TAGA ISINUKLI SA PAYO

SA halip na pasasalamat, itak ang isinukli ng kapitbahay na pinayuhan lamang na kalingain ang nanghihinang lola, sa bayan ng Mendez sa lalawigan ng Cavite. Suwerte namang hindi napuruhan ang biktimang kinilalang si Joel Mariño, 48-anyos at residente ng Barangay Panungayan 1 ng nasabing bayan, Kwento ng biktimang nananatili pa rin sa pagamutan, nakaupo umano siya sa balkonahe ng kanyang tahanan nang dumating ang suspek na si Mario Montaño na walang sabi-sabing hinalibas siya ng hawak nitong itak. Sa imbestigasyon, lumalabas na nauwi sa pagtalo ang ginawang pagpapayo ni Mariño…

Read More

PDU30 WALA NANG TALK TO THE PEOPLE

SINABI ng Malakanyang na hindi na mapapanood pa ang regular na public address o Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng gabi. Dito personal na iniuulat ng Punong Ehekutibo ang kanyang mga aktibidad habang nagbibigay rin ng direktiba sa ilan niyang mga gabinete. Hunyo 6 nang huling humarap si Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People kasama sina DILG sec Eduardo Año, DOH Secretary Francisco Duque, NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr at NDRRMC Executive Dir Ricardo Jalad.…

Read More

Tagahakot ng raliyista sa Maynila HIGH RANKING CTG OFFICIAL, TIMBOG

LAGUNA – Isa na namang high-ranking official ng Communist Terrorist Group (CTG) New People’s Army ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Brgy. Burgos, sa bayan ng Pakil sa lalawigang ito, noong Sabado. Kinilala ang arestado na si Vertudes  Macapanpan y Gonzales alyas “Lola Kits Tyan”, kabilang sa Southern Tagalog Regional Party Committee. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arnelo C. Mesa ng Regional Trial Court, Branch 65 ng Infanta, Quezon noong Mayo 23, 2008…

Read More

BAHAY INULAN NG BALA, 2 PATAY

patay

COTABATO CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang dalawang lalaki habang anim na iba pa ang malubhang nasugatan nang paulanan ng bala ang kanilang bahay sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office, ang mga napatay ay kinilalang sina Ato Malindatu at isang alyas “Mugia”. Sugatan naman sina Amar Piang, Nando Malindatu, Datu Nilan Agar, Datu Norman Pasawilan, Mohaymim Ali at Datu Ali Balabaran, pawang mga residente ng Barangay Kalanganan 2, Cotabato City. Lumitaw  sa imbestigasyon ng Cotabato City PNP, bandang…

Read More

Roro vessel sa Real port tumagilid 3 TRUCK, VAN NAHULOG SA DAGAT

QUEZON – Nalubog sa tubig ang tatlong dump truck at isang van matapos na ang RORO vessel na pinagsakyan sa mga ito ay tumagilid sa Real Port sa Brgy. Ungos, sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Ayon sa ulat, patungo sa isla ng Polillo ang RORO mula sa Real nang mangyari ang insidente. Batay sa report ng Real Police, nasa Real Port pa ang LCT Balesin Cargo Vessel na pag-aari ng Alphaland Balesin Island Club Incorporated at nasa proseso pa ng pagsasakay ng rolling cargoes, nang mapansin…

Read More

LADY RIDER PATAY SA NATUMBANG POSTE

CAVITE – Patay ang isang 29-anyos na babaeng rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang nakabalagbag na natumbang kongretong poste ng telecom company sa Dasmariñas City nitong Linggo ng madaling araw. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Karen Ivy Marques ng Golden City, Brgy. Salawag, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Apolonio De Narte ng Dasmariñas City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang 233DDC at binabagtas ang kahabaan ng Molino-Paliparan Road sakop ng…

Read More

Sa muling pag-aalburoto ng Bulusan 4 BAYAN NATAKPAN NG ASHFALL

MADALING araw nitong Linggo ay muling nataranta ang maraming residente sa ilang bayan nang muling sumabog ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon, na ayon sa mga awtoridad ay mas malakas kompara sa pagputok nito noong nakaraang linggo kaya nagkaroon muli ng paglilikas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-3:37 ng madaling araw nang muling magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan, na tumagal ng 18 minuto. “Base sa earthquake signal, kasi may mga signal ‘yung mga eruptions, mas malakas… ngayon itong kaninang madaling araw (kahapon),” sabi ni Phivolcs Director…

Read More

ART CAPITAL DRUG-FREE NA – DILG, PDEA

ANGONO, Rizal – Tuluyan nang idineklarang drug-free ang baybaying lokalidad na higit na kilala bilang Art Capital of the Philippines, ayon mismo sa Calabarzon Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Operation at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Acting Mayor Gerardo Calderon na wala pa rin puwang ang pagdiriwang lalo pa’t higit na mahirap ang pagpapanatili sa loob ng naturang estado. Kasabay nito, hinimok niya ang lokal na pulisya na ipagpatuloy ang kampanya laban sa paggamit at kalakalan ng ipinagbabawal na gamot. Hinikayat din niya ang…

Read More

3 bayan na apektado MT. BULUSAN POSIBLENG MULING PUMUTOK

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na posible umanong muling pumutok ang Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa patuloy na nakikitang abnormalidad nito. Ayon sa Phivolcs, nakapagtala sila ng mas maraming seismic activity nitong nakalipas na magdamag mula alas-5:00 ng umaga kamakalawa. Sinasabing nakapagtala ang Bulusan Volcano network ng 45 volcanic earthquakes, kabilang ang dalawang two low-frequency volcanic tremors. “Most of these were weak and shallow events, but may indicate that a phreatic eruption could possibly occur within the next few hours,” pahayag pa ng…

Read More