3 PUSHER TIMBOG SA P200K MARIJUANA

RIZAL – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng marijuana sa bayan ng Montalban, sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino B. Pipo Jr., hepe ng Montalban Municipal Police, ang mga nadakip na sina John Paul Añonuevo y Orosa, James Lariosa y Pajagas at Ulama Alonday y Romapa. Nadakip ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa B-43, L-12, P5, Centella Subdivision, Brgy, San Isidro Rodriguez, Rizal dakong alas-10:00 ng gabi noong Disyembre 9, 2021. Ayon sa ulat, naaresto…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PAMPANGA MANIPIS NA

KAKAUNTI na lamang ang naitatalang kaso ng COVID-19 simula nitong Disyembre 3 sa halos lahat ng bayan sa lalawigan ng Pampanga. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Pampanga Provincial Health Officer Dr. Zenon Ponce, na sa nasabing petsa, isang tao lamang ang nahawa ng virus sa San Fernando City, habang zero o wala naman silang naitalang kaso noong Disyembre 5, sa buong Pampanga. Pagsapit ng Disyembre 6, nagkaroon aniya ng isang kaso sa Guagua at isa rin noong Disyembre 7, sa bayan ng San Luis. Samantalang noong Disyembre 8 ay…

Read More

5 TULAK TIMBOG SA ANGONO

RIZAL – Arestado ang lima katao nang bentahan ng ilegal na droga ang isa sa mga operatiba noong Huwebes ng gabi sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Ronnie Barrera, alyas “Macmac; Jeffrey Quibra, Domingo Garate, Alymark Brillo, at Gabriel Barrera, pawang nasa hustong gulang. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng grupo ni P/Lt. Herald Medrano ang buy-bust operation laban kina alyas Macmac at Quibra sa Del Rosario Street. Nagresulta sa ito…

Read More

1,254 mga armas nasamsam PNP-PRO5 AGRESIBO KONTRA LOOSE FIREARMS

TULOY-TULOY ang pag-iskor ng Police Regional Office 5 sa kanilang pinaigting na kampanya kontra loose firearms. Kasunod nito ay 1,254 sari-saring undocumented small firearms at light weapons ang nasamsam simula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief and spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, bunga ito ng malawakang pagsisikap ng mga miyembro ng PRO5 sa pangunguna ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, na hulihin ang mga sangkot sa talamak na paggamit at pagbebenta ng mga ilegal na baril. Sa kabuuan, 1,423 na operasyon ang…

Read More

11 BAYAN SA LAGUNA, COVID-FREE NA

LAGUNA – Pumalo na sa 11 bayan ang naitalang COVID-free sa lalawigang ito, ayon sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Huwebes. Nabatid sa ulat, wala nang kaso ng COVID-19 sa mga bayan Alaminos, Majayjay, Lumban, Victoria, Liliw, Pangil, Mabitac, Paete, Luisiana, Rizal at Magdalena. Habang sumadsad pa sa bilang na 106 ang aktibong kaso sa lalawigan kung saan naitala ang lungsod ng Calamba na may 36 active cases, sunod ang San Pedro, 13; Sta. Rosa, 7; San Pablo. 8; Biñan, 7; Cabuyao at Sta. Cruz,…

Read More

Nagpahangin sa labas GINANG NASAPUL NG BALA NG GANGSTERS

CAVITE – Sa kamatayan nauwi ang pagpapahangin sa labas ng isang 48-anyos na negosyanteng ginang nang tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang grupo ng gang na nagka-engkwentro sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Isinugod pa sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si Rebecca Fuentes y Balancar, taga Dasmariñas City ngunit idineklarang dead on arrival. Itinuro namang mga suspek sina Kevin Arguelles Acsaba, alyas Onyok at alyas Gerald, kapwa ng Brgy. Paliparan 3 ng nasabi ring lungsod. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Elmo Caboboy ng Dasmariñas City…

Read More

84-ANYOS NA LOLO, ITINUMBA NG ARMADO

QUEZON – Hindi inalintana ng masasamang loob ang katandaan ng isang lolo na pinagbabaril ng mga ito sa loob ng bahay sa bayan ng Gen. Nakar, noong Lunes ng hapon. Patay na nang madatnan ng mga pulis ang 84-anyos na biktima na nakabulagta sa salas ng kanyang bahay sa Barangay Batangan dahil sa mga tama ng bala sa dibdib. Kinilala ang biktimang si Solomon Martinez Zamora, walang trabaho at residente ng Sitio Rosal, sa Bayan ng General Nakar. Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon nang pasukin ito ng tatlong armadong…

Read More

WANTED SA CAMNORTE, LAGLAG SA PNP-PRO5

HINDI na nakapalag ang isang lalaki nang dakpin ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5 dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa Camarines Norte. Kinilala ang nadakip sa isinagawang manhunt operation ng mga kawani ng Camarines Norte Police Provincial Office, na si Blandino Borjal y Anoñuevo na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte noong Nobyembre 12, 2021. Si Borjal ay isang negosyante at residente ng Purok-9, Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines…

Read More

3 TULAK LAGLAG SA PNP-PRO5

TATLONG kalalakihang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa siyudad ng Naga ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operations ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo katuwang ang PDEA RO5. Ayon sa isinumiteng report ng Naga City Police Office kay Bicol PNP chief, Gen. Estomo, unang nadakip sa ikinasang buy-bust operation si Rafael Pabilona Martinez, 28, residente ng Zone 7, San Rafael, Cararayan. Pagsapit ng 6:50 ng gabi, arestado rin ang isang tricycle driver na si Edgardo Manago Reyes, 42, ng Zone 6,…

Read More