KAWANI NG MUNISIPYO PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang isang empleyado ng LGU ng bayan ng Rosario sa lalawigang ito, matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng palengke noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ng Rosario Police ang biktimang si Mark Anthony Grit, 41, residente ng Brgy. Quilib, driver ng Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Ayon sa report, dakong alas-5:20 ng hapon, nakaupo ang biktima sa kanyang nakaparadang motorsiklo sa parking lot ng Rosario Municipal Public Market nang lapitan ito at biglang pagbabarilin ng isa sa mga suspek gamit ang kalibre…

Read More

BARANGAY CAPTAIN NILIKIDA SA CAGAYAN

CAGAYAN – Isang barangay chairman ang nilikida ng riding in tandem sa bayan ng Tuao, Lunes ng umaga. Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Dante Blanza, 61, chairman ng Barangay Santo Tomas sa nasabing bayan. Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Tuao Police Station, papunta sa opisina ng Department of Agriculture sa Tuao West ang punong barangay sakay ng motorsiklo habang angkas ang isang barangay kagawad. Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa kahabaan ng national road sakop ng Barangay Bicok, nang dikitan ng sumusunod na motorsiklo.…

Read More

Sa preemptive military ops sa Maguindanao 2 DAULAH PATAY; LIDER, 16 PA SUGATAN

BUKOD sa dalawang teroristang napatay sa isinagawang preemptive military operation ng mga tauhan ng  Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division sa Sitio Patawali, Barangay Ganta, Datu Salibo, Maguindanao, may 17 pang sugatan kabilang si Daulah Islamiyah   leader  Abu Turaife. Ito ang inihayag kahapon ni BGen. Eduardo Gubat, Acting Division Commander ng 6ID at JTF Central, matapos na  kilalanin ang mga napatay na sina Abdul Patir, miyembro ng BIFF-Karialan Faction at Sadam Salandang na kasapi ng  nasabing grupo sa ilalim ng isang alyas “Robot”. Sinasabing base sa ground information,…

Read More

MAGSASAKA NIRATRAT SA BAHAY, PATAY

QUEZON – Wala nang buhay nang madiskubre ang isang magsasaka na niratrat sa loob ng kanyang bahay ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Guinayangan sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Antonio Macasar, 63, taga Barangay Magallanes. Batay sa report ng Guinayangan Police, dakong alas-10:30 ng noong Martes ng umaga nang matuklasan ng kanyang kapitbahay na si Jayson Orugo ang krimen. Ayon kay Orugo, dakong alas-7:00 noong Lunes ng gabi nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok mula sa bahay ng biktima subalit hindi niya umano ito pinansin. Kinabukasan…

Read More

OBRERO ARESTADO SA KABLE SA LUNCH BOX

CAVITE – Arestado ang isang 34-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng 20 metro na pinagputul-putol na kable ng kuryente na isinilid  sa kanyang lunch box sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Louie Pabelonia Urgino. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Francis Mark Cortez ng Tanza Police Station, papalabas sa gate ng Garden Villas Subd., Brgy. Punta 1, Tanza ang suspek nang inspeksiyunin ng naka-duty na security guard ang dala nitong bag dakong alas-12:45 ng hapon. Napansin ng guwardiya na tila…

Read More

2 LASING NALUNOD SA LAGUNA, QUEZON

DALAWANG lalaking kapwa lasing ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Cavinti, Laguna, at Lucena City. Sa Laguna, nalunod  ang painter na si Nilo Amore, 53, taga Batangas City, matapos na mahulog mula sa sinasakyang kayak habang tumatawid sa lawa sa Brgy. Inao-awan sa bayan ng Cavinti. Galing umano sa inuman ang biktima kasama ang dalawang katrabaho sa construction site, at pauwi na sa kanilang barracks nang mawalan ito ng balanse at mahulog sa tubig dakong alas-9:30 noong Lunes ng gabi. Sinubukan pa itong sagipin ng dalawang kasama at nagrespondeng mga mangingisda…

Read More

8 ERYA SA LAGUNA MAY TOXIC COSMETIC PRODUCTS

WALONG bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna ang nabatid na nagbebenta ng cosmetic products na may toxic mercury na lubhang may masamang idudulot sa balat ng tao. Inalerto ng EcoWaste Coalition si Laguna Gov. Ramil Hernandez hinggil sa mga nilabag na batas sa pagbebenta ng cosmetic products na nagtataglay ng mercury na ginagamit na pampaganda ng mamamayan sa probinsya, upang maprotektahan ang mga ito gayundin ang kalikasan. Sa liham na ipinadala ng zero waste advocacy group kay Hernandez, hinihiling nila na ipatigil o ihinto ang pagbebenta ng whitening products na natagpuan sa walong lugar…

Read More

MINIMUM WAGE SA CAR ITINAAS NA RIN

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pagtataas ng minimum wage sa Cordillera Administrative Region. P50-P60 dagdag-sahod ng mga manggagawa sa rehiyon ang aprubado, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sa inilabas na wage order, ibibigay ng dalawang tranches ang dagdag sahod sa rehiyon. Unang itataas ang sahod ng P30-P40 sa oras na maging epektibo ang kautusan at ang nalalabing P20 sa Enero 1, 2023. Sa oras na maipatupad lahat ito, aakyat ang minimum wage sa rehiyon mula P350 sa Baguio, Tabuk, Benguet sa P400 at…

Read More

PAGHAHASIK NG TERORISMO NG DAWLAH NAPIGILAN

NASAWATA ng militar ang planong paghahasik ng karahasan ng grupo ng Dawlah Islamiyah-Turaife Group na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas “Abu Turaifie”, sa isang komunidad sa Sitio Patawali, Brgy. Ganta, Datu Salibo, Maguindanao nang matiktikan sila ng mga sundalo Ayon kay BGen. Eduardo Gubat, acting commander ng 6ID at JTF Central, natiktikan ng mga tauhan ng pamahalaan ang planong paghahasik ng kaguluhan ng Dawlah Islamiyah-Turaife Group sa mga residente sa nasabing lugar kaya mabilis na nagsagawa ng tactical operation ang mga sundalo na  nauwi sa matinding sagupaan “Our troops from 6th Infantry (Redskin)…

Read More