QUEZON – Patay ang isang retiradong miyembro ng airforce matapos na mahulog sa balon habang umiigib ng tubig sa Barangay Sumulong, sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Calauag Police ang biktimang si Edgardo Caguimbal, 54-anyos. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:20 ng umaga, nakita na lamang ng kanyang pamilya ang biktima na nasa ilalim ng balon, hindi kalayuan sa kanilang bahay. Wala na itong buhay at hindi na naisugod sa ospital. Ayon sa misis nito, huling niyang nakitang buhay ang kanyang mister…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Nasagasaan tinakbuhan 2 TRAFFIC ENFORCER, TIMBOG
CAVITE – Natunton ang kinaroonan ng dalawang traffic enforcer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto makaraang takbuhan ang kanilang nasagasaan sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kasong paglabag sa RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code) at PD 1829 (Obstruction of Justice) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Arabelle Sugnan y Yringan, at Abel Sugnan y Yringan, kapwa traffic enforcer. Ayon sa ulat ng Bacoor City Police, alas-12:05 ng gabi noong Sabado nang mangyari ang insidente sa Zapote Road, Brgy. Zapote 1, Bacoor City. Bumaba umano mula sa isang…
Read More5 HVT PATAY SA PNP OPS SA SULTAN KUDARAT
LIMANG itinuturing na most wanted at notorious drug personalities ang napaslang ng mga tauhan ng Philippine National Police sa isinagawang law enforcement operation sa Sitio Mapayag, Lambayong, Sultan Kudarat. Ayon sa ulat, nasa limang high value target ang napatay sa isinagawang police operation noong nakalipas na linggo. Ayon kay Maj. Jenahmeel Tonacao, ng Lambayong PNP, isang joint law enforcement operation ang inilunsad ng magkasanib pwersa mula sa Lambayong MPS, PDEA12, Sultan Kudarat Police Drug Enforcement Unit (KPDEU), 1st Sultan Kudarat Police Mobile Force Company (KPMFC), Regional Special Operation Group (RSOG), Regional Intelligence Division, 1202nd…
Read MoreLaguna PNP strikes again – P/Col. Silvio 22 WANTED PERSONS HULI SA WARRANT DAY OPERATION
INIULAT ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa 22 akusado sa loob ng isang araw na “Warrant Day” operation ng Laguna PNP noong Oktubre 13, 2022. Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipatutupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng mga komunidad at Barangay Intelligence Network (BINs) sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna. Sa kabuuan, nagsagawa ng 22 operasyon ng warrant…
Read More3 TULAK ARESTADO SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang high value individual at isang streel level individual sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Ismael Reyes at Roliemar Viernes, kapwa nasa hustong edad at nasa listahan ng high value Individuals (HVIs) at Cesar Semeo, isang street level individual. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:12 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Imus Police Station sa Brgy. Alapan…
Read MoreSIKLISTA PATAY SA AMBULANSYA
CAVITE – Binawian ang isang siklista nang banggain ng isang ambulansya na magdadala ng pasyente sa ibang ospital sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si Reynaldo Ortiz Reformado, nasa hustong edad, subalit dakong alas-10:25 ng umaga nang ideklarang patay. Kinilala naman ang driver ng Nissan Urvan (ambulansya) na may conduction sticker na F1Q16,7 na si Romel Armiendo Armonia, nasa hustong edad Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ng driver ang ambulansya at may sakay ng pasyente at binabagtas ang kahabaan…
Read MoreBUSINESSWOMAN PINATAY SA CONVENIENCE STORE
BATANGAS – Patay ang isang businesswoman matapos na barilin ng dalawang gunman sa loob ng convenience store sa bayan ng Malvar sa lalawigang ito, noong Huwebes. Ayon sa report ng Malvar Police, nasa loob ng kanyang convenience store sa Brgy. Santiago, ang 55-anyos na biktimang si Eufemia Buno nang pumasok ang dalawang suspek dakong alas-7:15 ng umaga. Walang sabi-sabing binaril umano ng dalawang beses ng mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa isang naghihintay na koste at iniwan ang kanilang motorsiklo. Agad nagsagawa ng manhunt operation…
Read MoreESTUDYANTE TINANGAY NG AGOS SA LAGUNA FALLS
LAGUNA – Nalunod ang isang estudyante nang tangayin ng flash flood sa Bukal Falls sa Brgy. Bukal, sa bayan ng Majayjay sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ng Majayjay Police ang biktimang si Nathaniel Flores. Ayon sa report, dakong alas-2:00 ng hapon, nagtungo sa nasabing falls ang biktima kasama ang apat na kaibigang babae at tatlong lalaki para sa school thesis Subalit dakong alas-3:00 ng hapon, habang ang biktima at isang kasama na si Jhunel Singca ay nasa ilalim mismo ng falls nang biglang rumagasa ang malaking agos ng tubig. Bunsod…
Read MoreTRUCK AT TRIKE DRIVER HULI SA BOGA, DROGA
RIZAL – Arestado ang isang truck driver at tricycle driver makaraang makumpiskahan ng 80.3 gramo ng umano’y shabu at baril sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Binangonan, sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Roland Fedillaga, truck driver, at Romie Espinosa, tricycle driver, residente ng Brgy. Sto. Niño, at Brgy. Biliran sa nabanggit na bayan. Nabatid na nagsagawa ng operasyon laban sa ilegal na droga ang grupo ni P/Lt. Gady Mabanto ng Drug Enforcement Team, na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek kahapon ng umaga. Nakuha sa…
Read More