CHINISMIS NA PUSHER, NAMARIL

SUGATAN ang isang lalaki matapos barilin ng lalaking kanya umanong ipinamamalita na drug pusher sa San Pedro City, Laguna, Linggo ng hapon. Kinilala  ng biktima na si Rey Dejito. Ayon sa report ng San Pedro police, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin si Dejito ng suspek na si Jayson Morada sa Barangay San Antonio. Ayon sa live-in partner ng suspek, nagalit umano ang kanyang kinakasama matapos malaman na ipinamamalita ng biktima na tulak siya ng ilegal na droga. Isinugod ang biktima sa Amante Medical Hospital samantalang tumakas ang suspek matapos…

Read More

OBRERO NATSUGI SA USAPANG LASING

CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang 45-anyos na construction worker ang usapang lasing ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Rico Auxilio y Yuson, dahil sa tama ng saksak sa katawan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Zenjie Bajar y Lacre, isa ring construction worker, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Christopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, dakong alas-12:30 ng hapon,…

Read More

PULIS TODAS SA TANDEM SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang 52-anyos na tauhan ng Batangas PNP makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang patungo sa Provincial Police Office nitong Lunes. Kinilala ang biktimang si PEMS Romel Mapa Panopio, nakatalaga sa Batangas Provincial Police Office, at nakatira sa Brgy. Tipas, San Juan, Batangas. Habang target naman ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawang suspek na tumakas sakay ng gate-away motorcycle. Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Manimtim, dakong alas-3:40 ng hapon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklong KIA Bongo na may…

Read More

P61K MARIJUANA NASAMSAM SA MINOR, 1 PA

LAGUNA – Arestado ang isang 26-anyos na lalaki at ang isang menor de edad matapos makumpiska sa mga ito ang ilang pakete ng marijuana sa buy-bust operation sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang isa sa mga arestado na si Joemari Atienza, 26-anyos. Ayon sa report ng Calamba City Police, inaresto ang dalawa matapos makabili ang isang pulis na nagkunwaring buyer, ng ilang sachet ng marijuana sa operasyon sa Barangay Paciano dakong alas-7:30 ng gabi. Nakumpiska sa dalawa ang kabuuang 6 na pakete ng pinatuyong dahon…

Read More

KELOT TIMBOG SA HUMAN TRAFFICKING SA CEBU CITY

BINITBIT ng mga tauhan ng Anti-Human Trafficking Division ng National Bureau of Investigation ang isang indibidwal sa Cebu City dahil sa pagbebenta ng pornographic materials online. Kinilala ang suspek na si Romilo Romero, naaresto sa entrapment operation na nag-ugat mula sa ulat na natanggap ng NBI-AHTRAD mula sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking – Cyber-TIP Monitoring Center (DOJ IACAT-NBI CYBERTIP) kaugnay sa isang indibidwal na nasa likod ng Twitter account @MarkjasonCj na gumagamit din ng iba pang social media platforms tulad ng Telegram at Facebook upang i-promote at…

Read More

3 CHOPPERS NAG-EMERGENCY LANDING SA QUEZON

QUEZON – Tatlong helicopter, kabilang ang dalawang PNP choppers, ang nag-emergency landing sa lalawigang ito, dahil sa masamang lagay ng panahon noong Biyernes. Sa report ng Quezon Police Provincial Office, dalawang PNP Airbus helicopter na galing Catarman, Samar patungong Maynila, ang nag-emergency landing sa isang resort sa bayan ng Pagbilao dakong alas-2:30 ng hapon. Ligtas namang lahat ang limang sakay ng chopper kabilang ang dalawang sibilyan at maging ang mga piloto na sina P/Maj. Leah Mary Amoguis, at PMSG Regie Charias. Umalis ang mga ito sa Catarman dakong alas-10:30 ng…

Read More

GINANG, 2 PA NA-SCAM SA ONLINE STORE

MALUHA-LUHA ang isang babaeng nagdadalantao matapos na ang perang pinag-ipunan nilang mag-asawa para pambili ng rechargeable electric fan ay nauwi lamang sa panloloko ng isang online store. Kuwento ng pinsan ng biktima na si John Jaymhil Mataya, taga Mogpog, Marinduque, noong Hulyo 23, nag-order ang kanyang pinsang si Lyn ng solar rechargeable electric fan  sa isang online store na nakita nito ang ads sa Facebook, sa halagang P1,500. Subalit laking pagkadismaya ni Lyn nang ang dumating sa kanya ay apat na pares ng mga luma at sirang sapatos. Pinag-ipunan pa naman aniya nila…

Read More

DEATH TOLL SA LINDOL, 11 NA

UMAKYAT na sa 11 ang bilang ng mga namatay sa lindol na tumama sa Northern Luzon. Batay sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 na ang naitalang namatay sa lindol. Kabilang sa mga ito ang sampu sa Cordillera habang isa naman sa Region 1, ayon sa latest situation report mula sa NDRRMC. Ang pang-11 namatay ay isang 59-anyos na lalaki mula sa Tubo, Abra na nagkaroon brain injury dahil sa gumuhong bubong na gawa sa kawayan na may nakaibabaw na sako ng lupa. Nauna…

Read More

21 PULIS KINASUHAN SA DEADLY HAZING

PORMAL nang sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang 21 pulis ng 503rd Maneuver Platoon, Regional Mobile Force Battalion 5, na umano’y responsable sa pagkamatay ng kabarong pulis na si Jaypee De Guzman Ramores noong Hulyo 26, ayon sa PNP Police Regional Office 5. Isinampa ang kaso sa Masbate Prosecutor’s Office noong Huwebes. Ayon kay Police Major Malou Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, isinugod sa Ticao District Hospital si Ramores noong Hulyo 22 nang mag-collapse ito matapos umanong magsagawa ng noontime road run sa bayan ng San Jacinto. Pero nailabas…

Read More