Sa pagkamatay ng empleyado KOMPANYA SA C. VISAYAS SINUSPINDE NG DOLE

patay

NAGPALABAS ang Department of Labor and Employment- Central Visayas Pro-7  ng temporary work stoppage order laban sa kumpanya ng pagkain at inumin (food and beverages) sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizing machine. Ayon kay Marites Mercado, hepe ng Tri-City Field Office ng DOLE-7, nagpalabas ng work stoppage order laban sa Universal Robina Corp. (URC) noong Lunes, Hunyo 6, dahil paglabag sa safety protocols para sa kanilang mga manggagawa na nagresulta sa pagkamatay ng isang Stephen Corilla noong Hunyo 2. Namatay si Corilla makaraang mahigop sa pulverizing machine…

Read More

P49-M SHABU, NASABAT SA 13 TULAK SA CAVITE

CAVITE – Mahigit P49 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong 13 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operations sa Dasmariñas City at Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles. Sa buy-bust operation sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, kinilala ang mga arestado na sina Sandro Llanos Toledo 35, at Cecille Pilar Pakingan, 40; habang sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City ay kinilala ang mga arestado na sina Said A. Ungpe, 39, at Ali D. Masinger, 22; sa Brgy. Maliksi 3, Bacoor City kinilala ang…

Read More

SERYE NG BOMBINGS SA MINDANAO, BINUBUSISI NG NBI

MASUSING iniimbestigahan ng ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nangyaring sunod-sunod na pambobomba sa Yellow Bus Line, Inc. (YBLI), Mindanao Star Bus, at Rural Tours sa Mindanao. Lumitaw sa inisyal na ulat na nakarating kay NBI Director Eric Distor, extortion at pananakot ang motibo ng mga terorista sa anim na bombing attacks sa bus lines sa nagdaang dalawang taon. Kaugnay nito, nananawagan si Distor sa mga regional director at opisyal ng NBI na makibahagi sa nasabing imbestigasyon. Nagsimula ang serye ng pambobomba noong Enero 7, 2021 sa YBLI Office sa…

Read More

2 HVIs NALAMBAT SA BUY-BUST

CAVITE – Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ang arestado at nakumpiskahan ng P178,200 halaga ng umano’y shabu at marijuana sa buy-bust operation sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek na sina Eduardo Baelo, at John Eric Velasquez, kapwa ng Trece Martires City, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva Jr., ng Trece Martires City Police, dakong alas-12:05 madaling araw, nagsagawa ng…

Read More

3 HULI SA ARMAS, DROGA SA RIZAL

RIZAL – Huli ang tatlong umano’y tulak ng droga na nakumpiskahan din ng granada at baril sa anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga nadakip na sina Alex Almujela y Escalona, Michael Viterbo y Gamboa, at Adriel Ballesteros y Andalus, pawang ng Brgy. San Andres ng nabanggit na bayan. Napag-alaman, dakong alas-7:25 ng gabi noong Hunyo 7, nagsagawa ng buy-bust operation ang grupo ni P/Lt. Jackson Aguyen ng…

Read More

3 PATAY SA HUKAY SA MULANAY

patay

QUEZON – Tatlong construction workers ang namatay nang ma-suffocate sa ilalim ng lupa na kanilang hinuhukay sa isang bridge project sa bayan ng Mulanay sa lalawigang ito, noong Lunes. Batay sa report ng Quezon PNP noong Martes, kinilala ang mga namatay na sina Jesus Largo III, 19; Mac Mac Valenzuela, 18, at Sandy Azuelo Basillo, 27, mga residente ng Labo at Paracale, Camarines Norte. Ayon sa imbestigasyon, naghuhukay ng paglalagyan ng poste ng tulay na proyekto ng Philippine Rural Development Project (PRDP), ang pitong manggagawa kasama ang tatlong biktima sa Sitio Sampiro,…

Read More

OBRERO PATAY SA SARILING HUKAY

BATANGAS – Patay ang isang 20-anyos na construction worker makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang drainage canal sa Barangay Marawoy, Lipa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng madaling araw, naghuhukay ang biktima si Jay Vincent Asada, gamit ang pala na umabot sa apat na metro ang lalim, sa tabing kalsada. Sa kasamaang palad, biglang gumuho ang lupa at natabunan ang biktima. (NILOU DEL CARMEN) 272

Read More

ISIS-EAST ASIA SPOKESPERSON NAPATAY NG MILITAR

NAPATAY ng mga tauhan ng Western Mindanao Command Joint Task Force Central ang spokesperson ng Islamic State of Iraq and Syria-East Asia (ISIS-EA) at tumatayong financier ng teroristang grupo sa Pilipinas, kasunod ng isinagawang joint operation sa Maguindanao, kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat na ibinahagi ni AFP WESTMINCOM commander, Lt. Gen. Alfredo del Rosario, isang intelligence driven operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, at military intelligence units sa Crossing Salbo, Barangay Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na nagresulta sa pagkakapatay kay Abdulfatah Omar…

Read More

MAGSASAKA NAG-OBER DA BAKOD, NANGISAY

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na makoryente sa bakod na kinabitan ng live wire ng may-ari ng farm sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Renato de Torres, 48-anyos, residente ng Barangay Sta.  Monica. Batay sa report ng Tagkawayan Police, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng mismong may-ari ng farm na si Renato Lacambra, 63-anyos, retired PNP, at residente ng Brgy. Sto.Niño II, Tagkawayan, na nakabulagta sa loob ng compound ng kanyang farm na alagaan ng manok. Napag-alaman, nilagyan…

Read More