TINATAYANG aabot sa P2 million halaga ng housing materials ang ipinagkaloob ng Japanese global apparel retailer sa pamamagitan ng SM Foundation Incorporated sa mga biktima ng bagyo sa mga bayan ng Obando at San Miguel sa Bulacan kamakailan. Kabilang sa mga makikinabang ng donasyon ang mga nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses na nalubog sa baha, nawalan ng tirahan at napilitang mag-evacuate at pansamantalang nanirahan sa evacuation centers o public disaster shelters. “Malaking bagay po (donation) kasi maitatayo po yung nasira na bahay namin nung Ulysses,” ayon kay Rolando Santos mula…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P3.4-M SHABU NASABAT SA BIGTIME DRUG DEALER
COTABATO CITY – Arestado ang isang umano’y ‘bigtime’ na tulak ng ilegal na droga makaraang mahulihan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City, iniulat nitong Martes. Kinilala ang suspek na si Benhar Mowa, nasa hustong gulang, at nakatira sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Jury Rocamora, pinuno ng PDEA-Zamboanga City, nadakip ang suspek dakong alas-7:55 ng gabi sa parking lot ng isang shopping mall sa ikinasang anti-drug operation. Bukod sa 500 gramo ng shabu…
Read MoreRIDER NA OFW ITINUMBA
LAGUNA – Patay ang isang OFW matapos na pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ardin Viesca Flores, 31, tubong San Antonio, Nueva Ecija at residente ng Brgy. Mayapa, Calamba City. Ayon sa Calamba City Police, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at binabaybay ang national highway sa Barangay Real nang biglang lumitaw ang mga suspek at pinagbabaril si Flores na agad nalagutan ng hininga. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek. Inaalam pa ng mga pulis…
Read MoreBinulungan ni ‘Kamatayan’ CONSTRUCTION WORKER NAGBIGTI
CAVITE – Nagbigti ang isang 32-anyos na construction worker dahil sa umano’y naririnig na mga bulong sa Bacoor City noong Lunes ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang matagpuan habang nakabigti ang biktimang si Joar Dequina, binata, residente ng Nazareth compound, Brgy. Molino 3, Bacoor City, sa comfort ng barracks ng Crown Asia sa Meadows 1 Extension, Camella, Springville, Brgy. Molino 4, Bacoor City, ng kanyang nakababatang kapatid na si Jomar dakong alas-2:30 ng hapon noong Lunes. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Albert Badocdoc ng Bacoor City Police,…
Read MoreCONCEPCION GANG MEMBER PATAY SA PNP-PRO5
NAPASLANG ng mga tauhan ni ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo ang isang miyembro ng Concepcion organized crime syndicate sa ikinasang law enforcement operation sa Brgy. Libtong, Libon, Albay. Ayon kay P/Brig. General Estomo, target ng police operation ang napatay na si Ernanny Maraño Concepcion, isang hardcore member ng Concepcion criminal group na kumikilos sa Bicol Region, Calabarzon at maging sa Metro Manila. Armado ng warrant of arrest, sumalakay sa Barangay Libtong ang pinagsamang puwersa ng Region Special Operation Unit 5; Regional Police Drug Enforcement Unit 5;…
Read More2 BEBOT ITINUMBA SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang dalawang babae kabilang ang isang umano’y “asset” ng mga pulis sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Sta. Rosa City at sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Linggo. Dalawang tama ng bala ang tumagos sa katawan ng biktimang si Cora Obo Alojado makaraang pagbabarilin ng suspek na kinilalang si Honorio Dela Cruz sa Sitio Iraq, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City alas-3:00 noong Linggo ng hapon. Bumibili ang biktima sa tindahan nang barilin ng suspek na pagkaraan ay mabilis na tumakas. Agad binawian ng…
Read More15 KATAO ISINELDA SA TUPADA, ONLINE SABONG
CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang siyam katao makaraang maaktuhan na nagsasagawa ng tupada habang anim ang nadakip sa online sabong sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-11:00 noong Linggo ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Gen. Trias City Police hinggil sa isinasagawang tupada sa Brgy. Santiago sa nabanggit na lungsod. Agad nagresponde ang mga awtoridad at nadakip ang limang kalalakihan habang nakatakbo ang iba. Nagsagawa rin ng anti-illegal gambling operations ang Silang Police Station sa Sitio Banaba,…
Read More2 MERCHANDISER NA-HIT AND RUN, 1 PATAY
QUEZON – Isa ang patay habang isa ang kritikal matapos mabiktima ng hit and run ng isang van ang dalawang merchandizer ng isang supermarket habang magkaangkas sa motorsiklo sa intersection ng Lucena City noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang nagmamanehong si Tristan Cabana Millares, 34, habang walang malay na isinugod sa ospital ang backrider nito na si Jhodiel Caballero Cansanay na matinding napinsala ang ulo at katawan. Ayon sa Lucena City Police, nangyari ng insidente sa intersection ng Gomez St. at Quezon Avenue dakong alas-11:00 ng gabi.…
Read MoreP1.6-M CASH, ALAHAS NILIMAS NG KAWATAN
CAVITE – Tinatayang mahigit P1.6 milyong halaga ng cash at alahas ang natangay ng akyat-bahay sa isang bahay sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Dumulog sa tanggapan ng Magallanes Police ang biktimang si Luis Ersamo, 61, ng Gulod, Brgy. Urdaneta, Magallanes, Cavite. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Armando Perez ng Magallanes Police Station, umalis ng bahay ang pamilya Ersamo upang dumalo ng kasal sa isang kakilala sa Magallanes town proper. Dakong alas-2:00…
Read More