PULIS NA-WOW MALI SA HINULING SUSPEK

BATANGAS – Ilang araw makaraang dakpin ang isang barangay tanod na inakalang gumahasa at pumaslang sa isang 15-anyos na estudyante, kusang loob na sumuko sa pulisya ang isang 19-anyos na binatang umamin sa salang ibinintang sa iba. Kinilala ni Laurel Police chief Captain Errol Frejas ang suspek na si Jayvie San Vicente na inihatid pa ng kanyang magulang sa ginawang pagsuko at pag-amin sa panggagahasa sa estudyanteng natagpuang walang buhay sa isang liblib na bahagi ng Barangay Sta. Maria nito lamang nakaraang Lunes. Ayon kay Frejas, si San Vicente umano…

Read More

KOREANONG DISTRIBUTOR NG PORNO, HULI SA CEBU

ARESTADO sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang high-profile South Korean fugitive na wanted sa kanyang bansa dahil sa pagpapakalat ng pornography. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Koreanong si Jung Yonggu, 38-anyos, naaresto noong Nobyembre 1, 2021 sa Cebu City. Si Jung ay inaresto sa bisa ng Warrant of Deportation na inisyu noong Oktubre dahil sa pagiging undocumented alien at banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko. “The office received information of his crimes from South Korean authorities,” pahayag ni Morente. “Upon receipt of the information,…

Read More

Milyong halaga ng party drugs nasamsam 17 HVTs ARESTADO SA BEACH PARTY

BIGLANG nagkagulo at nabulabog ang beach party nang ihudyat ang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang beach resort sa Mabini, Davao de Oro. Ayon sa ulat, 17 high value targets ang naaresto sa operasyon noong gabi ng Sabado sa Sea Eagle Beach Resort sa Purok Manaklay, Barangay Pindasan, Mabini, Davao De Oro. Kinilala ang target ng operasyon na si Reysan Ethelbert Elizalde, gayundin ang sinasabing mga kasabwat nito na sina Faye Olea, Bryk Archival, Bryan Tiu at…

Read More

War vs communist terrorist group 2 PATAY SA ARMY, MOST WANTED LAGLAG SA PNP-PRO5

DALAWANG hinihinalang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army sa umano’y engkwentro sa Bayugan City, Agusan del Sur. Sa ulat ni Army commanding officer, Lieutenant General Andres Centino, patay sa sagupaan sina alyas Ka Joseph at Ka Aykay na miyembro umano ng NPA sa nasabing lugar. Gayunpaman, bigo ang mga sundalo na madakip ang target ng nasabing operasyon na sina Edilberto Dabal alyas “Bong/ Waco” na tumatayong pinuno ng Regional Operations Command ng NPA, at isang Judel Vertudazo alyas “Janjalani” na siyang…

Read More

49 CPP-NPA MEMBERS SA BICOL, SUMUKO

“TULUNGAN n’yo rin po kami na kumbinsihin ang inyong mga kaanak at kakilala na sumuko na rin sa pamahalaan upang maranasan nila ang maayos at mapayapang pamumuhay.” Ito ang pahayag ni Police Regional Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo kasunod ng nangyaring mass surrender ng 49 kasapi ng CPP-NPA bitbit ang may 57 baril, sa Task Force Bicolandia Kasabay nito, nanawagan si P/BGen. Estomo sa mga Bicolano na huwag nang magkaloob ng ano mang suporta sa communist terrorist group na pilit pa ring niyayakap ang armadong pakikibaka laban sa…

Read More

2 SUSPECT SA PLACER SLAY CASE, HULI SA PNP-PRO5

NADAKIP na ang dalawang lalaking suspek sa Placer slay case na itinuturong sumaksak sa driver at cook sa loob ng Catholic Parish Church sa Placer, Masbate noong nakalipas na Linggo matapos ang inilunsad na manhunt operation ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5. Sa report na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, napatay sa pananaksak si Arnel Dela Paz y Beroy, residente ng Roxas St., Brgy. Poblacion, Cataingan, Masbate. Si Delapoz ay natagpuang duguan sa isang kwarto sa loob mismo ng simbahan dakong 9:00 ng umaga ng…

Read More

2 BATAY PATAY SA CHOLERA SA TANZA

CAVITE – Tatlong barangay ang tinamaan cholera na ikinamatay ng dalawang bata noong Linggo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang dalawang bata makaraang isugod sa ospital dahil sa pagsusuka at pagtatae. Habang isang mangingisda at asawa ang nasa malubha namang kalagayan. Ayon sa Rural Health Unit ng Tanza, ang nasabing sakit ay naitala sa Barangay Punta Uno, Sahud-ulan at Calibuyo. Nakumpirma ito makaraang lumabas ang resulta ng pagsusuri sa specimen ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) Inaalam pa ng mga awtoridad…

Read More

3 SUSPEK SA MURDER, RAPE HULI NG PNP-PRO5

“OUR stringent efforts to get the custody of on the loose criminals has been paying off,” pahayag kahapon ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos mahuli ng kanyang mga tauhan ang tatlong most wanted fugitives sa kasong murder at rape kasunod ng isinagawang serye ng manhunt operation nitong nakalipas na linggo. Unang nadakip ang tinaguriang top 3 most wanted ng Sorsogon na kinilalang si Clarino Malazarte Oyon-oyon, 42, ng Brgy. Salvacion, Bacon District, Sorsogon City dahil sa kasong murder. Sa bisa ng warrant of arrest, sinalakay ng PRO5-Sorsogon…

Read More

‘EPAL’ BOARD BINAKLAS SA EXPIRED NA KONTRATA

TAYTAY, Rizal – Makaraang tuligsain at makaladkad sa intriga, nanawagan kamakailan ang isang negosyante na huwag sila idamay sa usaping pulitika at tunggalian ng mga kandidato para sa nalalapit na halalan. Sa isang kalatas na inilabas ng Holistic Marketing Services na may-ari ng ilang billboard sa Barangay Dolores, walang bahid pulitika ang kanilang pasyang baklasin ang billboard kung saan nakapaskil ang mukha ni Konsehal Pia Cabral. Anila, paso na ang kontrata at lagpas na rin aniya ang kanilang palugit na ibinigay para sa posibleng renewal ng kasunduan. Giit ni Cherry…

Read More