NASAMSAM ng PNP ang P25.4 milyong halaga ng ilegal na droga at 251 loose firearms habang 700 katao ang naaresto sa 24-oras na operasyon ng Central Visayas PNP. Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., narekober ang mga nabanggit sa 24-oras na Synchronized Enhanced Managing Police Operations (SEMPO) sa nabanggit na lalawigan. Dagdag pa nito, ang SEMPO ay malawakang koordinasyon at serye ng mga operasyon laban sa mga kriminal, para matiyak ang ligtas na kapaligiran sa mamamayan. Iniulat din ni Gen. Azurin, ang SEMPO ay isinagawa mula ika-12:01 ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
CRIME GROUP MEMBER, 4 PA TIKLO SA DROGA
RIZAL – Nadakip ang isang miyembro ng Randy Domingo crime group at apat na mga kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga nadakip na sina Reden delas Armas y Ocampo, umano’y miyembro ng Randy Domingo crime group; Catherine Niegas y Perez, Benjie Poliquit y Paule, Armin Diaz y Aban, at Bernie Doria y Pasigna. Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madakip ang mga…
Read MoreGINANG PINATAY NG LIVE-IN PARTNER
BATANGAS – Patay ang isang babae matapos barilin sa ulo ng kanyang live-in partner sa Brgy. Lalayat, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito. Kinilala ng San Jose Municipal Police Station ang suspek na si Bin Nazzer Aguila y Enriquez, 30, habang ang biktimang ay si Rona May Corañez y Alpires, 33, kapwa residente ng nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon, alas-4:20 ng umaga noong Agosto 14, 2022 nang mangyari ang insidente matapos na magtalo ang dalawa na nagresulta sa pagbaril ng suspek sa ulo ng biktima gamit ang hindi…
Read MoreOBRERO NAPURUHAN SA SUNTOK, TIGOK
CAVITE – Namatay ang isang 52-anyos na construction worker nang mapuruhan sa suntok ng kanyang kabaro matapos magtalo sa kalagitnaan ng kanilang inuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Benjamin Campanero Jr. y Rafael subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Albero Rada y Capalac, 47, isa ring construction worker. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, alas-6:00 ng gabi nang mangyari…
Read MoreP19.6-M SHABU NASAMSAM SA CEBU
TINATAYANG umabot sa P19.6 million ang street value ng ilegal na droga na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police sa serye ng anti-narcotics operations na ikinasa sa Cebu noong Linggo. Ayon kay Central Visayas Police Director Roque Vega, pinalakas nila ang kanilang kampanya kontra droga sa kanilang nasasakupan partikular sa lalawigan ng Cebu. Sa report na ibinahagi ni Police Brig. General Vega, unang nadakip ang isang dating waiter sa Barangay Luz, Cebu City, kung saan nakuha ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga. Isang buy-bust operation naman ang…
Read MoreADU-PTA NAGSAGAWA NG OUTREACH MISSION SA MORONG, BATAAN
INIABOT ng Pangulo ng ADU-PTA na si Mer Layson ang isang sako ng bigas kay Chairwoman Evangeline De Leon. NAGSAGAWA ng Outreach mission sa dalampasigan sa Morong, Bataan ang mga opisyal ng Adamson University, Parent Teacher Association (ADU-PTA) nitong Sabado ng umaga. Ang misyon ay pinasimulan dakong alas-10:00 ng umaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng meryenda at lootbags na puno ng candies sa 80 bata na dumating at sinundan ng pagbibigay ng bigas at groceries sa 25 mahihirap na pamilya ng mangingisda sa Barangay Poblacion, sa nasabing bayan. Pinangunahan ng…
Read MoreMga rebelde nangikil ng pagkain MILITAR, NPA NAGKABAKBAKAN SA NORZAGARAY
BULACAN – Nagkabakbakan ang militar at limang miyembro ng New People’s Army o NPA nang abutang nangingikil ng pagkain ang mga rebelde noong Sabado ng umaga sa Sitio Sapang Munti, Brgy. San Mateo, sa bayan ng Norzagaray sa lalawigang ito. Nakasagupa ng pwersa ng 80IB ng militar ang limang miyembro ng CTG (communist terrorist group) na kabilang sa Platun 1 (Sentro De Grabidad), Komiteng Larangan Gerilya Narciso, Sub-Regional Military Area 4A, ng Southern Tagalog Regional Party Committee (Platun-1 SDG, KLG Narciso, SRMA 4A, STRPC). Ayon kay ni Lt. Col. Erwin…
Read MoreLOLA NALIGO SA CREEK, NALUNOD
CAVITE – Pinaniniwalaang nalunod ang 73-anyos na lola nang naligo sa isang creek sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Kilala ang biktima na si Luz Santos Espano, ng Silang, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, dakong alas-3:40 ng hapon noong Sabado, habang namimitas ng mga gulay si Arwin Maximo Ambrosio nang napansin ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang malaking bato sa creek sa Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite. Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa naka-duty na security guard…
Read MoreApektado ng sulfur mula sa Mt. Taal DONASYONG N95 MASKS PANAWAGAN PARA SA LIPA RESIDENTS
NANAWAGAN ng donasyon ng N95 masks ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) sa Batangas upang ipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) mula sa Bulkang Taal. Ayon sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maaaring magbigay ng donasyon ng N95 mask sa LASAC’s headquarters sa St. Francis de Sales Major Seminary compound sa Lipa City. Ang N95 masks ay magbibigay ng mainam na proteksyon at pansala sa particles na lubhang makasasama sa kalusugan ng mga tao. Matatandang noong nakaraang Huwebes, nagbuga ng…
Read More