ACTIVE COVID CASES SA CALABARZON, SUMADSAD SA 1K

CALAMBA CITY – Pababa nang pababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Calabarzon kung saan naitala lamang ang 917 na bilang, ayon sa inilabas na bagong tala ng Department of Health CHD 4-A noong Lunes. Ayon sa ulat, nasa 190 na lamang ang bagong kaso ng coronavirus habang nakapagtala ng 215 na mga gumaling at 11 katao ang pumanaw. Ang lalawigan ng Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na aktibong kaso na pumalo sa 266, sumunod ang Rizal na may 167; Quezon, 157; Batangas, 154; Laguna, 129, at Lucena City na…

Read More

P13-M SHABU NASAMSAM SA 3 DRUG DEALERS

UMABOT sa P13 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at 4th Marine Brigade ng Philippine Navy sa lalawigan ng Sulu. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong itinuturing na mga bigtime drug dealer na nasakote sa inilatag na joint buy-bust operation. Kinilala ang mga nadakip na sina Ilahan Yahya, 48; Murida Ahajan, at Elwina Unaid, 24, pawang mga residente ng Indanan, Sulu. Una rito, nagsagawa ng intelligence operation ang…

Read More

Sa harap ng barangay hall TRADER, KASAMA SAPUL SA BALA

QUEZON – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kasama nito matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Sariaya, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang napatay na si Ruperto Mabuna Labrague, 42-anyos, habang sugatan naman si Renante Aguila Tisbe, 44, parehong residente ng Barangay Bignay. Batay sa report ng Sariaya Police, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo na minamaneho ni Labrague at tinatahak ang barangay road patungo sa bahay ni Tisbe. Ngunit pagsapit sa madilim na bahagi sa harap ng barangay hall, ay pinaulanan ang mga ito ng…

Read More

Patayan na 2 MAYOR SA ZAMBOANGA INAMBUSH

(JESSE KABEL) PATAY sa pananambang ang isang alkalde at drayber nito, habang sugatan naman ang isa pang mayor na kasama nila nang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek sa Baliwasan Seaside sa Zamboanga City kahapon ng umaga. Hindi umabot pang buhay sa pagamutan si Mayor Darussalam Lajid ng bayan ng Al-Barka, Basilan habang kritikal naman si Mayor Alih Awal Sali ng bayan ng Akbar sa Basilan. Patay rin sa insidente ang pinsan ni Mayor Sali na si Barad Nuruddin na nagmamaneho ng sasakyang tinambangan bandang alas-8:30 ng umaga sa…

Read More

P230K NATANGAY NG BASAG-KOTSE

NAGPALABAS ng isang malawakang babala ang Cavite provincial police kaugnay ng magkahiwalay na pagsalakay ng isang grupong pinaniniwalaang nasa likod ng pagnanakaw ng mga kagamitan sa loob ng mga sasakyan. Sa tala ng Cavite PNP, hindi bababa sa P230,000 halaga ng mga kagamitan ang natangay ng mga miyembro ng Basag Kotse gang sa bayan ng Silang nito lamang nakaraang Sabado. Kinilala ang mga biktimang sina Glenn Rosales ng Sta. Rosa. Laguna at Kimberly Briones Coloma na mula naman sa Lipa City sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,…

Read More

KONSEHAL SAPUL SA TANDEM

SA pagtatapos ng himig ng pambansang awit, muntik na ring matapos ang buhay ng isang konsehal makaraang puntiryahin ng riding-in-tandem sa Barangay San Agustin, Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Sa paunang ulat ng pulisya, papasakay na sa kanyang sasakyan si Konsehal Apolonio Medrano pagkatapos dumalo sa flag raising ceremony sa munisipyo, nang paputukan ng hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng humaharurot na motorsiklo. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktimang agad na nilapatan ng lunas. Ayon sa mga saksi, mabilis na tumalilis palayo sa lugar ng insidente…

Read More

DAVAO REGION NIYANIG NG MAGNITUDE 6.1 LINDOL

NIYANIG ng magnitude 6.1 earthquake ang ilang bahagi ng Davao Region kahapon ng umaga, ayon sa ulat na natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa ibinahaging report ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kanilang narehistro ang sentro ng pagyanig sa silangang bahagi ng Sarangani Island (Municipality of Sarangani) sa Davao Occidental bandang alas-7:48 ng umaga kahapon, Unang iniulat na magnitude 6.5 ang naramdamang pagyanig subalit agad din itong ibinaba ng PHIVOLCS. May layo ito na 285 kilometro, lalim na 156 kilometers at “tectonic” ang sinasabing pinagmulan nito.…

Read More

10 ARESTADO SA P2-M DROGA SA CAINTA

RIZAL – Arestado ang 10 katao nang makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng ilegal na droga ng magkasanib na puwersa ng PNP-DEG at Cainta PNP kahapon ng umaga sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, kinilala ang mga arestado na sina Marco Angelo Zarate, 46; Twixx Leyson, 30, call center agent; Angelo Reyes, Dennis Reyes, Christian Evangelista, Victor Dax Jose, 49; Roderick Rendal, Janeth Salasibar, 41; Mary Lou Cruz, at Allan Garol, 51, pawang mga residente ng Rizal. Dakong 6:00 ng umaga noong Disyembre 4 nang madakip…

Read More

ARMS CACHE NG TERROR GROUP NATUNTON

SARI-SARING baril at bala ang nadiskubre ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Central nang matunton nila ang taguan ng mga armas ng hinihinalang lawless elements o terrorist groups sa Sultan Kudarat nitong nakalipas na linggo. Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng Western Mindanao Command, nahukay ng kanyang mga tauhan ang mga sandata na ibinaon sa Sitio Kanalan, Barangay Marquez, Esperanza, matapos na ituro ng concerned residents. Sinabi ni Lt. Gen. Rosario Jr., ang cache ay binubuo ng 34 na 12-gauge shotgun, isang…

Read More