HINDI lamang mga first timer na overseas Filipino workers (OFWs) ang obligadong ikuha ng insurance ng kanilang recruitment agencies kundi maging ang mga direct-hire, rehire at maging ang mga manggagawa na ipinadala mismo ng gobyerno. Bukod dito, magkakaroon din ng siguradong pondo ang mga OFW na mapapauwi dahil sa pandemya, giyera sa kinaroroonang bansa, civil unrest, natural at man-made calamity kapag naging batas ang House Bill (HB) 10802 overseas Filipino workers’ (OFWs) insurance coverage na pinagtibay sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa botong 180 affirmative at 6 negatives…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
4 KIDNAPER NAPATAY SA ENGKWENTRO
PATAY ang apat na pinaghihinalaang mga kidnapper matapos makasagupa ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group- Visayas Field Unit sa Lapu-Lapu City. Bukod sa pagkakapatay sa mga hindi pa nakikilalang suspek, nasagip ng PNP-AKG ang biktimang Chinese national sa operasyon na ikinasa nitong Lunes ng gabi. Sa ulat na isinumite ng PNP-AKG sa tanggapan ni PNP Officer in charge Lt. Gen Vicente Danao, naglatag ng rescue mission ang mga tauhan ni PBrig. Gen. Rudolph B Dimas kasunod ng ulat na isang dayuhang negosyante ang dinukot sa Barangay Bangkal,…
Read MoreLIPA CITY HALL BINULABOG NG BOMB THREAT
LIPA CITY – Binulabog ng bomb threat ang Lipa City Hall noong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat ng Lipa City Police, bandang alas-10:45 ng umaga nang makatanggap si P/SSgt. Daryl Sarmiento, Tactical Operations Center duty operator, mula sa anonymous texter, ng mensahe na umano’y may tatlong bombang sasabog sa city hall. Sinabi pa ng texter na ano mang oras sa nasabing maghapon ay pasasabugin ang bomba at isang guwardiya umano ang inutusan at binayaran ng P150,000 para gawin ang pagpapasabog. Sinabi rin niyang diretso nang sabihin kay Mayor Eric Africa…
Read More3 SUGATAN SA TWIN EXPLOSION SA BASILAN
BASILAN – Tatlo katao ang iniulat na nasugatan sa nangyaring dalawang magkahiwalay na pagsabog sa Isabela City sa lalawigang ito. Unang naalarma ang mga residente sa unang pagsabog bandang alas-5:45 ng hapon noong Lunes sa isang branch ng Jollibee sa Barangay Isabela City Proper at sinundan ng ikalawang pagsabog bandang alas-6:16 ng gabi sa loob ng D’ Biel bus terminal. Subalit agad na nilinaw ni Maj. Andrew Linao, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, nabatid na ito ay sanhi ng faulty wiring at wala namang nasaktan. Habang ang pagsabog naman sa D’ Biel bus…
Read More2 pang kaanak sugatan MAG-INA PATAY SA SINALPOK NA TINDAHAN
DEAD on arrival sa pagamutan ang isang nanay at ang kanyang sanggol na anak habang dalawa pang kaanak nila ang malubhang nasugatan nang biglang salpukin ng rumaragasang Sport Utility Vehicle ang kanilang tindahan sa Tabuk City, sa lalawigan ng Kalinga. Ayon sa ulat ng Tabuk City PNP, sa lakas ng impact, inabot ng dagliang kamatayan ang 39-anyos na babae at ang kalung-kalong nitong 6 na buwang gulang na sanggol bagama’t nagawa pang maitakbo sa ospital. Habang sugatan ang dalawa nilang kaanak na may edad na 15 at 28, at kasalukuyang…
Read MoreBFP LADY OFFICER, TIKLO SA ENTRAP OPS NG CIDG
NAHAHARAP sa kasong extortion ang isang 29-anyos na lady officer ng Bureau of Fire Protection makaraang madakip sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-REGION-8) sa Marasbaras, Tacloban City. Kinilala ni P/Maj. Glenn Aculana, Assistant Regional Chief, CIDG-8, ang nadakip na si Fire Officer 1 Karla Rodriguez y Bakun, miyembro ng BFP Guiuan Fire Station at nakatira sa Brgy. 2, Taft, Eastern Samar. Habang pormal naman na nagreklamo sa opisyal ang biktimang si Evelyn Patajo Orbita, BFP applicant, sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa ulat, dakong alas-1:30 ng…
Read MoreSALPUKAN SA DAGAT; 7 MISSING, 13 NASAGIP
PATULOY ang paghahanap sa pitong tripulante ng isang Filipino fishing vessel matapos na makasalpukan nila sa gitna ng laot ang isang cargo vessel sa karagatan sakop ng Maracanao Island, Agutaya, Palawan noong Sabado ng hapon, Ayon sa Coast Guard, sangkot sa nangyaring sea vessel collision incident ang Marshall Islands-flagged MV Happy Hiro, isang cargo vessel at ang fishing vessel na FB JOT-18, isang Filipino fishing vessel bandang alas-2:30 ng hapon. Ayon sa ulat, nasa 13 mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard 13 (PCG) katuwang ang isang…
Read MoreMOST WANTED SA RAPE TIMBOG
LAGUNA – Arestado sa manhunt operation ang isang construction worker na kabilang sa most wanted persons (MWPs) dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad. Kinilala ni P/Col. Cecilio R. Ison Jr. ang suspek na si Rodrigo Capiral Matalab, 54-anyos, residente ng Sta. Rosa City, Laguna. Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sta. Rosa City Police Station (CPS) kahapon ng umaga sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 102 at 101 sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa panggagahasa…
Read MoreSNATCHER KINUYOG NG MGA TAMBAY
CAVITE – Hindi nakaporma ang isang 31-anyos na rider nang kuwelyuhan at bitbitin sa police station ng mga tambay matapos na hablutin ang sling bag ng isang babae na nagmamaneho ng kanyang electric motorcycle sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Nahaharap sa kasong theft thru snatching ang suspek na si Christian Pagente ng Alapan 1-A, Imus City dahil sa reklamo ni Maria Claudia Leaban, 33-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Roy Vincent Villanueva ng Imus City Police station, sakay ang biktima ng kanyang electric bicycle habang binabagtas ang…
Read More