Naging kapansin-pansin para sa netizens at political pundits ang tarpaulin na nakasabit sa isang event sa Camiguin kung saan isang Mr. Sofonias Gabonada ang nagpapakilala at nagpapatawag na agad ng “House Deputy Secretary General” gayong wala pa ngang naluluklok ang bagong Kongreso na House Speaker at kahit Secretary General. Ang masaklap, ibinalandra pa ni Gabonada ang kanyang picture at pangalan katabi ng litrato at pangalan ni outgoing House Majority Leader at presumptive House Speaker Martin Romualdez. Sa July 23 magbubukas ang 19th Congress kung saan pipiliin ang mga bagong House…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
NPA LEADER NALAMBAT
CAGAYAN – Huli ang isang ranking executive committee member ng Communist Party of the Philippine armed wing New People’s Army, sa inilunsad na joint AFP at PNP operation sa Barangay Bulala, sa bayan ng Camalaniugan, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ipinarating ng Northern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres, sa punong himpilan ng Philippine Army, nagkasa ng joint law enforcement operation ang PNP at 77th Infantry Battalion sa Barangay Bulala, Camalaniugan, Cagayan. Bandang alas-9:30 noong nakaraang linggo, armado ng mandamiento de arresto na inilabas ni RTC Presiding…
Read More2 PRESO NAMATAY SA CAVITE CUSTODIAL CENTER
CAVITE – Dalawang preso ang iniulat na namatay makaraang nakaramdam ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Custodial Center sa magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City si Bryan Bituel y Sibal, nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Nauna rito, nakaranas ng hirap sa paghinga si Bituel sa kanyang kulungan sa Dasmariñas City Police Station (Isolation 2 Humayao) sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City kaya agad isinugod sa ospital dakong alas-12:10 noong Sabado ng hapon. Sa Bituel ay naaresto…
Read MoreKAMBAL NA TULAK HULI SA BUY-BUST
BATANGAS – Arestado ng mga operatiba ang magkapatid na kambal sa anti-illegal drug operation sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito. Ayon sa report ng Batangas Provincial Police Office, nasakote ang kambal na sina Mark Kevin at Mark Anthony Cueto, sa buy-bust operation sa Barangay Buhay na Sapa noong Biyernes ng gabi. Bago naaresto, tinangka pa ni Mark Anthony na manlaban at pinaputukan ang mga operatiba matapos matunugan na mga pulis ang katransaksyon ng kambal. Gumanti ng putok ang mga pulis at nabaril ito sa hita at napilitan na…
Read MoreMOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE 1 PATAY, 2 SUGATAN
LUCENA CITY – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang dalawang angkas nito makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa poste ng ilaw sa Lucena City nitong Sabado ng umaga. Dead on arrival sa ospital ang 22-anyos na driver na si Carl Aljhon Regonay habang sugatan ang magpinsang angkas na sina Christian Torio, 24, at Jonathan Torio, 20-anyos. Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa pababa at kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Ibabang Dupay. Dahil umano sa mabilis na takbo…
Read MoreSUSPEK SA 4 COUNTS NG RAPE TIMBOG SA RIZAL
RIZAL – Timbog sa mga awtoridad ang 20-anyos na wanted sa kasong 4 counts ng rape sa isinagawang pag-aresto sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Col. Rodolfo Santiago II, hepe ng Tanay PNP, ang suspek na si Arvin Acebuche y Belediano, 20-anyos, most wanted person, regional level at nakatira sa Brgy. Plaza Aldea sa nabanggit na bayan. Dakong alas-9:20 ng umaga nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Maria Josefina Goseco San Juan Torres,…
Read MoreLagim sa beach camping LALAKI PINATAY, GF GINAHASA
MARINDUQUE – Nauwi sa trahedya ang camping ng isang magkasintahan nang pasukin sila sa kanilang tent ng hindi kilalang suspek at parehong pinagsasaksak na ikinamatay ng lalaki habang ginahasa naman ang babae sa insidenteng nangyari sa bayan ng Boac sa lalawigang ito, noong Biyernes. Ayon sa Boac Police, nangyari ang insidente sa tabing dagat sa Barangay Ihatub kung saan nagka-camping ang magkasintahan na isang 21-anyos na lalaking estudyante at 17-anyos na babae. Sinabi ni P/Maj. Jerome Mendiola, pasado alas-5:00 ng ng umaga nang makita ng driver ng isang delivery van…
Read More2 TRAFFIC ENFORCER PATAY SA SINITANG TANDEM SA RIZAL
RIZAL – Target ngayon ng mga awtoridad ang ‘riding in tandem’ na bumaril at nakapatay sa dalawang traffic enforcer at ikinasugat ng isa pa makaraang ratratin ang mga biktima nang sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa bayan ng Cardona, sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Capt. Reynaldo Año, hepe ng Cardona PNP, ang dalawang napatay na sina Gil Tancingco at Marcial Julian, habang sugatan naman si Kevin Jerome Cruz, pawang nakatalaga sa Municipal Task Force ng Cardona. Agad tumakas ang mga suspek sakay ng getaway motorcycle dala ang ginamit…
Read MoreEHEKUTIBO AT LEHISLATIBO SANIB-PWERSA PARA SA PROGRESIBONG BULACAN
(ELOISA SILVERIO) KAPWA nangako sina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kamakalawa. Nanawagan ang gobernador sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na isantabi ang pulitika at sariling interes, at yakapin ang kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan ang kanilang mga kababayan. “We can work independently in nature and in function yet together…
Read More