ONLINE APPLICATION NG VOTERS SA RIZAL, ‘DI NAAPRUBAHAN

MALAMANG na hindi makaboto ngayong May 9, 2022 national and local elections ang ilang botante sa lalawigan ng Rizal makaraang hindi maproseso ng lokal na Commission on Elections (Comelec) ang kanilang online application na isa sa dahilan ay ang kawalan ng ‘internet signal’ ng mga opisina ng komisyon. Noong Marso 2022, nagpadala ng liham ang Provincial Election Supervisor ng Rizal sa Comelec en banc na humihingi ng rekomendasyon kung ano ang gagawin sa mga hindi naaprubahang online application. Dito ay pinagpaliwanag ng en banc ang PES ng Rizal kung bakit hindi naproseso…

Read More

Magtiyuhin nilikida sa Abra BAYAN NG PILAR INILAGAY SA COMELEC CONTROL

ISINAILALIM ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang kontrol ang bayan ng Pilar sa lalawigan ng Abra matapos na ikonsidera itong nasa red category at ma-validate ang incident report na natanggap Ito ay bunsod ng shooting incident sa nasabing bayan na ikinamatay ng bodyguard ni Pilar Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono. Nagkaroon muna ng stand-off sa pagitan ng mga pulis at mga tauhan ng alkalde bago tuluyang napayapa ito. Inihayag ni Comelec Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) Commissioner Aimee Ferolino, isang sensitibong usapin ang…

Read More

5 KASAPI NG CRIME GROUP, PATAY SA ENGKWENTRO

LIMANG mga kasapi umano ng isang organized crime syndicate na kumikilos sa apat na rehiyon sa Luzon, ang napatay matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Tabuk City, Kalinga, ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng PNP sa Quezon City. Sa report ni Police Major Garry Gayamos ng Kalinga Police Provincial Office, sangkot ang mga napaslang sa carnapping at robbery holdup operation. Dead on the spot ang dalawang suspek habang ang tatlong kasamahan nila ay sinubukang pang mailigtas kaya’t itinakbo sa pagamutan subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng…

Read More

Nakapatay ng 7-anyos na anak AMA NAG-SUICIDE SA SELDA

RIZAL – Nagpatiwakal umano sa selda sa pamamagitan ng pag-untog ng kanyang ulo ang isang lalaking naghataw ng kanyang 7-anyos na anak sa pader na ikinamatay ng bata noong Huwebes sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, humingi ng saklolo ang ilang preso nang matuklasan nila na inuuntog ng suspek na si Eraño Veraces y Salioman, 26, ang ulo nito sa pader sa bahagi ng banyo sa Municipal detention cell nitong Abril 29, pasado ala-una ng madaling araw. Agad na isinugod sa…

Read More

VENDOR PATAY, ANAK SUGATAN SA AMBUSH

QUEZON – Patay ng isang 38-anyos na vendor habang sugan ang 4-anyos nitong anak makaraang tambangan habang pauwi ng kanilang bahay lulan ng tricycle sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito. Agarang namatay ang biktimang si Edmar Samarita dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod naman sa ospital sa Lucena City at nilalapatan ng lunas ang anak nito na si Nicko na tinamaan din ng bala sa walang habas na pagpapaputok ng hindi kilalang suspek. Batay sa report ng Sariaya Police, bandang alas-7:40 noong Huwebes…

Read More

Ama sinaniban ng demonyo? ANAK HINATAW SA PADER, PATAY

RIZAL – Nalagutan ng hininga ang isang 7-anyos na batang lalaki makaraang ihataw sa pader ng kanyang amang tila sinaniban ng demonyo, habang nilalapatan ng lunas sa Ynares Center sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito, nitong Huwebes. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang suspek na nadakip at ginulpi ng taong bayan na si Eraño Veraces y Salioman, 26, habang ang biktimang anak nito ay si Erron Veraces, 7-anyos. Ayon sa reklamo ng inang si Rodalyn, 25, sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong…

Read More

PEKENG DENTISTA, KASABWAT NADAKMA SA ENTRAP OPS

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang isang babaeng umano’y nagpapanggap na dentista sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles, Abril 27. Ikinasa ang operasyon sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon katuwang ang Sariaya Municipal Police Station, 405th Regional Mobile Force Battalion at Philippine Dental Association (PDA) Quezon Chapter. Ayon sa Sariaya Police, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa ‘illegal practice of dentistry’ ni Pacita Diano, 58-anyos, residente ng Dolores, Quezon. Wala umanong maipakitang permit at lisensya ang suspek na…

Read More

TOP 1 AT TOP 6 MOST WANTED SA CAVITE TIMBOG

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang lalaking itinuturing na top 1 at top 6 most wanted persons, provincial at regional level, dahil sa kasong rape, nang madakip sa isinagawang “Oplan Pagtutugis” sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Angelo Malubay y Cortes, 19, ng Tanza, Cavite, at Jericho Canuto, 22, ng Bacoor City, Cavite. Si Malubay ay inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dakong alas-4:55 ng hapon sa Brgy. Punta Uno, Tanza sa bisa ng warrant of…

Read More

4 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA OCC. MINDORO

APAT na miyembro ng communist New People’s Army ang napaslang sa magkahiwalay na military operation sa Occidental Mindoro at lalawigan ng Masbate. Sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Andres Bonifacio, Taguig, Metro Manila, dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang  ng Army’s 68th Infantry Battalion, at Philippine National Police Special Action Force sa Brgy. Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro. Unang napatay sa labanan ang isang babaeng kadre na nabawian ng isang M16 rifle at ikinasugat ng isang sundalo. Tumakas ang mga kasamahan nito subalit naabutan…

Read More