DATING PULIS TODAS SA PAMAMARIL SA TAYABAS

TAYABAS CITY – Patay ang isang dating pulis matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. San Isidro, Zone 1 sa lungsod na ito, noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Kim Palanca Labado, 36, dating miyembro PNP at nakatalaga sa Tayabas City Police Station. Batay sa report ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang suspek at bigla na lamang itong pinagbabaril gamit ang maiksing kalibre ng baril dakong alas-2:00 ng madaling araw. Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang…

Read More

Sa pag-aalburoto ng 2 bulkan NOTICE TO AIRMEN PINALAWIG NG CAAP

PINALAWIG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inisyung Notice to Airmen (NOTAM) hanggang kahapon (Oktubre 13, 2022) dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano at ng Mount Bulusan. Ang naturang Notice to Airmen ay ang B3147/22, B3 147/22 para sa Mayon, kasunod ang B3148, B3 148/22 para naman sa Bulusan Volcano. Nakasaad sa NOTAM ang mahigpit na pagbabawal sa mga eroplano o ‘flights to operate’ na hindi bababa sa 10,000 libong piye (feet) mula sa bunganga ng mga bulkang ito. Ito ay upang maiwasan ang ano mang…

Read More

ONE BANGSAMORO SA ILALIM NG MARCOS ADMINISTRATION

SA ika-100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pinuno ng bansa nitong Oktubre 7, isa sa pinakamahalagang tagumpay ng kanyang administrasyon – na “unity” ang campaign battlecry noong eleksyon – ay ang pagkakaroon ng one Bangsamoro government. Ito ay naisakatuparan dahil sa pagtatalaga ng mga miyembro na bubuo sa reconstituted Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang interim government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na nagmula hindi lamang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kundi maging sa dalawang malaking paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF), ang…

Read More

2 PEKENG EMPLEYADO NG BFP TIKLO SA EXTORTION

RIZAL – Tiklo ang dalawang lalaking nagpakilalang konektado sa Bureau of Fire Protection (BFP), makaraang mangikil sa mga negosyante. Agad inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police, ang mga suspek na sina Joben Brian Gutietez at Henry Halaghay sa entrapment operation nang kukunin na ang pera sa remittance center sa Rodriguez, Rizal. Ayon kay BFP Region 3 director, F/Supt. Roy Aguto, ginagamit ng dalawang suspek ang kanyang pangalan upang makapag-solicit ng pera sa ilang negosyante para sa isang gagawin umanong aktibidad, kaya agad siyang nakipag-ugnayan…

Read More

PASYENTE NALAGLAG SA OSPITAL, PATAY

 QUEZON – Binawian ng buhay ang isang pasyente ng Quezon Medical Center sa Lucena City makaraang mahulog mula sa ikatlong palapag ng nasabing ospital noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng Lucena City Police, malubhang napinsala ang ulo ng 42-anyos na biktimang si Exequiel Rioflorido, at nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Lumabas sa imbestigasyon, naiwang nag-iisa ang pasyente habang nag-aayos ng papel ang kasama nito para sa kanilang paglabas sa ospital. Nagulat na lamang  ang mga nakakita nang bumagsak ito sa lobby sa ground floor mula sa overlooking area sa ikatlong…

Read More

CPP-NPA SPOKESMAN PATAY SA ENGKWENTRO

LUGMOK ang Communist Party of the Philippine at ang armadong galamay nitong New People’s Army dahil sa pagkamatay ng kanilang ranking CPP-NPA leader at spokesman matapos ang sunod-sunod na military offensive na ikinasa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Negros Island. Ayon sa AFP 3rd Infantry Division, Philippine Army, ang pagkamatay ni CPP-NPA terrorist spokesman and ranking leader Romeo Nanta alyas “Juanito Magbanua/Juaning/Jack” nang makasagupa nila ang Army  94th Infantry Battalion, ay lilikha ng major setback sa  terroristic plans and activities ng CTG sa Negros Island. Si Nanta, na mas kilala…

Read More

RIDER NALAGLAG SA BANGIN, PATAY

QUEZON – Patay ang isang liaison officer na papasok sa trabaho nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay mahulog sa bangin sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report ng Plaridel Police, maagang umalis ng kanyang bahay ang biktimang si Nelson Berdan, 32, sa Barangay Ilaya, Plaridel, para bumiyahe pa-Maynila patungo sa kanyang trabaho,, nang mangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa barangay road, hindi pa kalayuan sa kanilang bahay. Nag-overshoot umano sa kalsada ang motorsiklo ng biktima sa kurbadang bahagi kaya…

Read More

86 ESTUDYANTE, 11 IBA PA NALASON SA LUMPIA

CAMP WINSTON S EBERSOLE, San Jose, Occidental Mindoro – Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Sablayan Municipal Police Station, katuwang ang Municipal Health Office (MHO), ang insidente ng food poisoning na nagresulta sa pagkaka-ospital ng 86 mag-aaral at 6 guro ng San Francisco Elementary School, at limang iba pa noong Lunes ng umaga. Isinugod ng MDRRMO Sablayan ang kabuuang 97 biktima sa San Sebastian District Hospital l makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan, ulo at pagsusuka pagkatapos kumain ng lumpiang gulay na binili lamang sa labas ng nasabing paaralan. Sa kasalukuyan, nasa…

Read More

Pinayuhang manatili sa Kapitolyo KORTE LANG MAKAPAGPAPABABA KAY GOV. TEVES

KORTE lamang ang maaaring mag-utos na bumaba sa pwesto si Negros Oriental Governor Henry Teves. Giit ito ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni Teves, bilang reaksyon sa naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapawalang-bisa sa panalo ng gobernador noong May 9, 2022 elections. Ito ay matapos i-kredito ng poll body ang mga boto na nakuha ng itinuring na nuisance candidate na si Ruel Degamo sa natalong gubernatorial candidate na si Roel Degamo. Maging ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay pinayuhan si Teves…

Read More