LAGUNA – Patay ang isang 20-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa Calamba City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Bryan Ben Jaurigue Victoriano, 20-anyos, residente ng Barangay Lecheria. Ayon sa report ng Calamba City Police, bandang alas-4:30 ng hapon, nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi kilalang suspek na armado ng maiksing baril. Bigla na lamang nitong pinagbabaril ang binata na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Isinugod sa Pamana Hospital sa Calamba City…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 RIDER NA LASING TODAS SA HIGHWAY
QUEZON –Patay ang dalawang binatang magka-angkas matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nakaparadang sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hatinggabi. Kinilala ang Sariaya Police ang mga biktimang sina Van Jerick Cayabat Magsino, 19-anyos, driver, residente ng Barangay Gibanga, Sariaya, at Jerson Sarion Sayas, 24, backrider, residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City. Batay sa report ng Sariaya Police, tinatahak ng mga ito ang Maharlika Highway sa Barangay Gibanga nang sumalpok sa isang lumang SUV na pansamantalang nakatambak sa gilid ng highway…
Read MoreRAPE SUSPECT SA SAMAR, ARESTADO SA IMUS
HINDI na nagawang makapagtago ng mahabang panahon ang isang 62-anyos na caretaker makaraang matunton ng mga operatiba ng Manila Police District sa Imus, Cavite noong Sabado ng hapon. Kinilala ang suspek na si Nerio Afable y Longcop, may asawa, farm taker, tubong Brgy. San Mateo, Borongan City, Eastern Samar at residente ng Sitio Polo, Barangay Anabu 2-C, Imus, Cavite. Si Afable ay top 2 most wanted person provincial level sa Borongan, Eastern Samar dahil sa panggagahasa sa kapitbahay nito sa Barangay San Mateo sa nabanggit na bayan. Batay sa ulat…
Read More809 KILO NG SHABU DAPAT WASAKIN AGAD
ITO ang dahilan kaya nakikipag-ugnayan ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makakuha agad ng clearance sa iba’t ibang korte para upang agad wasakin ang tinatayang 809 kilo ng shabu na nasabat sa serye ng anti-narcotics operation sa Zambales, Bataan at Cavite. Inihayag ni PNP chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na kanyang inatasan ang PNP Legal Service na tumulong sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at iba pang Drug Enforcement Units sa paghahanda ng mga legal na dokumento para ihain sa korte at hilingin…
Read MoreRD-1 NG DPWH, TOP PERFORMING UNIT
NANGUNA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region-1 sa malinis na trabaho sa buong ahensiya base sa datos na inilabas nitong nakaraang buwan. Sa ginanap na Unified Directors Meeting noong Biyernes, ika-10 ng Setyembre, binigyan parangal ni DPWH Secretary Mark Villar ang tanggapan ni DPWH Region 1, director Ronnel M. Tan (RD Tan), bilang ‘Top Performing Implementing Unit”. Pinuri rin ng kalihim ang tanggapan ni Tan, sa dedikasyon sa serbisyo at husay nito sa pamumuno bilang director sa naturang rehiyon. Batay sa inilabas na datos, nahigitan ng DPWH…
Read MorePOLICE MOBILE PATROL SWAK SA BANGIN, 8 SUGATAN
WALONG pulis ang sugatan sa pagkahulog ng kanilang sinasakyang mobile patrol car sa bulubunduking bahagi ng Barangay Kapatagan, Digos City. Patuloy na inoobserbahan sa iba’t ibang pagamutan ng lungsod ang mga biktima na pawang nagtamo ng seryosong mga sugat sa kanilang katawan. Kabilang sa mga nasugatan ang dalawang opisyal na sina Police Lt. Col. Ramon Armigos at Police Lt. Nico Avel Querubin at mga tauhan na sina Police Exe. Master Sgt. Eduardo Madanlo; Police Staff Sgt. Anthony Acosta at mga patrolman na sina Melvin Villarta; Jino Dela Cerna, Rjay Tambis…
Read More1,200 PAMILYA SA MALOLOS DINALHAN NG AYUDA
HINDI naging hadlang ang malalaking alon sa paglalayag sakay ng bangkang-motor ang staff ng Bulacan Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), upang dalhan ng relief goods ang mga residente sa bahagi ng coastal area ng lalawigan partikular na sa Isla Pamarawan sa Lungsod ng Malolos noong Biyernes. Sakay ng tatlong bangkang de-motor, personal na inihatid ni Governor Daniel Fernando at ang relief goods para sa 1,200 pamilya na nakatira sa Isla Pamarawan kung saan ay kailangan salubungin ang malalaking alon sa karagatan para madala ang…
Read MoreLALAKI KINUYOG NG 6, 1 SUSPEK ARESTADO
CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang lima sa anim na mga suspek makaraang kuyugin ang isang 24-anyos na lalaki upang ipaghiganti ang umano’y pagkamatay ng kanilang kaibigan sa Bacoor City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga pinaghahanap na sina Christian Esteban, Greg Mallari, Dither Clemente, Cocoy Clemente, at Syden Enriquez habang naaresto naman si Michael Cabilles, 20, makaraang ireklamo ng biktimang si Laurence Marquez, 24-anyos. Ayon sa reklamo ng biktima kay P/SSgt. Emerson De Ocampo ng Bacoor City Police Station, dakong alas-4:00 noong Biyernes ng hapon nang pagtulungang…
Read MoreSINITA SA TRAFFIC VIOLATION TIMBOG SA BARIL, DROGA
CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang 33-anyos na lalaki makaraang nabuking ang dalang baril at ilegal na droga nang sitahin dahil sa traffic violation sa Bacoor City noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 4136 (disregarding traffic sign, no driver’s license and no OR/CR), RA 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) at Sec. 11, Art. II and Sec. 12 ng RA 9165 ang suspek na si Nolito Tamayo. Ayon sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police Station, nagpapatupad ng…
Read More