UMABOT na sa 17 katao ang namatay sa sakit na dengue sa lalawigan ng Bulacan mula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon sa ulat na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) noong Biyernes, patuloy pa rin ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa nabanggit na probinsiya. Tinatayang nasa kabuuang bilang na 10,945 ang suspected dengue cases sa lalawigan na 349% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taong 2021 na nasa 2,435 kaso lamang. Sa datos na ito ay mayroon nang naitalang 17 dengue-related deaths…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2K RESIDENTE NG BATANGAS APEKTADO NG SMOG MULA SA MT. TAAL
PINAG-IINGAT ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal makaraang mahigit 2,000 residente ang naapektuhan ng smog na may kasamang sulfur, ayon sa Agoncillo Municipal Health Office sa Batangas. Kabilang ang isang taong gulang na bata na taga-Brgy. Banyaga sa Agoncillo ang kalalabas pa lamang ng ospital matapos ang apat na araw na pagpapagamot dahil sa nalanghap na volcanic smog na nagresulta sa pneumonia. Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na isarang mabuti ang mga bintana ng bahay na malapit sa bulkan upang hindi masinghot ang mga abo na nagiging…
Read More2 DRUG PUSHER TIKLO SA P400K SHABU SA LAGUNA
LAGUNA – Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makumpiska sa mga ito ang mahigit sa P400,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Biyernes sa Calamba City. Kinilala ang mga suspek na sina Ronnie Ortiz at Rosario Belmonte, nadakip dakong alas-9:00 ng gabi sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay 1, Calamba City. Nakuha sa mga suspek ang 6 sachet ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 62 gramo at nagkakahalaga ng P421,000. Nakakulong na ang dalawa sa Calamba City Police Station locked-up cell at nahaharap sa kasong paglabag…
Read MoreLOBO, BATANGAS EX-VICE MAYOR PINATAY SA DEBUT PARTY
BATANGAS – Patay ang 61-anyos na dating vice-mayor sa bayan ng Lobo matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek noong Huwebes ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Batangas Medical Center si ex-vice mayor at Sangguniang Bayan Secretary Romeo Sulit dahil sa tama ng bala sa ulo. Ayon kay P/Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo Police, bandang alas-12:34 ng madaling araw noong Biyernes nang malagutan ng hininga si Sulit. Ayon sa imbestigasyon, nagsasalita sa harap ng mga bisita sa dinadaos na debut party si Sulit sa Barangay Tayuman…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA AWAY SA PARKING
LAGUNA – Patay ang isang tricycle driver matapos na barilin ng may-ari ng tindahan na kanyang naparkingan sa harap sa Calamba Trade Center public market sa Calamba City noong Miyerkoles ng umaga. Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Odonio Sario Jr., 36, dahil sa tatlong tama ng bala sa likod. Batay sa report ng Calamba City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang iparada ng biktima ang kanyang tricycle sa harap ng fruit stand ng suspek na si Ronie Evasco. Ikinagalit ng suspek ang pag-parking ng biktima dahil nahaharangan umano ang kanyang…
Read More2 NIGERIAN SCAMMERS, PINAY TIKLO SA LAGUNA
LAGUNA – Inaresto ng mga operatiba ng Carmona Police at San Pedro Police ang dalawang Nigerian national at isang Pinay dahil sa pag-withdraw ng mahigit P1 milyong cash mula sa na-hack na account sa San Pedro City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Inaresto ang mga suspek na sina Samuel Nomso Esomchi, 40; Taye John Bamidele, nasa hustong edad, kapwa Nigerian national, at Gladys Rias Francisco, 47, isang balo, dahil sa reklamo ni Surjan Singh Kathait, 45, isa ring Nigerian national, at negosyante. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon…
Read MoreBUMBAY PATAY SA AMBUSH SA MONTALBAN
RIZAL – Patay ang isang Indian national nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Kasiglahan Village, sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, kinilala ang biktimang si Gursewak Singh, nasa hustong gulang, habang tumakas naman ang mga suspek lulan ng motorsiklo. Dakong alas-8:30 ng umaga noong Agosto 10, sakay ang biktima ng Honda beat motor nito sa Blk. 26 Phase 1A, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose nang biglang sumulpot ang riding in tandem at siya ay…
Read MoreFERNANDO KAISA NI PBBM SA PAGTIYAK SA SUPLAY NG PAGKAIN SA BANSA
KAISA si Bulacan Governor Daniel Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng agricultural drone na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay pinangunahan ni Fernando noong Martes kasama ang Provincial Agriculture Office (PAO) sa may bukirin ni Elizabeth Esguerra sa Brgy. Pinac-pinacan, San Rafael, Bulacan. Bago isinagawa ang aktwal na seed spreading gamit ang drone, nagbigay ng oryentasyon ang…
Read MoreP3-M LUGI SA FISHKILL SA BATANGAS
BATANGAS – Muli na namang namatay ang mga isdang tilapia na umabot ng 29 tonelada o katumbas ng P3 milyong halaga ng pagkalugi sa mga mangingisda sa bayan ng Agoncillo sa lalawigang ito. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nasa 43 fish cages ang naapektuhan ng fishkill sa mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang. Sinabi ni BFAR 4-A Director Sammy Malvas, sanhi ng fishkill ang pagbaba ng level ng oxygen sa mga palaisdaan. Ang oxygen level sa marine waters ay dapat nasa five milligram per liter. Dagdag pa ng opisyal, nangyayari ito dahil…
Read More