MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYA NAPATAY

PATAY ang isang miyembro umano ng terrorist group na Dawlah Islamiya sa pakikipagsagupaan sa mga tauhan ng Polomolok PNP sa South Cotabato. Kinilala ni Police Lt. Redin Cuevas, deputy chief of police ng Polomolok, ang napatay na si Esmael Sambial, spotter din umano ng Ali Boy Nilong terror group at responsable sa recruitment ng grupo sa Brgy. Basag, Tboli at iba pang barangay sa Polomolok. Namataan si Sambial kasama ang kanilang lider na si Zadee Nilong, alyas Ali Boy ilong at nasa 15 pang armadong kalalakihan. Ngunit nakatakas ang mga…

Read More

1 pa sugatan LOCAL CANDIDATE, DRIVER PATAY SA AMBUSH SA PAMPANGA

NILIKIDA ng mga hindi pa nakikilalang gunmen ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga ngayong Sabado. Dead-on-the-spot ang local bet na si Rogelio “Jon” Salvador sa pamamaril na naganap bandang alas-7:30 ng umaga sa San Simon-Baliwag Road sa Barangay San Miguel. Ayon sa impormasyon ng mga imbestigador mula sa ilang saksi, sakay ng kanyang SUV si Salvador kasama ang hindi nakilalang driver nito at isa pang indibidwal. Ang mga salarin naman ay pasalubong sa mga ito na tumatahak sa kabilang lane ng national…

Read More

FACE SHIELDS SA PAGAMUTAN NA LANG SA LIPA, BATANGAS

NAGLABAS ng special ordinance ang konseho ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa, Batangas na tanging sa mga pagamutan na lamang magiging mandatory ang pagsusuot ng faces shields. Nirebisa ang kanilang ordinansa No.312-2021 bilang pagsunod sa public health protocol sa kanilang lungsod na requirement ang pagsusuot sa mga pagamutan at klinika ng face shields. Napagkasunduan ng mga awtoridad na upang maipagpatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus sa kanilang lugar, kinakailangan na panatilihin ang pagsunod sa alituntunin. Kailangan ding maglagay ng mga signage sa mga establisyimento upang sundin ang patakaran ng…

Read More

FOOD SECURITY DAPAT TUTUKAN

SAN PABLO, Laguna – Kung mayroon mang dapat asikasuhin ang pamahalaan, iyon ay ang isang komprehensibong programang magbibigay kasiguruhang may sapat na pagkain para sa bawat mamamayan. Sa kanyang konsultasyon sa hanay ng mga coconut farmers na nakabase sa Laguna, partikular na inilatag ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang Food Production Strategic Plan na siyang magiging sandigan at batayan sa paglalaan ng karampatang pananalapi sa mga ahensyang may mandatong kaugnay sa sakahan at pangisdaan. Aniya, hindi sumasapat ang produksyon ng mga pangunahing pagkaing dapat sana’t pinopondohan ng mga kagawarang…

Read More

P13.6-M SHABU KUMPISKADO SA BULACAN

BULACAN – Mahigit 2 kilo ng hinihinalang shabu na P13.6 million ang halaga ang narekober ng Malolos Police sa hinihinalang drug trafficker sa Barangay Tikay, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Biyernes. Kinilala ni Police Regional Director P/BGen. Matthew Baccay ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang suspek na si Abubakar Sandigan, alyas “Kapatid”, 31, residente ng Brgy. 311, Quiapo, Manila. Iniharap sa local media nina Baccay at PCol. Manuel Lukban Jr., Bulacan Police Acting Provincial Director, ang suspek na nadakip ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU)…

Read More

AYUDA MULA SA AICS, TUPAD IPINAMAHAGI

PINASINAYAAN ni Senator Joel Villanueva ang mga payout ng sweldo at financial assistance sa mahigit 2,500 beneficiaries mula sa emergency employment at ayuda programs sa bayan ng Bocaue nitong Miyerkoles, Nob. 24. Isinabay ang aktibidad sa paggunita sa kaarawan ng yumao niyang kapatid na si Mayor Joni Villanueva- Tugna. Kasama ng senador ang kapatid na si former Mayor Jon-Jon Villanueva at bayaw na si dating CIBAC Party-List Congressman Sherwin Tugna, at ang buong grupo ng Team Solid. Nabatid na umabot sa 1,281 beneficiaries ang tumanggap ng ayuda mula sa Assistance…

Read More

8 minors nasagip 4 ARESTADO SA PROSTITUSYON

LAGUNA – Arestado sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bayan ng Pansol ang apat kataong pinaniniwalaang mga miyembro ng isang sindikatong nagbebenta ng mga menor de edad sa mga turistang banyaga. Kasabay ng pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Emman Delgado, Clarence Mane, Angela de Gala at Michelle Saturno, nasagip naman ng mga operatiba ang 10 kababaihan – kabilang ang walong menor de edad. Kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) ang nakatakdang isampa ng NBI – Laguna District Office sa arestadong mga…

Read More

2 TAGA-KYUSI, ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang dalawang lalaking magkamag-anak na parehong taga Quezon City matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan sa Eco Tourism Road sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Batay sa nakuhang ID ng mga biktima, kinilala ang mga ito na sina Ace Perez Aceron, 38, at Rodolfo Perez Raval, 74, parehong residente ng Ilocos Sur St., Bago Bantay, Quezon City. Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya PNP, dakong alas-4:20 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng puting Nissan Urvan na may plate number…

Read More

Inilunsad ng PNP Bicol, TESDA, LGUs SKILLS, LIVELIHOO PROGRAM SA EX-REBELS

UMABOT sa 25 rebel returnees ang naging benepisyaryo ng inisyatibo sa inilunsad na skills and livelihood training program ng Camarines Sur Police Provincial Office (CS PPO) sa tulong ng TESDA. Ang programang ito ay naka-angkla sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ipinatutupad ng gobyerno para patuloy na mabigyan ng direksyon at pag-agapay ang mga dating nalihis ng landas. Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong bigyang ng tulong at pagkakataong magbago ang mga dating naging kasapi ng New People’s Army. Sa pamamagitan nito, sila ay…

Read More