ISANG rape suspect na itinuturing na no. 9 most wanted person sa Camarines Norte sa Bicol, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Police Office 5, sa SM North EDSA, Quezon City, ayon sa isinumiteng ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nasakoteng suspek na si John Philip Pado Compuesto, 31, electrician, ng Brgy. Bagong Bayan, Jose Panganiban, Camarines Norte, nakatala bilang no.9 provincial MWP sa PRO5. Sa pangunguna ng PRO5 Regional Special Operation Unit 5 (lead unit), katuwang ang PIT Camarines Norte Regional Intelligence…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MURDER SUSPECT LAGLAG SA PNP-PRO5 RSOU5
LABAS man sa kanilang hurisdiksyon, sinalakay ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C Estomo ang pinagtataguan ng isang murder suspect sa Biñan City, Laguna. “Can’t do, it is only for those who lacks vision,” ani P/BGen. Estomo nang madakip nila ang suspek na si Jose Ely Prongoso Guevarra, 67, residente ng Brgy. Timbao, Biñan City. Ayon sa ulat, bitbit ang mandamiento de aresto na inilabas ni Judge Winston S. Racoma, ng RTC Branch 39, 5th Judicial Region, Daet, Camarines Norte, sa kasong murder na walang nirekomendang piyansa, sinalakay ng mga…
Read MoreDAANG-DAANG BALA NAREKOBER NG PNP BICOL
PATULOY sa paglalatag ng iba’t ibang police operations ang PNP Bicol na nagresulta sa pagkakadiskubre sa daan-daang mga bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril at mga kagamitan sa lalawigan ng Masbate. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa mga mga tauhan ng Dimasalang MPS habang nagsasagawa ng mobile patrol. Nabatid sa concerned citizen, isa umanong kahinahinalang itim na abandonadong bag at helmet ang kanyang nakita sa gilid ng kalsada sa Brgy. G. Alino, Dimasalang,…
Read MoreVAN SWAK SA ILOG 4 PATAY, 8 SUGATAN
APAT ang patay habang walo ang sugatan makaraang mahulog sa ilog ang isang van sa Butuan City. Ayon sa inisyal na ulat ng Butuan City Police Office, nahulog ang isang passenger van sa pampang ng isang ilog sa nasabing siyudad nitong Martes. Nabatid sa imbestigasyon, tinatahak ng puting passenger van na lulan ang 12 katao, ang kahabaan ng national highway nang biglang nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver nito. Bunsod nito, sumalpok ang van sa steel barrier saka nahulog sa pampang ng ilog na ikinamatay ng apat na pasahero…
Read More100 BATA LUMAHOK SA RESBAKUNA KIDS SA CAVITE
LUMAHOK ang 100 batang Bacooreno na nasa edad 5 hanggang 11-anyos sa isinagawang ResBakuna Kids sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) nitong Lunes, Pebrero 7. Ayon sa Department of Health 4-A, babakunahan ang mga bata ng brand na Pfizer na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA). Una nang nagpabakuna ang anak ni 2nd District Representative Strike Revilla na si Chaye, limang taong gulang. Magkakaroon muli ng susunod na Resbakuna Kids sa Miyerkoles, Pebrero 9 sa Sky Ranch, Tagaytay City. (CYRILL QUILO) 254
Read MoreP1-M SHABU NASABAT SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Randy Rodeo y Batcho, 45, may asawa, ng Hermio Compound, Bucal, Tanza Cavite, at Angelito Clamosa y Bayas, 54, may asawa, ng Daang Amaya, Tanza, Cavite Ayon sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng SOU 4A, PNP DEG sa pamumuno ni…
Read More2 BATA, 7 PA PATAY SA LASING NA DRIVER
IPINASISIYASAT ng Cagayan Police Provincial Office kung kapwa lasing ang dalawang Philippine Army reservist na sakay ng isang passenger van na responsable sa pagkamatay ng siyam na katao noong Linggo sa Brgy. San Lorenzo, Lal-lo, lalawigan ng Cagayan. Ayon sa ulat ng Cagayan PNP, lumilitaw na kapwa Army reservist ang mga sakay ng van. Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat, nagmula umano ang van na minamaneho ni Dan Vincent Domingo, reservist ng AFP at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga, sa kampo ng 17th Infantry Battalion sa Bangag, Lal-lo at papuntang…
Read MoreMAYOR INARESTO SA SABUNGAN
ISANG incumbent mayor sa lalawigan ng Romblon ang dinakip ng mga pulis sa loob ng sabungan dahil sa paglabag sa health and safety protocols na ipinatutupad ng IATF o Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Kinilala ang arestado na si incumbent Mayor Jovencio Mayor Jr., ng Ferrol, Romblon. Si Mayor ay inaresto kasama ng 200 iba pa nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PNP-CIDG-Romblon, Ferrol Municipal Police Station at Romblon Police Provincial Mobile Force Company ang isang sabungan sa Barangay Tubigon. Ang alkalde ay sinasabing natiyempuhan…
Read MoreP3-M SHABU NASABAT SA PARKING LOT
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang mga naaresto na sina Joery Villafañe y Sanchez, 37, ng Pasong Camachile, General Trias City, at Ignito Mejares y Meraña, 42, ng #164 Propietarios St., Pasay City. Ayon sa ulat ng Bacoor City Police, alas-3:15 ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PDEA PRO-3, Bulacan PPO, Cavite…
Read More