E-SABONG SA LAGUNA NILOOBAN, P140K TINANGAY

sabong

LAGUNA – Pinasok at ninakawan ng ‘di pa kilalang suspek ang tanggapan ng Pitmaster Online Sabong sa Barangay Masapang, sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng pulisya, alas-12:20 ng madaling araw nang pasaukin ng mga kawatan ang establisimiyento. Batay sa kuha ng CCTV, nakapasok ang suspek mula sa likod sa kaliwang bahagi ng establisimyento bago dumiretso sa payout window kung saan puwersahang binuksan ang safety vault at tinangay ang halagang P140,000. Tinutugis na ng pulisya ang suspek na tumakas patungo sa…

Read More

1/2 KILONG DAMO SILAT SA ANTIPOLO

mariwana

HINDI na pumalag ng isang 24-anyos na binata nang arestuhin ng mga pulis na nabentahan niya mismo ng damo sa lungsod ng Antipolo. Ayon sa ulat ni Rizal Provincial Police Director Dominic Baccay kay Philippine National Police (PNP) Regional Director Antonio Yarra, kinilala ang suspek na si Jotello Robleza. Kumpiskado sa anti-illegal drugs operation na pinangunahan ni Lieutenant Daniel Solano ng Provincial Intelligence Unit, ang hindi bababa sa kalahating kilong high-grade marijuana mula sa pag-iingat ng suspek. Sa tantya ng pulisya, aabot sa P750,000 ang halaga ng nasamsam na drogang…

Read More

P256K SHABU NASABAT NG PDEA

TINATAYANG P256,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) sa dalawang anti-narcotics operation na ikinasa ng mga tauhan ni Director General Wilkins Villanueva sa Quezon City at lalawigan ng Bataan Magkatuwang na nilansag ng Anti-narcotic Operatives ng PDEA RO-NCR Manila District Office (MDO), sa koordinasyon ng MPD PS-6, ang isang drug den sa Brgy. 900, Punta, Sta. Ana, matapos ang ikinasang buy-bust operation. Batay sa report ng mga operatiba kay DG Villanueva, kinilala ang mga nadakip na drug personalities na sina Edwardo Nicanor y Tabadero…

Read More

OUTREACH PROGRAM IKINASA NG PNP-PRO5

MULING ipinamalas ng Police Regional Office 5 ang pagdamay at pagbibigay ng serbisyo sa bawat Bicolano nang walang pinipiling lugar at limitasyon. Isang patotoo rito ang isinagawang “outreach program” ng mga tauhan ng Vinzons MPS ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), sa pangunguna ni P/Maj. Eva O. Guiruela, chief of police, sa direktang superbisyon ni P/Col. Julius D. Guadamor, Provincial Director, sa Brgy. Mangcawayan, Vinzons, Camarines Norte. Hindi alintana ang layo ng lugar at pagod, binaybay ng mga pulis ang lugar upang magbigay ng tulong sa mahigit 200 na…

Read More

Live-in partner sumama sa iba LEEG IKINADENA NG MANGINGISDA

LUCENA CITY – Nagbigti sa kadena ang isang mangingisda sa kanyang bahay matapos mabatid na sumama sa ibang lalaki ang kanyang live-in partner. Bandang alas-4:20 noong Martes ng hapon nang madiskubre ng pamangkin na nakabigti ang biktimang kinilalang si Rossel Perez, 34-anyos, sa bahay nito sa Barangay Barra. Gumamit ang biktima ng kadena ng aso na ikinabit sa kanyang leeg at itinali sa kisame ng bahay. Batay sa report, bandang tanghali ay nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan at kaanak at pagkaraan ay nagpaalam para umuwi upang aniya ay…

Read More

RAPE SUSPECT SA MIMAROPA NATUNTON SA CAVITE

SA Cavite natunton ang isang 37-anyos na lalaking tinaguriang most wanted person, ranked 20 regional level sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA) at naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) ng lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Paul Jerico Lopez y Moran, isang helper sa bakery sa GMA, Cavite. Ayon sa ulat ng GMA Police Station, nakipag-ugnayan ang Regional Intelligence Unit, PRO4B, Cajidiocan MPS, Romblon sa Cavite PIU at GMA Police Station nang nakatanggap ng ulat na ang…

Read More

Kaya suportado ng mga negosyante at residente ng BoracayMAY PAG-ASA SA MARCOS PRESIDENCY

boracay

BORACAY ISLAND, Aklan — Nakakita ng pag-asa kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga negosyante at residente ng kilalang tourist destination na ito na matinding naapektuhan ng pandemya. Kaya naman nananawagan sila kay Marcos Jr. na pagtuunan ng pansin ang muling pagbangon ng turismo sa kanilang lugar kapag nanalo ito sa darating na halalan sa Mayo 2022. Kilala sa pino at mala-gatas na buhangin at kulay asul na tubig, ang Boracay ang itinuturing na nangungunang tourist spot sa bansa at kilala ring malaki ang ambag sa ekonomiya. Bago…

Read More

BANKO NILOOBAN, P700K NATANGAY

pera

LAGUNA – Tinatayang mahigit P700,000 cash ang natangay ng lima kataong nanloob sa isang banko sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, Martes ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng Rural Bank of Lumban Incorporated – Pagsanjan branch ang nasabing pagnanakaw. Base sa kuha ng CCTV, limang suspek, kabilang ang dalawang babae, ang nakitang nagnakaw sa banko dakong alas-11:25 noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga ito na sina Esperanza Abe Aaliwin, Maris Dorado Castillo, Jules Kristoffer Javan Lopecillo, Warren Martinez Macale, at isa pang…

Read More

NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA PNP-PRO5, PHIL. ARMY

DETERMINADONG ipanalo ang kampanya laban sa insurhensya, ang buong pulisya ng PNP Bicol ay patuloy sa paglulunsad ng combat operation upang tugisin ang miyembro ng rebeldeng grupo at buwagin ang walang kabuluhang communist terrorist group. Noong Pebrero 8,2021, dakong alas-5:30 ng umaga, isang kasapi ng CPP-NPA ang napaslang sa Brgy. Magsaysay, Esperanza, Masbate, kasunod ng ikinasang joint operation ng PNP-PRO5 at AFP Southern Luzon Command. Ayon sa report mula, sa Masbate Police Provincial Office, habang nasa kalagitnaan ng operasyon ay nakasagupa ng mga pulis ang ‘di pa malamang bilang ng armadong…

Read More