LUNGSOD NG MALOLOS – Tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19 base sa ulat ng Provincial Health Office, as of May 19, 2022. Ito ay ang mga bayan ng Baliuag, San Miguel at Sta. Maria. Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, nasa 66 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya. Sa kabuuan, umabot na sa 109,454 ang kumpirmadong naging kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 107,700 ang nakarekober na habang 1,688 ang namatay Samantala, may 2,434,429 indibidwal ang nakatanggap ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TOP 1 MWP SA CAVITE, 1 PANG WANTED SA CHILD ABUSE TIMBOG
CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang isang top 1 most wanted person (MWP) nang naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Leandro Centeno y Gatella, 52, binata, isang magsasaka, ng Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, nagsagawa ng operasyon kontra MWP ang mga operatiba ng Indang MPS sa Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Centeno sa bisa ng warrant of arrest na inisyu…
Read MoreBinentahan pulis pala GUNRUNNER ARESTADO SA ENTRAP OPERATION
ARESTADO ang isang lalaki makaraang bentahan ng baril ang isang pulis sa entrapment operation sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to the Omnibus Election Code ang suspek na si Jeffrey Raymundo, 37, residente ng lungsod. Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak ukol sa ilegal na gawain ng suspek kaya’t ikinasa ang operasyon sa Libis Talisay, Barangay 12, Caloocan City dakong alas-4:10 ng umaga noong Mayo 17, at nang bentahan ni Raymundo ang isang undercover cop ng baril ay…
Read MoreMAGSASAKA PATAY SA LOVER NI MISIS
ILOILO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos barilin ng umano’y dating kalaguyo ng kanyang misis sa Pototan City sa lalawigang ito noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat ng Pototan City Police Station, binaril nang malapitan ng suspek ang 44-anyos na magsasaka sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dawis ng nabanggit na siyudad. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Pototan Police, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang 13-anyos na anak nang biglang tumahol ang kanilang alagang aso. Nang silipin ng biktima ang pintuan ay biglang sumungaw ang…
Read MoreBINATILYO NALIGO SA DAM, PATAY SA KIDLAT
BULACAN – Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay habang naliligo sa Bustos Dam nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng matalim na kidlat na tumama sa biktima sa bayan ng Bustos sa lalawigang ito, noong Martes. Base sa report ng pulisya, hindi pinangalanan ang biktimang binatilyo na nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival bunga ng matinding sugat sa ulo at katawan matapos tamaan ng kidlat. Hindi naging madali ang pagsagip at pagkuha sa biktimang habang nasa malalim na bahagi ng dam dahil sa malakas…
Read MoreBAYOLENTENG KUYA IPINADAMPOT SA PULIS
CAVITE – Ipinadampot ng isang Grade 12 student ang kanyang nakatatandang kapatid dahil sa hindi makontrol na pambubugbog sa kanya sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Hawak ngayon ng Bacoor Police si Eduardo Concepcion y De Guzman, 36, dahil sa reklamo ng 18-anyos niyang kapatid, kapwa residente ng Brgy. Mambog II, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes, Jr., ng Bacoor City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang walang sabi-sabing binugbog siya ng kanyang kuya dakong alas-5:30 ng hapon. Sinasabing ang…
Read More2 CHINESE TIKLO SA KIDNAPPING
INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese national na dumukot umano sa isang Vietnamese at isang kapwa Intsik. Kinilala ni AKG Director P/BGen. Rudolph B. Dimas ang mga suspek na sina Huang Jun, 26, at Lu Zhillin, 22, parehong Chinese national na tumutuloy sa Clark Majestic World sa Mabalacat, Pampanga. Nabatid sa pagsisiyasat na puwersahang tinangay ng dalawang suspek ang Vietnamese national na si Vo Nguyen Huyen Chau noong Mayo 11 sa PBCom Building sa Makati City at narekober ng AKG noong…
Read MoreRIDER PATAY SA MARKED VEHICLE
CAVITE – Patay isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang marked vehicle na minamaneho ng isang jail guard sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga. Isinugod sa Tanza Family Hospital ang biktimang si Mark Ferdinand Coluna y Mondreal, 26, binata, ng Naic, Cavite subalit hindi umabot nang buhay. Kinilala naman ang driver ng marked vehicle na si Melchor Das Ilen y Gregorio, 42, may asawa, jail guard sa Naic BJMP sa Brgy. Mabolo, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario ng Tanza Police…
Read More2 PATAY SA PAMAMARIL SA TIAONG HIGHWAY
QUEZON – Patay ang isang lalaki at isang babae sa pamamaril ng hindi kilalang mga suspek sa gilid ng highway sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Batay sa report ng Tiaong Police, nakasakay ang hindi pa nakikilalang mga biktima sa nakahintong motorsiklo sa terminal ng tricycle sa Maharlika Highway at Tiaong-San Juan Road sa Barangay Talisay, at tila may hinihintay dakong alas-3:30 ng umaga. Ayon sa witness, biglang dumating ang mga suspek at nagbunot ng baril. Nakatakbo pa at humingi ng tulong ang dalawa sa…
Read More