NAGLIYAB ang isang barko pasado alas-5:00 ng hapon noong Biyernes malapit sa Batangas Port. Ayon sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard, mahigit 80 katao ang lulan ng barko kabilang ang 48 pasahero at 34 crew o staff. Ang mga pasahero ng barko ay nailigtas na agad dinala sa pagamutan. Mayroon ding 16 sasakyan ang lulan ng nasabing barko. Sinabi ng Batangas Port manager, galing ang barko sa Calapan Oriental Mindoro at padaong sa Batangas Port. Sa kasalukuyan ay nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad sa nasabing pangyayari. (CYRILL QUILO) 335
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Ina nakakulong sa droga 13-ANYOS SEX SLAVE NG STEPFATHER
LUCENA CITY – Isang 13-anyos na dalagita ang ginawang sex slave ng kanyang 33-anyos na stepfather sa loob ng anim na taon sa kanilang bahay sa lungsod na ito. Ayon sa pahayag ng biktima sa Lucena Police, nagsimula ang kanyang kalbaryo noon pang 2016 nang unang siyang gahasain ng kanyang stepfather nang makaraang makulong ang kanyang ina sa kasong illegal drugs Magmula noon, ay paulit-ulit na siyang pinagsasamantalahan ng suspek lalo na kapag ito ay nakainom. Natakot aniya siyang magsumbong at sinarili na lang ang pangyayari dahil sa takot at…
Read More11-ANYOS NA TIKTOKER HINALAY NI TITO
BATANGAS – Arestado ang isang lalaki matapos halayin ang kanyang 11-anyos na pamangkin na nakitang nagti-Tiktok sa loob ng kanyang kuwarto sa bayan ng Balayan sa lalawigang ito. Batay sa report ng Balayan Police, Biyernes ng gabi nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang nanay upang ipagharap ng reklamo ang suspek. Ayon sa biktima, dakong alas-7:35 ng gabi, bigla na lamang siyang hinubaran ng suspek at ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan nang makita siyang naka-short na nagti-Tiktok sa loob ng kuwarto. Naaktuhan naman…
Read MoreP140K SHABU NASABAT SA LAGUNA
LAGUNA – Umabot sa P140,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang hinihinalang drug pusher sa Sta. Cruz, Laguna noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ng Laguna PNP ang suspek na si Leovigildo Abustan, 36, residente ng Barangay Biñan sa bayan ng Pagsanjan. Isinagawa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Santa Cruz PNP at PDEA Laguna ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-1:15 ng madaling araw sa Sitio Maligaya, Brgy. Pagsawitan, Santa Cruz. Nakabili umano ang isang pulis na umaktong poseur buyer, ng isang sachet ng shabu…
Read More2 TODAS SA PAMAMARIL SA BATANGAS
BATANGAS – Dalawa ang patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa mga bayan ng San Juan at Calatagan sa lalawigang ito, noong Huwebes. Ayon sa report ng Batangas PNP, nadiskubre ang bangkay ng 38-anyos na security guard na si Vicente Tabora Jr., 38, habang nakabulagta sa loob ng gate ng Estancia San Carlo D’ Arona Inc. farm sa Sityo Puting Buhangin sa Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas dakong alas-6:00 ng umaga. Ang biktima ay may tama ng bala sa ulo at balikat. Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng suspek sa krimen. Samantala, sa…
Read MoreP.4-M MARIJUANA NAKUMPISKA SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa arestadong suspek sa buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jim Axel Bucal y Trinidad, 21, habang nakatakas ang kasama nito na si Mark Robert Dumala, nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Dasmariñas City Police, alas-5:5 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pinagsamang puwersa ng PDEU Cavite PPO at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas CPS sa Brgy. Paliparan 3,…
Read More9 KATAO NAWALA SA LIPA, BATANGAS NOONG 2021
SIYAM na katao sa Batangas ang nawala noong 2021, batay sa inilabas na tala ng Lipa City Police. Ang mga nawawala na nakaalarma sa iba’t ibang police station ng lalawigan, ay mula sa Lipa City, Batangas City, Tanauan City at bayan ng Sta. Teresita, na pawang nawala sa Lipa City at hanggang ngayon ay wala pang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga ito. Pinakauna sa talaan ay ang magkasabay na pagkawala nina Bryan Arthur Cuenca, 41, taga Barangay 10, Lipa City na nadiskubreng nawala noong Mayo 30, 2021, kasama si Limuel Pantua, taga…
Read MorePUGOT NA BANGKAY, 2 PA NAMATAAN SA ENCOUNTER SITE SA DAGAT
INAALAM ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa nangyaring sea gun battle sa pagitan ng AFP special operations unit at grupo ng CPP- NPA sa dagat sakop ng Samar Island, ang natagpuang pugot na bangkay, bukod pa ito sa napaulat na namataang dalawang labi ng lalaki, ayon sa militar. Kahapon kinumpirma ng AFP 8th Infantry Division na may isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang malapit sa maliit na isla ng Libacun Gute sa Tarangnan, Samar. Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung konektado ang natagpuang mga bangkay sa pagsabog…
Read MorePerang inutang, buhay ang kabayaran MAG-AMA BINARIL SA CAVITE
CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang isang lalaki matapos pagbabarilin ang mag-ama na ikinamatay ng isa sa mga ito nang hindi masingil ang utang sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek sa alyas na “Fajad” habang ang mga biktima ay ang mag-amang sina Mario R. Napili, 66, namatay sa insidente, at Marlon V. Napili, 35, nilalapatan ng lunas sa ospital, kapwa kapwa construction worker. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Jonarey Visa ng GMA Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at…
Read More