Sanggol sugatan GINANG, 1 PA NAPATAY NG ‘EX’ BAGO NAG-SUICIDE

LAGUNA – Patay ang isang ginang at isa pang biktima nang pagsasaksakin ng dating live-in partner ng una sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, sumugod sa bahay ng biktimang si Marissa Macunat Espinosa, 52, ang suspek na si Ruben Junneful Goden, sa Brgy. Macabling at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Humantong ito sa pananaksak ng suspek sa dating ka-live in na agad nitong ikinamatay. Tinangka naman ng manugang ni Espinosa na si Carol Bermundo Mamaril, na…

Read More

Sa paglabag sa Bayanihan 1 QUEZON COUNCILOR INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

NASASANGKOT sa panibagong kaso si Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag umano nito sa ilang probisyong nakasaad sa Republic Act 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan to Heal As One Act”. Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II, at inilahad ang mga pagkakataon na nilagay umano ni Yulde sa delikadong sitwasyon  ang mamamayan ng Quezon sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 noong Mayo, 2020. Panimula ng nagrereklamo, nag-post si Yulde ng isang flowchart at tinawag itong “guidelines on the implementation…

Read More

Daulah Islamiya-Maute group target ng militar KUTA NG MGA TERORISTA SA LANAO, BINOMBA

KINUMPIRMA ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., pinuno ng AFP Western Mindanao Command, na naglunsad sila ng isang major military operation sa Barangay Ilalag, bayan ng Maguing sa Lanao del Sur. Ayon sa inisyal na ulat, matapos ang isinagawang air strike ng dalawang Philippine Air Force assets, sinalakay ng ground forces mula sa apat na infantry battalion, ang liblib na bahagi ng nasabing area kahapon ng madaling araw. Base sa inisyal na ulat, may 2 kasapi ng Daulah Islamiya-Maute Group ang napaslang habang isang sundalo ang napatay at apat ang sugatan…

Read More

PAGBABAKUNA SA 1,562 BATA ISINAGAWA SA ILANG MALL SA BULACAN

NASA kabuuang 1,562 batang edad 5-11 ang nabakunahan sa isinagawang nationwide ‘Resbakuna Kids’ sa SM City Baliwag, SM City San Jose Del Monte (SJDM) at SM City Marilao sa lalawigan ng Bulacan. Sinimulan ng SM City Baliwag nitong Lunes ang pilot vaccination activity sa pangunguna at pakikipagtulungan ng health office mula sa local government units (LGU). “Today is a special milestone, especially for the kids of Bulacan. They have an added layer of protection against the virus, and because of that, malling will be happier and a lot safer for…

Read More

PULITIKA SINISILIP SA TANGKANG PAGPATAY SA QUEZON MAYOR – QUEZON PNP CHIEF

INFANTA, Quezon – Pulitika ang isa sa mga tinitingnang motibo sa tangkang pagpaslang kay Mayor Filipina Grace America noong Linggo, ayon sa pinakamataas na opisyal ng pulis sa lalawigan. “Isa ang pulitika sa mga subject ng aming isinasagawang validation sa mga possible motives,” ang pahayag ni Colonel Joel Villanueva, Quezon police chief, sa phone interview nitong Lunes. Ngunit niliwanag ni Villanueva na pinag-aaralan din nila ang iba pang posibleng dahilan sa pamamaril kay America. Sinabi pa ng opisyal ng pulisya na activated na rin ang kanilang “Election Related Incident Validation…

Read More

P1.4-M SHABU NASAMSAM SA 16 TULAK SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa 16 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite dakong alas-5:50 noong Linggo ng gabi sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, na sina Alinader Alikan y Mamocarao, 36; Leo Bacay y Dichosa, 41, at Jamal Imam y Alonto, 30-anyos. Narekober sa mga ito ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360,000. Sa…

Read More

INFANTA MAYOR INAMBUSH PAGLABAS NG SIMBAHAN

church

QUEZON – Sugatan ang mayor ng bayan ng Infanta sa lalawigang ito, matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek habang lulan ng kanyang sasakyan nitong Linggo ng tanghali. Ayon sa inisyal na report ng pulisya, galing sa simbahan ang biktimang si Mayor Filipina Grace America at sakay ng kanyang SUV pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng mga suspek sa hindi kalayuan sa simbahan. Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mayor na agad isinugod sa ospital. Mabilis namang tumakas ang mga suspek. Narekober ng mga…

Read More

120 COUPLES IKINASAL NANG LIBRE SA KASALANG BAYAN SA CSJDM

NASA 120 couples ang nakiisa sa “Kasalang Bayan” sa City of San Jose Del Monte Convention Center sa Barangay Sapang Palay, CSJDM, Bulacan nitong Linggo, Pebrero 27, 2022. Ang naturang kasalan ay pinangasiwaan ni Born Again Christian Rev. Neil Muñoz sa inisyatibo ni Bulacan Governor Daniel Fernando bilang major sponsor o ninong kasama ang mga co-sponsors na sina Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, 4th District Board Members Alex Castro, Jonjon Delos Santos, Councilors Ian Baluyot at Mario Batuigas. Kabilang sa mga bagong ikinasal ang 94-anyos na si Lolo Ponciano…

Read More

Convenience store hinoldap 1 SUGATAN, 1 ARESTADO SA MGA PARAK

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki, arestado ang isa habang pinaghahanap ang isa pang kasamahan na pawang mga suspek sa panghoholdap sa isang convenience store, matapos na nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw. Isinugod sa ospital ang suspek na si Jomel Bayon, 41, ng Gen. Trias City, Cavite dahil sa sugat sa katawan, arestado si Ace caballa Aguilar, 37, ng Dasmariñas City habang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa isa pang kasamahan ng mga ito na mabilis na…

Read More