GIRAY DRUG GROUP MEMBER, LAGLAG SA PNP-PRO5

ARESTADO ang isang baguhang miyembro ng Giray drug group sa inilunsad na anti-narcotics operation ng PNP-Police Regional Office 5 kahapon sa Brgy. Bolo, Matnog, Sorsogon. Ayon sa isinumiteng report ng Sorsogon Police Provincial Office kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Freddie Garel Givero, 49, may asawa at residente ng Brgy. Culasi, Matnog, Sorsogon. Bukod sa pagiging miyembro ng nabanggit na drug group, ang suspek ay kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs sa Bicol. Nakumpiska mula kay Givero ang dalawang pakete ng selyadong…

Read More

Talaan pinasusumite ng DILG MGA ‘DI BAKUNADO SA BARANGAY SUSUYURIN

INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang nasa 42,000 barangay units para sa agarang pagsusumite ng kumpletong talaan ng mga residenteng hindi pa bakunado. Giit ni Undersecretary Jonathan Malaya na tumatayong tagapagsalita ng DILG na pakay ng pamahalaang tukuyin kung sino lamang ang dapat panatilihin sa kani-kanilang mga tahanan kung saan umano planong puntahan ng vaccination team para turukan ng bakuna kontra COVID-19. “Nagpalabas po si Secretary Año ng memorandum circular para magsagawa ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman ‘yung hindi pa nagpapabakuna sa…

Read More

Solon humirit ng panibagong massive vaccination HIGIT 80% COVID-19 VACCINATION RATE, NAKAMIT NG SJDM

INIHAYAG ni San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida “Rida” P. Robes na nakamit ng lungsod ang 82.89% target na populasyon na mabakunahan matapos ang malawakang pagbabakuna at paghahatid ng kaalaman sa publiko na ipinatutupad ng lungsod mula pa ng nagdaang taon. Inihayag ito ng mambabatas makaraang hilingin niya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magsagawang muli ng panibagong malawakang pagbabakuna upang matugunan ang sobrang paglaki ng kaso ng COVID-19. “We need to have another massive vaccination drive like what we had…

Read More

PASSENGER BUS PINASABUGAN, 1 PATAY, 6 SUGATAN

PATAY ang isang 5-anyos na paslit habang anim ang sugatan makaraang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang isang passenger bus sa Barangay San Mateo, bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon ng umaga. Ayon kay Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, spokesman ng 6th Infantry Division, kinilala ang namatay na si Benjamin Solaiman, 5-anyos, unang iniulat na nasa kritikal na kondisyon. Habang ang anim pang sugatan na itinakbo sa iba’t ibang pagamutan ay kinilalang sina Haron Solaiman, 24; Masid Piang 25; Yushira Solaiman, 3; Rodolfo Castillo 67; Haira Solaiman, limang buwan…

Read More

45 DPWH employees, 40 iba pa sa Pandi, positibo rin 5 BULACAN RTC COURTS NI-LOCKDOWN

LIMANG branch office ng Regional Trial Court sa Malolos, Bulacan ang isinailalim sa lockdown matapos mahawa ang staff members nito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nasa 45 na kawani ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpositibo rin sa nasabing virus. Base sa ipinalabas na order ni 2nd Vice Executive Judge Corazon Domingo-Ranola ng Bulacan Regional Trial Court sa Malolos City sa pakikipag-ugnayan kay Hon. Raul Villanueva, Deputy Court Administrator for Luzon/ OIC Court Administrator, ang mga tanggapan ng RTC Branch…

Read More

Sa Tanza, Cavite UNVACCINATED BAWAL SA PALENGKE

CAVITE – Ipinag-utos ng lokal na pamahalaang bayan ng Tanza sa lalawigang ito na hindi papayagang mamalengke ang sino mang hindi bakunado. Sa inilabas na Memorandum Order No. 01 series of 2022 ni Tanza Municipal Mayor Yuri Pacumio, pagbabawalan ang sino man na pumasok sa Tanza Public Market na hindi bakunado at kinakailangan dalhin ang vaccination card ng mga bakunado. “The market administration ordered to strictly implement ‘no vaccination card, no entry’ policy,” nakasaad sa memorandum order. Ito ay upang mapigilan umano ang hawaan ng virus. Sarado ang nasabing public market tuwing…

Read More

GUNMAN SA FISCAL SLAY, SILAT SA PAGPUGA

CAVITE – Muntikan pang mawalan ng saysay ang pagkakadakip sa suspek sa pagpaslang sa assistant fiscal ng Trece Martires City nang magtangka itong pumuga habang nakadetine sa Custodial Center sa Imus City noong Lunes ng umaga. Si Marvin Linaban y Tagayon, 44, binata, ng Brgy. H2, Dasmariñas City, Cavite, umano’y hitman sa pagpatay kay Fiscal Edilberto Mendoza, 48, ay nakapuslit sa pagbabantay nina Corporal Lynard Pareja at Pat. Dexter Tapawan, duty jail officers, dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng PDEU Office sa Camp Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat…

Read More

NPA MEMBER NAPATAY NG PNP-PRO5

SA pagsisimula ng bagong taon, bitbit pa rin ng Police Regional Office 5 ang matinding pagnanais na buwagin at bigyan ng tuldok ang karahasang dulot ng New People’s Army (NPA). Patunay rito ang matagumpay na combat operation ng mga kawani ng Catanduanes Police Provincial Office (CPPO) noong ika-9 ng Enero 2022. Ayon sa report ng CPPO, dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. Hinipaan, Bagamanoc, Catanduanes nang mangyari ang engkwentro sa pagitan ng pinagsamang pwersa ng pulisya at militar laban sa tinatayang sampung miyembro ng rebeldeng grupo. Ito ay nagresulta sa…

Read More

Jobless pinagbabaril MATAGAL NANG ALITAN TINAPOS NG DRIVER

PATAY ang isang 22-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng dati nitong kaalitan matapos abangan sa isang eskinita sa Bacoor City, Cavite noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gilbert Villantes Jr., binata, walang trabaho, ng Malipay 3, Molino IV, Bacoor City, Cavite habang pinaghahanap ng pulisya ang inginusong suspek na si Rule Endang, alyas Bor, nasa hustong edad, isang driver, ng Sitio Tabing Ilog, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes Jr., ng Bacoor City…

Read More