RIZAL – Umabot sa P2.6 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa isang 33-anyos na high value target (HVT) makaraang madakip ng anti-drugs operatives sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A-Calabarzon Regional Director BGen. Antonio Yarra, kinilala ang nadakip na si Edmar Rex y Nieto alyas “Bok”, nakatira sa Brgy. Darangan ng nabanggit na bayan. Nabatid mula kay P/Major Joel Custodio, chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU), dakong alas-1:45 ng madaling araw noong Hulyo…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
4 BIÑAN COPS INIIMBESTIGAHAN SA PAMAMARIL
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa umano’y tangkang pamamaril ng apat na miyembro ng Biñan City Police (CPS) sa dalawang kalalakihan na nagsumbong sa kanila sa umano’y bentahan ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan, sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Renato Alcala, 39, at Erwin Cabatino, 58, vendor, na inginuso ang apat na umano’y miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Biñan City Police Station sa Biñan City, Laguna. Ayon sa reklamo ng mga biktima…
Read MorePinukpok ng super kalan, sinaksak ng icepick GINANG KRITIKAL SA PANANAKIT NI MISTER
CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang isang ginang matapos na pukpukin sa ulo gamit ng tangke ng super kalan at saksakin ng icepick sa katawan ng kanyang mister sa Dasmariñas City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Catherine Logronio, nasa hustong edad, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas City dahil sa mga sugat sa ulo at katawan. Kasong frustrated parricide ang kinahaharap ng asawa ng biktima na si Rolando Bonete, nasa hustong edad. Ayon sa reklamo ni…
Read MorePROBE IKINASA SA NASUNOG NA ARMY AMMO COMPLEX
“TINIYAK namin ang transparency sa imbestigasyon upang maiwasan ang mga katulad na mapanganib at magastos na insidente na mangyari sa hinaharap.” Ito ang naging pahayag ni Philippine Army chief, Lt. General Romeo Brawner Jr., matapos na personal niyang suriin ang lawak ng pinsala at at kabuuang estado ng Army 4th Infantry Division kasunod ng nangyaring sunog sa kanilang ammunitions complex sa Camp Edilberto Evangelista, Patag, Cagayan de Oro noong Martes ng madaling araw. Bagaman’t nalulungkot si Lt. Gen Brawner sa panyayari, pinapurihan ng Army Commanding General ang 4th Infantry “Diamond” Division…
Read MoreHIGH SCHOOL SA LAGUNA IIMBESTIGAHAN NG NBI SA SEXUAL ABUSE
LAGUNA – Isang special team ang binuo ng National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang alegasyong sexual, verbal, at emotional abuses sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa lalawigang ito. Ito ay base sa kautusan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin upang malaman kung sino ang dapat na mapanagot sa insidente. Ayon kay NBI Officer-In-Charge Medardo de Lemos, pinagre-report ang special team sa loob ng pitong araw. Sa liham na natanggap ng kanilang tanggapan noong Hulyo 11, 2022, mula sa tanggapan…
Read MoreGUIDELINES PARA SA SCHOOL YEAR 2022-2023, INILABAS NG DEPED
IPINALABAS ng Department of Education (DepEd) ang mga alituntunin hinggil sa School Calendar and Activities para sa School Year 2022-2023 alinsunod sa pagpapatuloy ng ‘5 days of in-person classes’. Nilagdaan ni Vice President and Secretary Sara Z. Duterte noong Lunes, itinakda ng DepEd Order No. 034, series of 2022, ang pagsisimula ng klase sa Agosto 22 at matatapos sa Hulyo 7, 2023. Magkakaroon ng 203 school days o maaaring determinahin sa susunod pang ipalalabas na order sakaling magkaroon ng pagbabago sa school calendar dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari. Sa nasabing…
Read MoreIMBAKAN NG BARIL, BALA NG KANYON SUMABOG
IPINASISIYASAT ng pamunuan ng Philippine Army ang pagsabog at pagkasunog ng ammunition complex ng Forward Service Support Unit sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner, sumiklab ang sunog sa ammunition complex pasado ala-una ng madaling araw. Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, base sa salaysay ng mga sundalo at mga residente malapit sa nasunog na pasilidad, may narinig silang pagsabog hanggang sa nakitang nagliliyab na ang gusali. Ayon kay Major Francisco Garello,…
Read More1 PATAY, 5 MISSING SA GUMUHONG PADER
TAGAYTAY CITY – Isa ang patay, dalawa ang nilalapatan ng lunas sa ospital habang limang iba pang mga trabador ang hindi pa natatagpuan makaraang matabunan ng lupa dahil sa gumuhong pader sa lungsod na ito, noong Lunes ng gabi. Dead on arrival sa Tagaytay Medical Center si Ronilo Casaljay y Cahusay, 52, foreman; habang nilalapatan ng lunas sina Marco Paulo Abarrientos y Abocejo, 33, project engineer, at Ton Velasquez, 26, dahil sa mga sugat sa katawan. Pinaghahanap pa ang mga biktimang sina Niño L. Velasquez, 46; Daniel Nesperos y Blaza, 29; William F.…
Read MoreP212K DROGA NABUKING SA PEKENG LISENSYA
RIZAL – Bunsod ng pekeng driver’s license, nabuking sa ilegal na droga ang dalawang lalaki sa ikinasang “Oplan Sita” ng mga awtoridad sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ni PRO4A Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang dalawang naaresto na sina Prince Noblejaz, 22, at Rayven Ramirez, 24, kapwa ng Rodriguez St., Brgy. Sto. Niño, Angono. Dakong alas-8:10 ng gabi noong Hulyo 9, nadakip ang dalawang suspek sa Manila East Road, Brgy. San Roque sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang dalawa nang sitahin ng…
Read More