Hinarang mga mga tauhan ng Tiaong Police nitong Huwebes ng umaga ang 11 kataong grupo ng mga magsasaka na tutungo sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City para dumalo sa isang dayalogo kasama ang ahensya. Kabilang sa mga hinarang ay ang lider-magsasaka at tagapagsalita ng PIGLAS Quezon at CLAIM Quezon na si Felizardo “Sarding” Repaso. Ayon kay Orly Marcellana, ang secretary general ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan, mula sa Lucena ay umalis ang gupo sakay ng isang van subalit pagdating sa bayan ng Candelaria ay hinarang ang mga ito sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
19-ANYOS NA UMANO’Y NPA SUMUKO
QUEZON – Isang 19-anyos na estudyante na nagsabing miyembro ng rebeldeng New People’s Army, ang sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng San Andres Police, ang kabataaang rebeldeng si alyas “Ka Dodong” ay sumuko sa mga tauhan ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) at mga tauhan ng 85th IB ng Army, sa himpilan ng San Andres Municipal Police. Isinuko nito ang kanyang baril na isang .38 caliber revolver. Ayon dito, na-recruit siya ng isang NPA member na si alyas “Ka…
Read More2 MIYEMBRO NG USMAN DRUG GROUP, NASAKOTE
CAVITE – Naaresto ng Cavite Police ang isang high value individual (HVI) at kasama nito na miyembro ng Usman drug group, sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Renzo Bilog y Ramos at Samuel Caunceran y Sammy, at kapwa nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Corporal Mammol Cunanan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-5:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office, sa Brgy. Salitran 4, Dasmariñas…
Read MoreTOLDA CLASSROOM SA POLILLO ISLAND
TATLONG linggo matapos ang paghagupit ng Super Typhoon Karding, balik-eskwela na nitong Lunes ang mga estudyante sa Polillo Island. Subalit sa isang eskwelahan sa bayan ng Burdeos na nasa loob ng isla, walang mapasukang classroom ang mga estudyante. Sa halip, ginagamit ng mga mag-aaral ng Carlagan Integrated School sa Barangay Carlagan ang mga makeshift tent o tolda, pasilyo ng mga hindi naapektuhang building at maging ang kanilang chapel bilang silid-aralan. Ito ay matapos wasakin ng Bagyong Karding ang maraming pasilidad ng kanilang paaralan maging ang kanilang multi-purpose covered court. Ang…
Read MoreLALAKI, BATA PATAY SA LOVE TRIANGLE
QUEZON – Patay ang isang lalaki at isang batang babae sa nangyaring pamamaril sa isang bahay sa Sitio Mahal na Senior, Brgy. Sta. Catalina Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa imbestigasyon ng Candelaria Police, target ng gunman ng 41-anyos na biktimang si Rodel Panaligan at nadamay lamang ang menor de edad na pamangkin nitong babae na nagkataong nasa bahay nito nang mangyari ang insidente. Base sa report, dakong alas-10:40 ng gabi, nakatayo sa harap ng bahay si Panaligan nang dumating ang nag-iisang suspek at walang habas itong…
Read MoreKaso sa mga bayan sa Batangas binubusisi ng DOH F2F CLASSES SUSPENDIDO SA PAGKALAT NG HFMD
BATANGAS – Suspendido ang pasok sa walong paaralan sa San Pascual, Batangas hanggang Biyernes matapos tamaan ng hand, foot and mouth disease ang halos 150 batang mag-aaral. Nakaramdam ng pangangati, may mga paltos sa balat at nilagnat ang mga batang nasa day care center hanggang Grade 3 pupils sa mga barangay ng Pook ni Kapitan, Pook ni Banal, Resplanador, Natunuan North, Antipolo, Mataas na Lupa, Sambat at Sto. Nino. Upang maiwasang kumalat pa ang sakit ay agad nang nag-disinfect ang mga awtoridad sa mga silid-paaralan gayundin ang pagbibigay ng mga…
Read MoreEstudyante namo-monitor ng parents ID NA IWAS LAKWATSA GAMIT SA SCHOOL SA ALITAGTAG, BATANGAS
KAMPANTE ang mga magulang sa pagpasok at pag-uwi ng kanilang mga anak mula sa eskwela dahil gumagamit ng RFID System (Radio Frequency Identification) ang kanilang eskwelahan. Sa Facebook post ni Alitagtag Mayor Edilberto “Dingdong” Ponggos, unang nalagyan ng makabagong sistemang ito mula sa pondo ng LGU ang Alitagtag National High School na nasa Barangay Dominador West sa nasabing bayan. Ayon kay Ponggos, ito ay naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral kung saan mabilis na mamomonitor ng kanilang magulang ang oras ng pagpasok at paglabas nila sa paaralan. Sa pagpasok…
Read MoreBIYAHE NG LRT SA CAVITE MALAPIT NA
MALAPIT nang maranasan ng mga Caviteño at kalapit lalawigan ang gaan ng kanilang pagbiyahe matapos inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang ginagawa nilang double time na pagtatrabaho para sa LRT-1 Cavite Extension Project na nakatakdang buksan sa susunod na taon. Nabatid na halos 73% na ang natatapos sa nasabing proyekto. Sa kasalukuyan, ang trackwork installation ay halos 50% na ang nagawa habang ang trabaho sa electromechanical works, kung saan kabilang dito ang paglalagay ng railing at instalasyon ng electrical system gayundin ang konstruksiyon sa…
Read MoreMANGINGISDA PATAY SA ELISE NG BANGKA
BATANGAS – Patay ang isang lalaking nangingisda sa pamamagitan ng paninisid, matapos na mahagip ng elise ng isang dumaang motorboat sa karagatang sakop ng Barangay Subukin, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Rafael Alip, residente ng Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon. Batay sa report ng San Juan Police, dumayo ang biktima ng pangingisda sa nasabing barangay at nanisid sa dagat dakong alas-2:00 ng hapon, ngunit nadaanan sa ibabaw ng isang bangkang de motor naging dahilan upang tamaan ito sa ulo ng…
Read More