1 NPA NAPATAY, KUTA NAKUBKOB SA SURIGAO SUR

SURIGAO DEL SUR – Ilang araw bago ang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army, napatay ang isang armadong galamay ng Communist Party of the Philippines at nakubkuob ng mga sundalo ng AFP 4th Infantry Division ang pinagkukutaan ng communist terrorist group sa bayan ng Marihatag sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, anim na high powered firearms ang nabawi sa isinagawang military operation ng 75th Infantry Battalion na nasa operational control ng 401st Brigade matapos ang engkwentro sa Sitio Montenegren, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Marihatag. Ayon sa…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 10 SASAKYAN

CAVITE – Patay ang isang rider habang dalawa ang sugatan makaraang magkarambola ang sampung sasakyan sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Jonel Dacles y Dariagan, 37, dahil sa pinsala sa ulo habang isinugod naman sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mga biktimang sina Butz Del Carmen y Arboleda, 34, at Rodelle Terrence Mejia y Manguba, 23-anyos. Hawak naman ng pulisya ang driver ng Hino aluminum truck na si Gerald Corimo y Dalonoy, 26, ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus…

Read More

Sangkot sa pagkamatay ng estudyante sa hazing 2 OPISYAL NG TAU GAMMA SUMUKO SA PULISYA

LAGUNA – Sumuko sa himpilan ng pulisya ang dalawang opisyal ng Tau Gamma Phi fraternity na umano’y sangkot sa pagkamatay sa hazing ng isang 18-anyos na estudyante sa bayan ng Kalayaan sa lalawigang ito noong Linggo. Dead on arrival sa pagamutan ng General Cailles Hospital ang biktimang si Reymarc Rabutazo ng Brgy. Longos ng naturang bayan. Kinilala ni Kalayaan Police chief, Lt. Erico Bestid ang mga suspek na sina Venzon Benedict Lacaocao, 19, waiter, at Rey Vince Espaldon, 19, 1st year Criminology student. Dinala sa pulisya si Licaocao ng kanyang nakatatandang kapatid na si Veelly…

Read More

NPA NA MAY KASONG MURDER HULI SA BICOL PNP

LAGLAG sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang kumpirmadong kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder sa lalawigan ng Masbate. Ayon kay Bicol PNP chief, P/Brig. General Jonnel C. Estomo, nadakip si Jurly Cuyos y Dometita sa ikinasang manhunt operation ng Masbate City Police Office katuwang ang CI Team RPSPU5/ PSPG at IOPs Masbate MARPSTA. Si Jurly Cuyos ay miyembro ng Larangan 1 KP4-Larangan Guerilla North Masbate sa ilalim ng kumand ni Eddie/Arnold Rosero alyas “Star”, ayon sa Masbate Police Provincial Office. Nahaharap…

Read More

Sangkot sa missing sabungeros 3 PULIS LAGUNA SINIBAK

LAGUNA – Sinibak sa pwesto ang tatlong mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Laguna PNP dahil sa umano’y pagkakasangkot sa nawawalang mga sabungero. Tinukoy ng ni PRO CALABARZON Regional Director, Brig. Gen. Antonio Yarra ang tatlong sinibak na mga pulis na sina Patrolman Roy Navarete, Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Police Master Sergeant Michael Claveria na pawang mga kasapi ng Laguna Provincial Intelligence Unit. Itinuro ang nasabing mga pulis ng dalawang testigo sa pagdinig sa Senado hinggil sa pagkawala ni Ricardo “Jonjon” Lasco sa San Pablo City noong Agosto 30, 2021. Iniutos naman ni Yarra…

Read More

P2-M REWARD VS UTAK SA MAYOR SLAY-TRY

QUEZON – Naglaan ng P2 milyong pabuya si Quezon Governor Danilo Suarez para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikalulutas ng dalawang malaking kaso na magkasunod na nangyari sa bayan ng Infanta. Sa official statement na inilahad ni Suarez sa mga mamamahayag, isang milyong pisong pabuya ang ilalaan nito para sa makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo kung sino ang utak sa tangkang pagpatay kay Infanta Mayor Filipina Grace America na pinagbabaril noong Pebrero 27 habang lulan ng kanyang sasakyang Chevrolet Trailblazer pagkalabas nito ng simbahan. Pitong bala ng kalibre .45 baril ang…

Read More

3 KILO NG COCAINE NALAMBAT SA DAGAT

TATLONG kilo ng hinihinalang cocaine ang na-recover ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police matapos madiskubree ang mga paketeng palutang-lutang sa karagatang sakop ng Cagayan. Batay sa ulat na ibinahagi ni PDEA Information Office chief, Director Derrick Carreon, nagresponde ang mga operatiba ng PDEA Region 2 katuwang ang mga tauhan ng PNP hinggil sa ulat mula sa mga mangingisda sa lugar na may mga kahina-hinalang bagay na lumulutang sa bahagi ng Abulug at Ballesteros. Agad nagresponde ang mga awtoridad at nadiskubre ang tatlong kilo ng hinihilang cocaine…

Read More

13 pang public schools nakiisa F2F CLASSES BALIK NA SA LUCENA

UMABOT sa 13 pang mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Lucena City ang nagsimula na sa pagsasagawa ng face to face classes nitong Lunes, Marso 21. Ito ay ayon sa inilabas na direktiba ni Lucena Division of City School Superintendent, Dr. Hermogenes M. Panganiban. Kabilang sa mga public school na sasabak sa face to face ay ang Dalahican Elementary School, Gulang Gulang National High School -Domoit extension, Lucena East 9 ES, Mayao Parada ES, Lucena North 2 ES, Mayao Crossing ES, Isabang ES, Isabang ES Bocohan Annex, Lucena East…

Read More

Dehado sa suntukan BARKER, PATAY SA SAKSAK NG LASING

CAVITE – Patay ang isang barker makaraang pagsasaksakin ng isang lasing sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Jason Mangansakan y Baludo ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga saksak sa katawan. Arestado naman ang suspek na si Jonel Jaime y Garde, alyas “Erap”, 23, isang construction worker. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor City Police, bago ang pananaksak, nagkita ang dalawa sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite dakong alas-6:35 ng…

Read More