BATANGAS – Suspendido ang pasok sa walong paaralan sa San Pascual, Batangas hanggang Biyernes matapos tamaan ng hand, foot and mouth disease ang halos 150 batang mag-aaral. Nakaramdam ng pangangati, may mga paltos sa balat at nilagnat ang mga batang nasa day care center hanggang Grade 3 pupils sa mga barangay ng Pook ni Kapitan, Pook ni Banal, Resplanador, Natunuan North, Antipolo, Mataas na Lupa, Sambat at Sto. Nino. Upang maiwasang kumalat pa ang sakit ay agad nang nag-disinfect ang mga awtoridad sa mga silid-paaralan gayundin ang pagbibigay ng mga…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Estudyante namo-monitor ng parents ID NA IWAS LAKWATSA GAMIT SA SCHOOL SA ALITAGTAG, BATANGAS
KAMPANTE ang mga magulang sa pagpasok at pag-uwi ng kanilang mga anak mula sa eskwela dahil gumagamit ng RFID System (Radio Frequency Identification) ang kanilang eskwelahan. Sa Facebook post ni Alitagtag Mayor Edilberto “Dingdong” Ponggos, unang nalagyan ng makabagong sistemang ito mula sa pondo ng LGU ang Alitagtag National High School na nasa Barangay Dominador West sa nasabing bayan. Ayon kay Ponggos, ito ay naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral kung saan mabilis na mamomonitor ng kanilang magulang ang oras ng pagpasok at paglabas nila sa paaralan. Sa pagpasok…
Read MoreBIYAHE NG LRT SA CAVITE MALAPIT NA
MALAPIT nang maranasan ng mga Caviteño at kalapit lalawigan ang gaan ng kanilang pagbiyahe matapos inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang ginagawa nilang double time na pagtatrabaho para sa LRT-1 Cavite Extension Project na nakatakdang buksan sa susunod na taon. Nabatid na halos 73% na ang natatapos sa nasabing proyekto. Sa kasalukuyan, ang trackwork installation ay halos 50% na ang nagawa habang ang trabaho sa electromechanical works, kung saan kabilang dito ang paglalagay ng railing at instalasyon ng electrical system gayundin ang konstruksiyon sa…
Read MoreMANGINGISDA PATAY SA ELISE NG BANGKA
BATANGAS – Patay ang isang lalaking nangingisda sa pamamagitan ng paninisid, matapos na mahagip ng elise ng isang dumaang motorboat sa karagatang sakop ng Barangay Subukin, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Rafael Alip, residente ng Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon. Batay sa report ng San Juan Police, dumayo ang biktima ng pangingisda sa nasabing barangay at nanisid sa dagat dakong alas-2:00 ng hapon, ngunit nadaanan sa ibabaw ng isang bangkang de motor naging dahilan upang tamaan ito sa ulo ng…
Read MoreNamatay na sundalo, 8 na MILITARY CAR ACCIDENT PINAIIMBESTIGAHAN
IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines, partikular ang Philippine Army, ang nangyaring vehicular accident na kinasasangkutan ng isang KM 450 military truck na ikinamatay ng walong sundalo at ikinasugat ng anim na iba pa sa Uson, Masbate. Agad na nagpahatid ng pakikiramay si AFP Chief of Staff General Bartolome VO Bacarro sa pamilya ng walong sundalong nasawi sa road mishap. Kasabay ito ang pagtiyak na ibibigay ng AFP ang kinakailangang suporta sa dependents para malagpasan ang nararanasang paghihirap ganoon din sa medical needs ng anim na sugatang sundalo,…
Read MorePEKENG DENTISTA ARESTADO SA CAVITE
CAVITE – Nadakip ang isang babae na nagpapanggap na isang dentista habang aktong nagsasagawa ng dental technology practice sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kasong paglabag sa Sec. 33 (a) ng RA 9484 (The Philippine Dental Act of 2007) ang kinahaharap ng suspek na si Connieliza Initan. Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite, Philippine Dental Association – Cavite Chapter, Maritime Cavite Station, PMFC Cavite, at 401st A MC…
Read MoreLADY HVI TIKLO SA 11 KILO NG MARIJUANA SA RIZAL
ANTIPOLO CITY – Arestado ang isang high value individual (HVI) na ginang makaraang makumpiskahan ng 11 kilo ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City. Ayon ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang suspek na si Maria Victoria Perito y de Guzman, alyas “Mabet”, nakatira sa San Roque, Antipolo, nadakip dakong alas-6:00 ng gabi sa Grand Heights Road, Brgy. San Roque sa lungsod. Nakumpiska sa suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 11 kilos at nagkakahalaga ng P1,320,000, isang cellphone, eco bag…
Read More9 ILLEGAL MINERS ARESTADO SA BULACAN
SIYAM na ilegal na mga minero ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, matapos silang maaktuhan na ilegal na nagmimina ng ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao kamakailan. Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga arestado na sina Victor Sta. Rosa, may-ari at operator ng quarry, mga tauhan na sina Virgilio Cabucoy, Jesus Cabucoy, Pelagio Cuervo, William Lorenzo, William Jocson, Melchor Carida, Jerry Abunda at Jun Pasios. Ayon kay Atty. Julius Victor Degala, hepe…
Read More6 SUNDALO PATAY, 8 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MASBATE
MASBATE – Dead on the spot ang anim na sundalo ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang maaksidente ang sinasakyang military truck sa Brgy. Buenasuerte, sa bayan ng Uson, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi, Oktubre 16. Walong kasamahan din ng mga namatay, ang nasugatan sa insidente. Ayon sa inisyal na ulat ng Bicol PNP, galing sa Barangay Baclay, Milagros, Masbate ang military truck papunta sa kanilang detachment sa Brgy. Paguihaman, Uson, Masbate para mag-deliver ng supplies, nang biglang sumabog ang kaliwang gulong ng kanilang sasakyan na naging…
Read More