Nakalimutang ilabas ng kapatid 2-ANYOS NATUSTA SA SUNOG

CAVITE – Natusta ang isang 2-anyos na lalaking paslit nang makalimutan siyang ilabas ng kanyang kapatid mula sa nasusunog nilang bahay dahil sa pagkataranta sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktima na si John Lloyd Gonzales ng Brgy. Sabang, Dasmariñas City. Ayon sa salaysay ni Hannah Mae Ponce, 18, kay P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police, natutulog sila ng kanyang dalawang nakababatang kapatid sa kanilang barong-barong sa tabi ng Presaris High School sa Brgy. Sabang, Dasmariñas City nang magising siya na nasusunog ang likurang bahagi ng…

Read More

MOST WANTED SA TONDO NATUNTON SA CAVITE

ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at Cavite PNP ang isang wanted person na matagal nang pinaghahanap ng batas, makaraang matunton sa Cavite City. Kinilala ang suspek na si Randy Dela Cruz y Sunga, 22-anyos, jobless, residente ng Lecheros St., Barangay 61, Tondo, natunton ng mga awtoridad sa lalawigan dahil sa tip mula sa impormante. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD- Special Mayor Reaction Team (SMaRT), bandang alas-3:15 ng hapon noong Biyernes nang isilbi ang arrest warrant laban sa suspek. Pinangunahan…

Read More

13 AREAS SA BULACAN ZERO COVID CASE NA

covid

BULACAN – Patuloy na bumababa ang aktibong kaso ng coronavirus sa lalawigang ito, makaraang maitala ang 50 active cases, isang linggo na ang nakararaan at posibleng mabawasan pa ang mga kaso, ito ay matapos iulat na 12 bayan at isang siyudad ang kumpirmadong zero COVID-19 case na bunga ng epektibong health program ng provincial government sa ilalim ng pamumuno ni re-elect Gov. Daniel R. Fernando. Base sa report ni Felicisima L. Mungcal, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Malolos, naitala ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Bulacan…

Read More

Nagpa-load saka tumakbo MANGGAGANTSO ARESTADO

CAVITE – Arestado ang isang 26-anyos na lalaki makaraang takasan at hindi bayaran ang P20,000 halaga na kanyang ipina-load sa pamamagitan ng Gcash transaction  sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong cyber estafa ang suspek na si Aries Loyola ng Pinagbuhatan, Pasig City dahil sa reklamo ni Shiela Cojuangco, 39, ng Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Armando Perez ng Magallanes Police Station, nagpa-load sa pamamagitan ng Gcash transaction ang suspek sa biktima ng halagang P20,000 sa pangalan ng isang…

Read More

Sa serye ng manhunt operations 10 SANGKOT SA HAZING SA LAGUNA NAKORNER

LAGUNA – Dinampot ng mga awtoridad ang 10 katao na umano’y sangkot sa hazing na ikinamatay ng isang estudyante sa lalawigan. Nadakma ang 10 suspek sa sunod-sunod na manhunt operations na ikinasa ng Kalayaan Municipal Police Station noong Huwebes, Hunyo 2, 2022. Unang naaresto ng Kalayaan Police sa manhunt operation dakong alas-6:45 ng gabi sa kanilang tirahan sa Brgy. San Juan, Kalayaan, ang mga suspek na sina Leo Duco, 20, at Paulo Lacaocao, 23-anyos. Sumunod namang inaresto sa dakong alas-8:00 ng gabi sa Purok 1, Brgy. San Juan ang mga suspek na sina Kevin…

Read More

4 barangay binalot ng ash falls PHREATIC EXPLOSION NG MT. BULUSAN BINABANTAYAN

APAT na barangay sa Irosin, Sorsogon ang nababalutan ng ash fall matapos ang phreatic eruption ng Mt. Bulusan, nitong Linggo ng umaga, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Sinabi ni Irosin, Sorsogon MDRRMO officer Fritzie Michelena, umabot sa 800 pamilya ang apektado ng ash fall sa mga barangay ng Cogon, Bolos, Gulang-Gulang, at Tinampo. “Sa ngayon, apat na barangay ang slightly affected ng phreatic explosion ng Bulkang Bulusan pero sa karatig namang bayan, ‘yun ‘yung medyo madami-dami ang ashfall, diyan sa Juban,” sabi nito. Inihahanda na…

Read More

2 MOST WANTED RAPE SUSPECTS NALAMBAT SA BATANGAS

BATANGAS – Arestado ang dalawang most wanted persons regional level sa isinagawang manhunt operation ng pulisya noong Martes sa mga bayan ng Calaca at San Jose sa lalawigang ito. Ayon sa Calaca Municipal Police Station, huli ang rank no.8 na si Ricardo De La Torre Sr.  alyas “Carding”, 60,  residente ng Brgy. Pantay, Calaca, Batangas, sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Calaca MPS, at personnel ng RMFB4A, dakong alas-3:10 ng hapon sa Sitio Cawong, Brgy. Pantay, Calaca. Si De La Torre ay may kasong rape (RPC Art. 266-A…

Read More

10 INARESTO SA HAZING SA LAGUNA

LAGUNA – Dinampot ng mga awtoridad ang 10 katao na umano’y sangkot sa hazing na ikinamatay ng isang estudyante sa lalawigan. Nadakma ang 10 suspek sa sunod-sunod na manhunt operations na ikinasa ng Kalayaan Municipal Police Station noong Huwebes, Hunyo 2, 2022. Unang naaresto ng Kalayaan Police sa manhunt operation dakong alas-6:45 ng gabi sa kanilang tirahan sa Brgy. San Juan, Kalayaan, ang mga suspek na sina Leo Duco, 20, at Paulo Lacaocao, 23-anyos. Sumunod namang inaresto sa dakong alas-8:00 ng gabi sa Purok 1, Brgy. San Juan ang mga suspek na sina Kevin…

Read More

BATANGAS NAGHIGPIT VS AVIAN FLU

SIMULA ika-1 ng Hunyo ay naghigpit na ang lalawigan ng Batangas sa pagpasok ng mga poultry at non-poultry na mga ibon sa lalawigan bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng Avian influenza. Sa inilabas na Executive Order No. 2 ni Gobernador Hermilando Mandanas, magpapatupad ng 21 araw na temporary ban sa pagpasok sa probinsya ng mga ready to lay (RTL) pullets, hatching eggs, at lahat ng uri ng spent hens, game fowls, ducks, quails, pigeons at iba pang non-poultry na ibon. Ipagbabawal din muna sa loob ng nasabing panahon ang pagpasok…

Read More