UMABOT sa 6.7 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Antipolo at Bulacan. Ayon sa ulat, isang drug suspect ang nahulihan ng 1.7 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P212,500 batay sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board (DDB), sa ikinasang buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Antipolo City. Kinilala ni PDEG Director, P/BGen. Randy Peralta ang naaresto na si Jheremy Manakil Javier alyas “David”,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PHIL. ARMY 4ID NALAGASAN NG BAYANING SUNDALO
DALAWANG araw bago ipagdiwang ng Philippine Army ang kanilang ika-125 founding anniversary na may Temang: “Philippine Army @ 125: Kapayapaan Para Sa Lahat,” isang bayaning tauhan ng 4th Infantry Division ang nagbuwis ng buhay nang lumaban nang sabayan sa mga miyembro ng CPP-New People’s Army na tumambang sa kanila. Ayon kay Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner, “Today, the 4th Infantry (Diamond) Division mourns the loss of another soldier hero who paid the ultimate sacrifice of dedicating his life in service to the country and protection of the people.” Sa…
Read MoreLOVE TRIANGLE SINISILIP SA PAMAMASLANG SA ARABO
BUTUAN CITY – Hawak na ng mga pulis ang dalawa sa sinasabing tatlong suspek na nagnakaw at pumatay sa isang Saudi Arabian national sa lungsod na ito, nitong nakalipas na Linggo. Ayon kay PNP Police Regional office 13 Director, Police Brig. General Romeo M. Caramat, sa mabilis na pagresponde ng Butuan City Police Station ay nadakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Edward Lauron Auman, 37, at Emiliano Demit Bati-On, Jr., 23, kapwa mga residente ng Barangay San Vicente, Naaresto ng pulisya noong Linggo ang dalawa sa tatlong suspek na…
Read More18-ANYOS PATAY SA HAZING
LAGUNA – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 18-anyos na estudyante makaraang sumailalim sa hazing, sa bayan ng Kalayaan sa lalawigang ito. Kinilala ang biktima sa pangalang Reymarc Rabutazo ng Barangay Longos ng nasabing bayan. Ayon sa imbestigasyon, hindi kinaya ng biktima ang hazing na bahagi ng initiation rites para sa mga nagnanais maging miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity. Bagamat naisugod pa sa General Cailles Hospital sa Pakil, Laguna, idineklara namang dead on arrival ang biktimang ayon sa mga kasamahan ay nalunod lang sa ilog. Subalit sa…
Read More15 KINASUHAN SA PAGKAWALA NG MGA SABUNGERO
IPINAGHARAP na ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang 15 katao, kabilang ang anim na hindi pa binanggit ang mga pangalan dahil sa pagkakasangkot sa pagkawala ng 34 sabungero. Ilan sa mga kinasuhan ay kinilalang sina Julie Patigonan, alyas “Dondon”; Mark Carlo Zabala; Virgilio Bayog; Roberto Milano Jr.; Jonas Alingasa; Johnny Consolacion; Herolden Alonto; Gler Cudilla at anim na iba pa. Ang mga ito ay staff umano ng Manila Arena sa Parañaque, City. Naghain ng reklamo sa Department of Justice ang mga kaanak ng mga sabungero matapos na isa…
Read More17 FRONTLINERS PARARANGALAN SA CALOOCAN
MULING ipagbubunyi ang Frontliners Day sa lungsod ng Caloocan bilang pagkilala sa kabayanihan ng lahat ng essential workers na buong tapang na sinuong ang panganib ng pandemya magampanan lamang ang kanilang tungkulin para sa bayan. Ngayong Lunes sa flag ceremony sa Caloocan City Hall ay nakatakdang parangalan ang mga natatanging frontliner para sa taong ito, kaugnay ng selebrasyon ng Frontliners’ Day sa lungsod. Ito’y pangungunahan nina Mayor Oca Malapitan at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan. Pangalawang taon nang ipinagdiriwang tuwing March 15 ang Frontliners Day mula sa pinagtibay…
Read MoreMEDICAL MISSION IDINAOS SA GAWAD KALINGA
MASAYANG sinalubong ng mga residente ng Bahay Kalinga sa Baseco Compound, Port Area, Manila, nitong Sabado ng umaga ang grupo ni Partido Federal ng Pilipinas mayoral bet Atty. Alex Lopez. Kasama ni Lopez ang runningmate na si Raymond Bagatsing at mga staff sa isinagawang medical mission dakong alas-8 ng umaga. Ang aktibidad ay inorganisa nina Anna Payawal, chairperson of Life UK, Jaybee Gayoso ng Tingog Party-list, Home Lab, at APL Go. Kabilang sa libreng serbisyong ipinagkaloob ng grupo ni Lopez, na kaalyado nina presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr. at tandem…
Read More3 CPP-NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MISAMIS ORIENTAL
TATLONG sinasabing mga miyembro ng communist terrorist group ang napatay ng militar sa sagupaan sa Claveria, Misamis Oriental, nitong Linggo, ayon sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army. Sa report ng Army 402nd Brigade, habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang kanilang mga tauhan sa Sitio Solana, Barangay Plaridel, Claveria, nang masabat nila ang isang pulutong ng communist New People’s Army. Agad itong nauwi sa palitan ng putok na ikinamatay ng tatlong NPA na kabilang sa Weakened Guerilla Front (WGF) Huawei, Sub-Regional Command (SRC)1, North Central Mindanao Regional…
Read More‘Cain at Abel’ KUYA PATAY SA TAGA NI BUNSO
MISTULANG ‘Abel at Cain’ ng kontrobersyal na biblical parricide case ang nangyari nang patayin ng isang lalaki ang kanyang kuya sa bayan ng Anilao, sa lalawigan ng Iloilo, ayon sa ulat ng pulisya. Ayon sa Anilao Municipal Police Station, agad namatay ang isang lalaki matapos tagain sa leeg ng kanyang nakababatang kapatid Para sa kapakanan ng pamilya, hindi na inilantad ng pangalan ng 41-anyos na lalaking umano’y pinatay ng kanyang nakababatang kapatid. Nabatid sa imbestigasyon, nag-iinuman sa tindahan ang suspek at ang isang ang kaibigan nito nang biglang dumating ang biktima…
Read More