Faisal Palagawad Dimapunung, 34-anyos, tubong Marawi, Lanao del Sur, at residente ng Caloocan City, batay sa nakuhang mga ID ng mga imbestigador. Ayon sa report ng Calamba City Police, katabi ni Faisal ang kanyang asawa na si Norsimah Mamondiong Dimapunong at isa pang babaeng kasama nila, at nakahiga sa waiting area sa…

Read More

FRATMAN BINARIL NG BROD SA BATANGAS

BATANGAS CITY – Patay ang isang hospital staff na miyembro ng isang brotherhood fraternity matapos na barilin ng kanyang “brod” sa frat party sa Brgy. Pallocan West sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Delfin Gonday Jr., 42, residente ng Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City. Mabilis namang tumakas ang suspek na si Felicimo Padilla makaraan ang pamamaril. Batay sa report ng Batangas City Police, nakikipag-inuman ang biktima sa anniversary party ng Batangas Varsitarian Fraternity, nang makasagutan nito ang suspek na isa sa kanyang…

Read More

PRO-3 KINALAMPAG SA TALAMAK NA SUGALAN, PERYAHAN SA BULACAN

bulacan

KINALAMPAG ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa umano’y garapalang operasyon ng mga ilegal na sugal sa nagkalat na mga peryahan sa lalawigan ng Bulacan. Ayon mismo sa kalipunan ng mga peryodista sa nasabing lalawigan, kabi-kabilang mga reklamo mula sa hanay ng mga kababaihan, ang natatanggap ng kanilang hanay kaugnay ng operasyon ng color games at iba pang sugal lupa sa mga peryahan sa mga bayan ng Bulacan. Kaugnay nito, hinamon ni Omar Padilla na tumatayong pangulo ng Bulacan Press Corps (BPC), sina Police…

Read More

300K MOTORISTA INAASAHANG BUBUHOS SA NLEX

HINDI bababa sa 300,000 motorista ang inaasahang dadagsa ngayong darating na Undas sa North Luzon Expressway (NLEX) at nasa 77,000 motorista naman sa Subic Clark Tarlac Expressway kaya naman tiniyak ng NLEX Corporation na handa na sila dahil sa pinaigting nitong operasyon. Upang masiguro na hindi magkakaroon ng pagbubuhol ng trapiko, magpapatupad ang NLEX Corp. ng mga karagdagang traffic management measures mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2 para sa inaasahang pagdagsa ng motorista na magdudulot ng mataas na traffic volume sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day.…

Read More

DALAGITA SABAYANG HINALAY NG 15-ANYOS AT JOWANG BADING

kulong

HINDI na nagawang pumalag ng isang 15-anyos na binatilyo matapos dakpin ng pulisya sa bisa ng isang mandamiento de arresto kaugnay ng isinampang kaso ng menor-de-edad ding babae na di umano’y halinhinan nilang hinalay ng karelasyong bakla. Bagamat arestado ang hindi pinangalang suspek, patuloy naman ang manhunt operation sa baklang suspek na kasama umanong gumahasa sa biktima sa lungsod ng Marikina. Ayon kay Lt. Michael Danao na tumatayong hepe ng Marikina City Police – Warrant and Subpoena Unit, inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at mga kinatawan mula sa…

Read More

BUNDOK SA MT. PROVINCE GUMUHO, KALSADA NATABUNAN

MOUNTAIN PROVINCE – ‘Passable’ na nitong Biyernes ang bahagi ng kalsada sa bayan ng Bauko sa lalawigang ito, na naapektuhan ng landslide noong Huwebes. Ayon sa LGU ng Bauko, alas-6:30 ng umaga nitong Biyernes ay nabuksan na ang highway matapos maalis ang gumuhong mga bato at lupa. Noong Huwebes dakong alas-3:00 ng hapon nang gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Sitio Ampingke, Barangay Leseb dakong alas-3:00 ng hapon. Nakuhanan ng isang netizen ang pagguho ng nasabing bundok. Ayon sa Bauko PNP, simula nang maranasan ang 7-magnitude na lindol noong Hulyo, nagkaroon na…

Read More

MIYEMBRO NG DRUG GROUP, 42 PANG TULAK NADAKMA

CAVITE – Inaresto ng Cavite Police ang 43 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang miyembro ng Tibatid drug group, at isang kasama nito, sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon hanggang Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat ni Cavite Police Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-3:30 noong Huwebes ng hapon hanggang alas-12:20 ng madaling araw nitong Biyernes sa tatlong lungsod at siyam na bayan sa lalawigan. Nanguna ang Lungsod ng Bacoor sa may pinakamaraming…

Read More

Aso ang tatagain pero binti niya tinamaan LASING NAPATAY ANG SARILI

QUEZON – Patay ang isang lalaking lasing matapos na mataga ang kanyang binti dahil sa pagkayamot sa isang aso sa Brgy. Suliyao, sa bayan ng Pitogo sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Carlos San Agustin Jr., 50, isang magsasaka. Batay sa report ng Macalelon Police, dakong alas-11:00 noong Huwebes ng gabi, matutulog na sana ang biktima sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan matapos itong makipag-inuman, nang magalit ito sa aso dahil sa pagdila sa kanyang paa. Dahil sa inis, inundayan nito ng taga ang aso subalit ang kanyang binti ang…

Read More