3 NPA SUMUKO SA LAGUNA

LAGUNA – Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang tatlo kataong tagasuporta ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army, sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng General Nakar. Nagbalik-loob sa gobyerno si alyas “Leah” at dalawang kasama dala ang kanilang mga armas at pampasabog tulad ng M14 rifle, shotgun, apat na Anti-Personnel Mines (APM), 4 granada at mga bala. Ayon kay Colonel Cerilo C. Balaoro Jr., commander ng 202nd (Unifier) Brigade, naging dahilan ng pagsuko ng mga rebelde ang magkaroon ng mapayapang pamumuhay at mapasali rin sa mga…

Read More

1 RIDER PATAY, 1 KRITIKAL SA SELF-ROAD ACCIDENT

LAGUNA – Isang motorcycle rider ang patay habang comatose ang isa pa dahil sa ‘self-road accident’ sa San Pablo City, Laguna at Rosario, Batangas noong Lunes ng gabi at Martes ng madaling araw. Sa San Pablo City, agaw-buhay sa ICU ng Laguna SPC General Hospital ang hindi pa kilalang rider matapos na ito maaksidente sa Maharlika highway, sakop ng Brgy. San Ignacio dakong alas-8:40 ng gabi. Ayon sa fruit vendor na nakasaksi sa pangyayari, mabilis ang takbo ng biktimang sakay ng itim na motorsiklong Skygo Wizard 125 MC nang bigla na lamang…

Read More

2 TODAS, 1 KRITIKAL SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang lalaki ang namatay habang isa ang sugatan sa tatlong insidente ng pamamaril sa loob ng walong oras sa lalawigang ito, noong Lunes. Unang namatay ang 49-anyos na construction worker na si Randy dela Peña na pinagbabaril ng riding in tandem habang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Bayorbor, sa bayan ng Mataas na kahoy dakong alas-1:10 ng hapon. Dead on the spot ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek. Sa Lungsod ng Sto. Tomas, patay ang 50-anyos na si Mario Cielo…

Read More

2 RAPE SUSPECTS NASUKOL NG PNP BICOL

DALAWANG suspek sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Aurora at Masbate. Kinilala ni P/BGen Estomo ang nadakip sa Aurora Province na si Jovinal Ugale Molina, 61, tinaguriang no. 5 most wanted person sa Viga Municipal Police Station. Si Molina ay suspek sa panggagahasa sa isang dalaga sa bayan ng Viga. Pagkaraan ay nagtago ang suspek ng halos 16 taon hanggang sa madakip sa Sitio Kipit, Purok 6, Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora Province. Samantala,…

Read More

MURDER SUSPECT NATUNTON NG PNP-PRO5 SA NOVALICHES

“WE cannot give in to pressure or else it will control us.” Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na matunton ng kanyang mga tauhan ang tinaguriang Camarines Norte most wanted person sa Novaliches Quezon City. Ikinonsidera ni P/BGen. Estomo na close case na ang murder case makaraang madakip sa manhunt operation makalipas ang 12 taong pagtatago, ang suspek na si Jose Jalimao Napao, construction worker, residente ng Purok 4, Sitio Canalmacan, Anameam, Labo, Camarines Norte. Si Napao ay trinabaho ng pinagsanib na puwersa…

Read More

Isasampa ng 9 bokal PLUNDER VS GOV. SUAREZ, ET AL.

MAGSASAMPA ng kasong plunder o pandarambong ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng kanilang gobernador sakaling ituloy ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsya. Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at mga department heads ng Kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget kahit hindi pa nareresolba…

Read More

3M TARGET NG DOH 4-A SA NAT’L VAX DAY

CALAMBA CITY, Laguna-Tinatayang 3 milyong residente ang target mabakunahan ng Department of Health – Calabarzon sa 3-day National Vaccination na magsisimula ngayong araw hanggang sa Miyerkoles. Nakahanda na ang vaccination teams na magpo-focus sa mga lugar na may mabababang vaccination coverage at target na makapagbakuna ng 1 milyon kada araw. Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Ariel I. Valencia, kabilang ang GIDA o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na target at island communities na kanilang aasistehan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang kahalagahan ng pagpapabakuna…

Read More

14-ANYOS PATAY SA DEMOLISYON

NAWALAN na ng bahay, nawalan pa ng mahal sa buhay ang isa sa mga residenteng dinemolis sa Brgy. Mayamot, Antipolo City. Sinabing inatake sa puso ang 14-anyos na si Mica Antoinette Ferrer nang makitang ginigiba ng demolition team ang kanilang bahay kamakalawa sa V.V. Soliven Open Space sa naturang barangay. Alas-3:00 ng hapon nang simulan ang paggiba sa kabahayan ng nasa 100 pamilya. Ang demolition team ay sinamahan ng mga armadong pulis at assault team na pinangunahan ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay. Bunga nito, hiniling ng pamilya…

Read More

BOKSINGERO NADALE SA KURYENTE

HINDI sa suntok kundi sa kuryente nasawi ang dating boksingero nang madikit ito sa high tension wire habang nagkukumpuni ng bubong sa bayan ng Magsaysay, Davao Del Sur. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Gerardo “Gerry” Quiñones, 48-anyos. Ayon sa ulat, nagpapalit ng bubong sa ikalawang palapag ng gusali ang biktima nang madikit ito sa kable ng Davao del Sur Electric Cooperative. Napabilang ang biktima sa larangan ng boksing nuong dekada 90. Nang matapos ang karera ay pumasok siya sa construction. (JESSE KABEL) 251

Read More