UMANI ng batikos ang Pulse Asia dahil sa hindi scientific at sablay umano nitong paraan sa pagpili ng mga lugar kung saan kukuha ng respondents para sa mga election survey nito. Sa kanyang column sa Manila Times, binatikos ni Al Vitangcol ang Pulse Asia, partikular ang pahayag ni pangulo nito na si Ronald Holmes sa isang panayam sa telebisyon ukol sa pagpili ng lugar kung saan huhugutin ang respondents. Sinabi ni Holmes na hindi tinutukoy at pinag-aaralan ng Pulse Asia ang mga lugar kung saan kukuha ng respondents. “We did…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LIBRENG CREMATION SA NASAWI SA COVID TULOY SA CALOOCAN
MAHIGIT 405 residente ang napagserbisyuhan ng cremation services program ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan simula nang maipatayo ang Sangandaan Crematorium Facility. Ipinatayo ng City Hall ang nasabing pasilidad gamit ang buwis ng mamamayan bago pa man magsimula ang COVID-19 pandemic. Sa kasagsagan ng pandemya noong Marso 2020, binuksan ang crematorium upang umagapay sa mahihirap na pamilya sa Caloocan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya. Sa pamamagitan ng mababang presyo ng cremation, natutulungan ang mga residente na mabigyan ng disenteng huling hantungan ang mga yumaong kapamilya na naging…
Read MoreKagawad biniktima ng e-sabong adik NAGBASAG KOTSE PARA SA BISYO
HUMANTONG sa karsel ang isang 58-anyos na lalaking ipinalalagay na lulong sa e-sabong, matapos na basagin ang salamin at pagnakawan ang kotse ng isang kagawad ng barangay sa Valenzuela City para umano may maipambayad sa mga utang. Swak sa hoyo at nahaharap sa kasong theft ang suspek sa si Robert Leonardo, ng Barangay Bagbaguin, Caloocan City, na natiklo sa follow-up operation noong Marso 23. Ayon sa pulisya, sa nasabi ring araw, binasag ang salamin at pinagnakawan ng suspek ang Mitsubishi Montero ng biktimang si Jim Ajero, 47, barangay kagawad, habang…
Read MoreBI, 82% NANG NASA AUTOMATED SYSTEM
IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC), nasa 82 porsyento na ng kanilang mga sistema ang ‘automated o computerized’ sa ilalim ng kanilang programa sa modernisasyon, dahilan para tumaas ang kanilang koleksyon kahit ngayong pandemya. Nasa 139 sa 170 proseso nito ang ‘computerized’ na, na naisagawa sa loob ng anim na taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, noong 2020, umabot sa P537.69 bilyon ang kanilang naging koleksyon na nahigitan ang target nila na P506.15 bilyon. Noong 2021 naman, umabot sa P643.56 bilyon ang kanilang…
Read MoreSIMULA NG LOCAL CAMPAIGN PERIOD, GENERALLY PEACEFUL
MAITUTURING na generally peaceful ang simula ng pagsikad ng local campaign period sa buong bansa para sa 18,023 local posts na pinaglalabanan ngayong May 9 presidential and local elections, ayon sa ulat na nakalap ng Philippine National Police Operation Centers. Ayon kay Major General Vicente Danao, hepe ng PNP-Directorial Staff, hanggang kahapon ay nanatiling mapayapa ang pagsisimula ng kampanya para sa 18,023 sa local elective positions. Base sa report mula sa iba’t ibang operation center ng Pambansang Pulisya, wala pa naman silang nakikitang problema o banta na maaaring makagulo sa…
Read MoreP814 MINIMUM WAGE, HILING SA DAVAO REGION
MAGIGING P814 ang daily minimum wage sa Davao region kapag inaprubahan ng Regional Wages and Productivity Board (RTWPB)-Region XI ang dagdag na P418 na inihain ng grupo ng mga manggagawa. Ayon kay Rep. Raymond Democrito Mendoza, pangulo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), pormal na inihain ng kanyang grupo ang petisyon para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon. “Our minimum wage earners and their families have already fallen below the poverty level even before the ongoing Ukraine-Russia conflict and the succeeding oil price hikes that are now…
Read MoreP6.8-M DROGA NASABAT SA 3 BEBOT
CAVITE – Tatlong kababaihan na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga ang binitbit ng Cavite Police makaraang makumpiskahan ng mahigit P6 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, 29, isang lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, 28, dalaga; Nur-Laila Capatagan y Alonto, 20, dalaga, habang nakatakas ang kasama nilang si Noralyn Macalangan, pawang mga residente ng Pasong Camachile 1, City of Gen. Trias, Cavite Ayon sa…
Read MoreTRADER TODAS SA AMBUSH SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang negosyanteng Tsinoy matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni Police Senior Master Sergeant Ryan Pagcaliwanggan ng Ibaan Police, ang biktimang si Peter Co, 49, may-ari ng Society Glass Company at residente sa Barangay Bolbok, Batangas City. Ayon sa report, nasa project construction site sa Barangay Coliat si Co nang biglang may dumating na isang lalaking nakamotorsiklo at siya ay pinagbabaril bandang alas-3:20 ng hapon Dead on the spot si Co dahil sa mga tama…
Read More6 TULAK KALABOSO SA P1-M DROGA SA RIZAL
RIZAL – Arestado ang anim kataong pinaniniwalaang mga miyembro ng sindikato sa likod ng lantarang bentahan ng ilegal na droga sa magkakahiwalay ng operasyon sa lalawigang ito. Nasamsam sa nasabing anti-illegal drug operations ang mahigit isang kilong shabu sa ng mga suspek na kinilalang sina Mark Paul Gerico Regaspi, Christopher Francisco, Jonjon Payongayong, Jomby Aranella, Sandra Monares at Carla Villareal. Ayon sa ulat ni Rizal Provincial Police chief, Col. Dominic Baccay, unang nadakip ng Provincial Intelligence Unit – Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU), sina Regaspi at Francisco na nakuhanan ng…
Read More