LAGUNA – Nahaharap sa kasong estafa ang isang ginang matapos nitong huthutan ng P13 milyon ang isang Canadian citizen na nakilala nito sa Facebook. Noong Linggo ng hapon ay naaresto sa entrapment operation ng mga tauhan ng Sta. Cruz, Laguna Police ang 33-anyos na suspek na taga Calamba City. Inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng 65-anyos na Canadian citizen na si Bruce Thomas Marshall na dumating sa Pilipinas noong Agosto 11. Ayon sa Canadian, nakilala niya sa Facebook ang suspek at sa pamamagitan ng matamis na pananalita nito at nakumbinsi siyang magpadala…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
AMPATUAN POLICE CHIEF, 1 PA PATAY SA AMBUSH
PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police at isang tauhan nito nang tambangan ng armadong kalalakihan habang nagsasagawa ng law enforcement operation na ikinasugat din ng tatlong pulis kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, PNP Regional Police Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, patay sa ambush si Lt. Reynaldo Samson at kanyang security aide/driver na si Corporal Salipudin Endab, habang naglulunsad ng “one time big time” operation sa Ampatuan. Sa ulat na ibinahagi ni Guyguyon, magsisilbi…
Read MoreAUGUST 30, NON-WORKING HOLIDAY SA BULACAN
BULAKAN, Bulacan–Gugunitain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong Martes, (Agosto 30) ang 172nd Birth Anniversary ni Gat Marcelo H. Del Pilar. Idineklara ang araw na ito bilang non-working holiday sa probinsiya at kasabay na ipagdiriwang ang kauna-unahang National Press Freedom Day. Dahil sa patuloy na pag-iral ng COVID-19 pandemic na nagsimula pa noong 2020, ang taunang selebrasyon ng Marcelo Day na mayroong civic parade and program sa dambana ni Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas na dinadaluhan ng mahigit 1,000 multi-sectoral groups ay kanselado pa rin. Ayon kay…
Read MoreTumakas sa anak para umuwi sa probinsya LOLO NAHULOG SA DRAINAGE, PATAY
CAVITE – Hindi na nakabalik nang buhay sa probinsya ang 78-anyos na lalaki nang mahulog sa walang takip na drainage sa loob ng subdibisyon sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Naisugod pa sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Danilo Montierde subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, naglalakad ang biktima sa loob ng South Square Village sa Brgy. Pasong Kawayan, Gen. Trias City dakong alas-11:00 noong Sabado ng gabi upang umuwi sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija. Ngunit pagsapit sa isang…
Read More6 ARESTADO SA ‘PAIHI’ SA QUEZON
QUEZON – Anim na katao na sangkot umano sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo o “paihi”, ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon Provincial Field Unit, Quezon PNP at mga tauhan ng Tiaong Municipal Police Station, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng CIDG-Quezon, huli sa akto ang mga driver ng petroleum tanker trucks at ang kanilang mga kasabwat na buyer habang nagbibilihan sa kahabaan ng Tiaong Bypass Road sa Barangay Lumingon mag-aalas-9:00 ng gabi. Modus ng mga ito na iparada ang…
Read MoreP100K PABUYA SA MAGTUTURO SA NAMARIL SA TRAFFIC ENFORCER SA CAVITE
NAGLAAN ng P100,00 pabuya sina Congressman Pidi Barzaga at Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga sa sinomang makapagtuturo o magbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa isang traffic enforcer, ayon sa Facebook account ng kongresista. Patuloy ang hot pursuit at dragnet operation ng Cavite police sa mga kalapit lungsod at bayan laban sa suspek na bumaril sa traffic enforcer sa Dasmarinas City, Cavite, Sabado ng hapon. Naka-confine ngayon sa DLSU Medical Center ang biktimang si Edgard Quiroga, 60, dahil sa tama ng bala sa katawan. Inilarawan nito ang…
Read More‘MANGKUKULAM’ GINILITAN NG MAGKAPATID
BATANGAS – Sugatan ang isang 54-anyos na tindera matapos na pagtulungang bugbugin at gilitan sa leeg ng magkapatid dahil sa bintang na isa itong mangkukulam sa bayan ng San Luis sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Batay sa report ng San Luis Police, nasa labas ng kanyang bahay sa Barangay Muzon ang biktimang si Aling Lina nang dumating ang nakatatandang suspek na si Roderick De Chavez na isang OFW, at sinakal ang ginang. Habang nagpupumiglas ang biktima, dumating ang nakababatang kapatid ng suspek na si Arnold De Chavez na armado ng…
Read More6 PATAY SA ROAD MISHAP SA ISABELA
ISABELA – Dead on the spot ang tumilapong sanggol at limang iba pang sakay ng tricycle at motorsiklo matapos na suyurin ng kasalubong na trailer truck sa bayan ng Tumauini sa lalawigang ito noong Sabado. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Tumauini Police, tinatahak ng tricycle at motorsiklo ang national highway sakop ng Barangay Balug nang bigla silang salpukin ng kasalubong na trailer truck na biglang sumakabilang lane. Total wrecked ang tricycle na nanggaling sa isang kasalan at motorsiklo na minamaneho ng isang Indian national matapos silang salpukin ng trailer truck. Nabatid…
Read More1 PATAY SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang bicycle rider sa aksidenteng kinasangkutan ng 5 sasakyan sa Maharlika highway sa Barangay Talipan, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Batay sa report ng Pagbilao Police, inararo ng isang truck na nawalan ng preno ang isang biseklita, isang tricycle at isang pampasaherong jeep. Galing pang Masbate ang six wheeler truck na kargado ng mga baka, at patungo sa Candelaria Quezon, nang araruhin nito ang 3 sasakyan kabilang ang mountain bike na sinasakyan ng namatay na biktimang si Ronelito Parga, 48-anyos. Sumunod na nasalpok ng truck ang…
Read More