MGA NAMATAY SA COVID SA QUEZON ‘DI NA NA-CREMATE

TALIWAS sa atas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), inilibing na lamang sa isang mass grave ang mga namatay na pasyenteng tinamaan ng COVID-19, nito lamang nakaraang linggo. Ayon sa nakalap na impormasyon ng SAKSI, mismong si Gobernador Danilo Suarez ang umano’y nag-utos na agad ilibing ang bahagyang nabubulok nang mga bangkay sa Quezon Medical Center sa lungsod ng Lucena. Una nang kumalat sa social media ang mga larawan ng mga bangkay ng pasyenteng namatay dahil sa COVID-19, na nakatambak lang sa pasilyo ng…

Read More

BULKANG TAAL BANTA PA RIN

NANANATILING banta pa ang Bulkang Taal bunsod ng patuloy na pagbubuga ng nito ng volcanic fumes na sinabayan pa ng mahinang ashfall sa paligid nito, saad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pinakahuling bulletin. Ayon sa Phivolcs nakapagtala din ng siyam na pagyanig ng lupa – apat dito ay volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang tatlong minute. Rumehistro din ang limang low-frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor. Sa bandang bunganga ng bulkan, mayroon din umanong pagsampa ng kumukulong volcanic fluids, bukod pa sa ibinubugang usok…

Read More

17 DEATH TOLL KAY JOLINA

KINUMPIRMA ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 17 na ang bilang ng reported deaths sa pananalasa ng bagyong Jolina sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang pito ang iniulat na nawawala. Ngunit tatlo pa rin ang kasalukuyang kinukumpirma ng NDRRMC na namatay sa bagyong Jolina na umano’y na-validate ng DOH na namatay talaga sa bagyo, habang apat naman ang nawawala. Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad, ang nadagdag sa talaan ng mga namatay ay ang mga mangingisdang sina Almario Mingueto, 63, at Bobby Villavicencio, 46, kapwa ng…

Read More

2 RAPIST NASAKOTE NG PNP-PRO5

DALAWANG lalaki na pawang wanted sa krimeng panggagahasa sa probinsya ng Camarines Norte, ang nadakip sa mas pinatinding na kampanya kontra wanted persons ng PNP Police Regional Office 5. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinailangang dumayo pa sa Barangay Sta. Maria, Guinayangan, Quezon ang mga operatiba ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) upang tugisin ang ika-pito sa municipal most wanted person (MMWP) ng Sta. Elena, Camarines Norte na kinilalang si Luis Bruto y Reobilo, 40-anyos, may asawa at tubong Sitio Nagsingi, Barangay San Pedro ng nasabing bayan. Ang suspek…

Read More

Quezon local officials kinalampag sa dami ng COVID-19 deaths MGA BANGKAY SA PASILYO NG OSPITAL

IKINAAALARMA sa lalawigan ng Quezon ang pagkaipon ng mga nasawi umano sa COVID-19 sa isang ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan. Base sa larawang ipinadala sa SAKSI Ngayon, makikita ang mga bangkay ng mga nasawi umano sa coronavirus disease sa Quezon Medical Center na nakahilera sa pasilyo. Makikita sa larawan na ang mga bangkay ay nakasilid sa body bags sa ground floor ng annex building ng QMC. Ayon sa ilang nakakita, nakababahala ang kalagayan sa nasabing pampublikong pasilidad, kung saan sa unang palapag na mismo ng ospital nakalagak ang…

Read More

14 casualties kinukumpirma pa P628-M PINSALA NG BAGYONG JOLINA SA AGRIKULTURA

MAHIGIT P628 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura habang patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa nawasak na imprastraktura matapos ang pananalasa ng bagyong Jolina sa bansa. Ito ay kasunod ng isinagawang aerial inspection ng Philippine Air Force hinggil sa lawak ng naging pinsala ng nagdaang bagyo. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, anim na rehiyon sa bansa ang lubhang nasalanta sa pananalasa ng bagyong Jolina kabilang ang Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Region 6 at Region 8. Sa inilabas…

Read More

ESTUDYANTE ITINUMBA SA CALAMBA

LAGUNA – Patay ang isang 20-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa Calamba City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Bryan Ben Jaurigue Victoriano, 20-anyos, residente ng Barangay Lecheria. Ayon sa report ng Calamba City Police, bandang alas-4:30 ng hapon, nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi kilalang suspek na armado ng maiksing baril. Bigla na lamang nitong pinagbabaril ang binata na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Isinugod sa Pamana Hospital sa Calamba City…

Read More

2 RIDER NA LASING TODAS SA HIGHWAY

QUEZON –Patay ang dalawang binatang magka-angkas matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nakaparadang sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hatinggabi. Kinilala ang Sariaya Police ang mga biktimang sina Van Jerick Cayabat Magsino, 19-anyos, driver, residente ng Barangay Gibanga, Sariaya, at Jerson Sarion Sayas, 24, backrider, residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City. Batay sa report ng Sariaya Police, tinatahak ng mga ito ang Maharlika Highway sa Barangay Gibanga nang sumalpok sa isang lumang SUV na pansamantalang nakatambak sa gilid ng highway…

Read More

RAPE SUSPECT SA SAMAR, ARESTADO SA IMUS

HINDI na nagawang makapagtago ng mahabang panahon ang isang 62-anyos na caretaker makaraang matunton ng mga operatiba ng Manila Police District sa Imus, Cavite noong Sabado ng hapon. Kinilala ang suspek na si Nerio Afable y Longcop, may asawa, farm taker, tubong Brgy. San Mateo, Borongan City, Eastern Samar at residente ng Sitio Polo, Barangay Anabu 2-C, Imus, Cavite. Si Afable ay top 2 most wanted person provincial level sa Borongan, Eastern Samar dahil sa panggagahasa sa kapitbahay nito sa Barangay San Mateo sa nabanggit na bayan. Batay sa ulat…

Read More