CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang isang lalaki na bumaril at pumatay sa isang negosyante sa isang parking area sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Cesar Caceres, 53, may-ari ng isang salon at residente ng Brgy. Cabesas, Trece Martires City, dahil sa tama ng bala sa katawan. Mayroon nang ‘person of interest’ ang pulisya bagama’t hindi pa ibinubunyag ang pangalan habang nangangalap pa ng mga ebidensiya. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Eduardo Reyes ng Trece Martires City…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
GIANT CHRISTMAS TREE LIGHTING WITH A HEART
Pinangunahan ng mag-asawang San Jose Del Monte Rep. Florida “Rida” P. Robes at SJDM Mayor Arturo Robes ang pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree noong Biyernes ng gabi bilang pagpapakita ng pasasalamat sa mga frontliner at senyales ng pagsisimula ng recovery efforts sa kasagsagan ng pagbabago ng sitwasyon na labanan ang COVID-19. Kabilang sa mga sumaksi ng seremonya sina Labor Secretary Silvestre Bello at mga opisyal ng SJDM. 274
Read MoreBLACKHAWK HELICOPTERS DINEPLOY SA WESTMINCOM
ILANG bagong Blackhawk military helicopters ang dineploy sa nasasakupan ng Western Mindanao Command para lalo pang palakasin ang kanilang giyera kontra teroristang grupo at ang kanilang humanitarian and non- combat missions. Tinanggap ng Philippine Air Force Tactical Operations Wing-Western Mindanao (TOW-WM), isang major unit ng Air Force na nasa ilalim ng Command and Control ng Western Mindanao Command, ang ilang unit ng S70i Blackhawk Utility Helicopters. Gagamitin ang nabangit na military choppers sa combat operations at quick response for humanitarian aid. Ayon kay WestMinCom Commander, Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr.…
Read MoreCOVID CASES PATULOY SA PAGBABA SA CALABARZON
PATULOY ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Department of Health. Naitala noong Oktubre 4 ang 474 pasyente na lamang na aktibong kaso habang nasa 1,331 ang mga gumaling sa sakit at 44 ang namatay. Nasa 2,580 ang aktibong kaso sa lalawigan ng Rizal, sunod ang Laguna na may 2,573; habang ang Batangas ay may 1,647; Cavite na may 1,490; Quezon, 1,449, at Lucena City, 207. Mayroong kabuuang bilang na 9,946 ang aktibong kaso sa buong…
Read MoreAKG PASOK SA BATANGAS ABDUCTION CASE
INATASAN ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang Anti-Kidnapping Group (AKG) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso ng anim na magkakaibigang dinukot kamakailan sa Laurel, Batangas. Ayon kay Gen. Eleazar, dapat makabalik na sa kani-kanilang pamilya ang mga biktima at panagutin ang mga suspek. Ito ay makaraang dumulog ang pamilya ng mga biktima kay Gen. Eleazar para sa ikalulutas ng kaso. Matatandaang dinukot ang mga biktimang sina Mark Nelvin Caraan, Shane Despe, Carlo Fazon, Eugene Noora, Mar Christian Ore at Paulino Sebastian, pawang ng…
Read MorePLATE NUMBERS NA GINAMIT SA BATANGAS ABDUCTION, PEKE
GUMAMIT ng mga pekeng license plates ang mga suspek sa nangyaring pagdukot sa anim na magkakabarkada sa Batangas. Ayon kay Laurel Batangas police chief, Capt. Errol Frejas, base sa beripikasyon sa LTO, pawang fake plate numbers ang nakalagay sa apat na sasakyang ginamit ng mga suspek. “Na-verify nga natin kasi meron tayong nakuhang plate numbers dito sa sasakyan na ginamit ng alleged suspects”, ayon kay Frejas. “Kasi ‘yung isa dito, ‘yung plate number na binigay ay naka-register sa isang Nissan Navara at wala naman po tayong nakikitang Nissan Navara sa mga…
Read More7 PUGANTE NABITAG NG PNP-PRO5
ARESTADO ang pitong pugante sa ikinasang malawakang manhunt operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 laban sa mga wanted persons mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2. Ang pitong nadakip ng mga awtoridad ay nahaharap sa iba’t ibang kaso, ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo. Sa Camarines Sur ay dalawa ang nadakip, ayon kay PNP-PRO5 Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib. Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, kinilala ang mga ito na sina Jose Emmanuel Tuy y Basco,…
Read More2 POLICE TRAINEE KALABOSO SA RAPE
RIZAL – Kalaboso ang dalawang police trainee na tumakas sa barracks makaraang ireklamo ng 23-anyos na dalaga na ginahasa umano ng mga ito sa isang motel sa bayan ng Montalban noong Miyerkoles. Kinilala ni P/Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang mga inaresto na sina Jack Marquez at AJ Magsino, kapwa police trainee sa Rodriguez (Montalban) PNP. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, Nobyembre 2 ng madaling araw, off duty ang mga suspek nang tumakas mula sa kanilang barracks. Nakipag-inuman umano ang mga ito sa biktima at nang malasing ay…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA LOS BAÑOS MAYOR, ARESTADO
NATIMBOG ng mga tauhan ng Batangas Criminal Investigation and Detection Group sa Baguio City ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa dating mayor ng Los Baños, Laguna na si Ceasar Perez, noong Martes. Ayon sa report ni Batangas CIDG chief, Police Lt. Col. Bryan Dexter Andulan, si Norvin Tamisin na dating konsehal ng Los Baños, ay natunton ng kanilang mga tropa sa pinagtataguan nito sa Baguio City dakong alas-5:00 ng hapon noong Martes matapos ang halos isang linggong casing and surveillance operation base sa impormasyon ng mga informant. Si…
Read More