BULACAN – Isang 19-anyos na binata na wanted sa kasong murder ang nasakote ng mga tauhan ng Valenzuela City Police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Meycauayan, Bulacan. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Col. Salvador Destura Jr. ang naaresto na si Aldrin Dalagan, residente ng Tugatog, Meycauayan City, Bulacan. Ayon kay Col. Destura, nakatanggap si P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela City Police, ng impormasyon na nakita ang suspek sa kanilang lugar. Bunsod nito, agad nagsagawa ang mga awtoridad ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 WANTED SA RAPE NALAMBAT NG PULISYA
QUEZON – Dalawang nakatala bilang mga most wanted person sa kasong rape sa lalawigang ito, ang nadakip ng mga awtoridad sa dalawang operasyon noong Huwebes. Unang naaresto ng mga tauhan ng Lucena City PNP at ng Sta. Maria, Laguna Police Station noong Huwebes ng umaga ang suspek na si Reynante Concepcion sa operasyon sa Brgy. Laurel, Sta. Maria. Si Concepcion na residente ng Pagbilao, Quezon ay isa sa most wanted persons ng Lucena PNP dahil sa kasong panggagahasa sa pamangkin ng kanyang kinakasama sa nasabing lungsod. Matapos ang paghahalay ay nagtago ang suspek sa…
Read MoreLALAKI HUMIGA SA RILES, PATAY SA TREN
LAGUNA – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking nasagasaan ng tren noong Biyernes hapon. Ayon sa mga nakasaksi, nakitang nakatayo ang lalaki sa isang tindahan sa gilid ng riles sa Barangay Ibabang Iyam dakong alas-3:00 ng hapon. Nang paparating na ang tren na patungong San Pablo City, bigla na lamang humiga sa riles ang biktima. Base sa nakuhang voter’s ID, kinilala ng Lucena PNP ang biktimang si Noel de Los Santos, 61, taga Barangay 9, Lucena City. Nakaladkad pa ang biktima hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan nito bago…
Read MoreEX-VICE MAYOR NG DOLORES, QUEZON PATAY SA PAMAMARIL
LAGUNA – Patay ang dating vice mayor ng Dolores, Quezon makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa San Pablo City, Laguna dakong alas-7:30 ng gabi noong Biyernes. Kinilala ng San Pablo City Police ang biktima na si Danilo Amat. Batay sa report ng San Pablo City PNP, dakong alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ng kanyang kosteng Ford Mustang nang tambangan at pagbabarilin ng suspek sa Seven St., Brgy. San Francisco. Pagkaraan ay naglakad lamang palayo ang suspek Agad namang isinugod sa SPC General Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng…
Read MoreHinirit sa Kamara FOOD TERMINAL KADA REHIYON
KUNG nais ng administrasyon makamit ang target na sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat, higit na angkop ang pagtataguyod ng sa food terminal kada rehiyon. Giit ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gamiting gabay ang programang isinulong kanyang namayapang ama, si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. “President BBM can take his cue from his late father, former President Ferdinand Marcos Sr., who had, during his presidency, launched programs to rev up the supply chain such as the establishment of the Food Terminal Inc. (FTI)…
Read More6 HULI SA P 1.4-M SHABU SA ANTIPOLO
ANTIPOLO CITY – Nadakip ng mga awtoridad ang anim katao makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P1.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa back to back operation sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga nadakip na sina Jeffrey Esguerra, Anastacio Hementiza at Rodel Dizon, pawang high value target, Abdul Barazar, Ronald Dela Cruz at Yoshihara Narabe, mga residente ng Sitio Pandayan, Brgy., Inarawan ng lungsod. Unang nadakip sa anti-drug…
Read MoreDENGUE CASES SA BATANGAS TUMAAS NG MAHIGIT 100%
BATANGAS – Umabot na sa 879 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Hulyo 16, 2022, ayon sa Department of Health (DOH) – Calabarzon. Mataas ito ng 101 porsyento kumpara sa 437 kasong naitala sa parehong petsa ng nakaraang taon. Tatlo sa nasabing bilang ang pumanaw sa sakit. Pinakamaraming naitalang kaso sa lungsod ng Lipa na may 168, kasunod ang lungsod ng Tanauan (142), lungsod ng Batangas (120) at lungsod ng Sto. Tomas (116). Ang bayan ng Tingloy at San Luis naman ang may pinakakaunting naitalang kaso…
Read MoreDriver ng tricycle, 13-anyos MAG-IINA PATAY, 4 SUGATAN SA VAN VS TRIKE
BULACAN – Patay ang dalawang menor de edad gayundin ang ina ng mga ito habang apat pang mga kaanak ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang tricycle sa isang kasalubong na van sa Cagayan Valley Road, Barangay Buliran sa bayan ng San Miguel sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ang mga biktima na magkakamag-anak ay papunta sa isang vaccination site sa Barang Poblacion para magpabakuna kontra COVID-19 nang mangyari ang insidente. Agad na binawian ng buhay ang mag-iina na kinilalang sina Monica Ramos, 29; Aj, 5, at Miguel, 7, habang sugatan…
Read MoreCOVID CASES SA BULACAN, TUMATAAS
NANAWAGAN si Gobernador Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna ng booster shot bilang karagdagang proteksyon sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso. “Nananawagan po ako sa ating mga kalalawigan na huwag nang hintayin na lumala pa ang sitwasyon ng COVID bago tayo umaksyon. Bukas po ang ating mga vaccination sites upang makapagpa-booster tayo, at bigyan ang ating mga sarili ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19,” wika ni Fernando. Ang panawagan ay bunsod ng naitalang 660 aktibong kaso sa Bulacan noong Hulyo…
Read More