CPP-NPA COVID-19 superspreader din 1 SA 4 NAPATAY; 1 SA 9 NAHULI, POSITIBO

APAT na kasapi ng CPP-New People’s Army ang napatay habang siyam pang miyembro nito ang nadakip sa operasyon ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Brgy. Mabuhay, San Fernando, Bukidnon. Ayon kay Maj. Gen. Romeo Brawner Jr., commander ng PA, 4th Infantry Division, kinailangang ipalibing agad ang mga napatay na CPP-NPA members matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga ito. Habang isa naman sa siyam na nadakip ang kinakailangang mabigyan ng medical attention dahil positibo rin ito sa nakamamatay na coronavirus, at may isang babaeng kadre naman ang…

Read More

NDRRMC nakahanda na sa Bagyong Kiko 9 PATAY, 9 MISSING SA BAGYONG JOLINA *Hardinero patay sa landslide sa Batangas

NAKAALERTO pa rin ang puwersa ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine National Police sa mga area na dinaanan ng Severe Tropical Storm Jolina at lugar na tinatahak ngayon ni Typhoon Kiko kasunod ng ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 31 katao ang iniulat na nawawala. Sa inilabas na situational report ng NDRRMC nitong Huwebes ng umaga, siyam ang namatay habang 31 mangingisda ang nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Jolina. Bukod dito, apat katao ang nasaktan, ayon sa 12:00 pm situational report ng…

Read More

2 PATAY, 5 SUGATAN SA AMOK NA PRESO

ORIENTAL MINDORO – Walang habas na namaril ang isang preso sa loob ng Provincial Jail sa Calapan City sa lalawigang ito, na ikinamatay ng dalawang inmate at lima ang nasugatan kahapon. Kinilala ang napatay na sina Edison Sampaga, 41, at Lowelyn Mendoza, 36, kapwa person deprived of liberty o PDL, sa nabanggit na jail facility. Habang nasugatan naman sa pamamaril ang lima pang PDL na sina Jeffrey Bajo Delos Reyes, 37; Christian Encarnado Licuan, 45; Hector Culla Abes, 41; Mark Belleza Dela Cruz, 42, at Alberto Lubusan Ebueza, 21-anyos. Base sa ulat…

Read More

3 PANG CHINESE TIKLO SA FOLLOW-UP OPS VS DROGA

UMABOT na sa 580 kilo ang nasamsam na umano’y shabu sa Zambales matapos na tatlo pang Chinese national ang nadakip at nahulihan ng dagdag na 80 kilo ng ilegal na droga sa ikinasang follow-up at pursuit operations na umabot sa Bataan, kasunod ng P3.4 bilyong buy-bust operation sa Candelaria, Zambales. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang follow-up operation sa Barangay Tipo, Hermosa, Bataan ay isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP Drug Enforcement group (PNP-DEG), kasama ang NICA, ISAFP, AFP Task Force Noah; Philippine Navy…

Read More

Kasabwat ng mga napatay sa Zambales PAGTUGIS SA INTERNATIONAL DRUG SYNDICATE TULOY

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na patuloy nilang tutugisin ang iba pang mga kasabwat ng apat na mga dayuhang drug traffickers na napatay sa Zambales anti-narcotics operation at naaresto ang tatlo pa sa hot pursuit operation sa Bataan, sa layuning wasakin ang kanilang clandestine operation sa Pilipinas. Inatasan ni PNP chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang kinauukulang mga yunit ng pulisya na tulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng intelligence-gathering laban sa iba pang kasamahan ni Xu Youha na kabilang sa mga napatay sa engkwentro sa…

Read More

4 CHINESE PATAY SA DRUG OPS SA ZAMBALES

ZAMBALES – Apat na Chinese national ang napatay sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP Drug Enforcement Group nitong Lunes ng umaga sa Brgy. Libertador, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito. Tinatayang mahigit 500 kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation. Kinilala ang napaslang na bigtime foreign drug personalities na sina Gao Manzhu, 49; Hong Jianshe 58; Eddie Tan, 60, pawang ng Fujian, China; at Xu Youhua, 50, naninirahan sa Stanford Ville, Quezon City. Sa inisyal na report na…

Read More

5 PATAY SA SALPUKAN NG SASAKYAN

LIMA katao ang namatay sa dalawang insidente ng salpukan ng mga sasakyan sa lalawigan ng Camarines Sur at Agusan del Norte. Sa Camarines Sur, dalawa katao ang namatay habang sampung iba pa ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa bayan ng Baao noong Lunes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na si Marlon Tacalan, driver ng Toyota Innova at pasahero nitong si Ely Bongay. Nilalapatan naman ng lunas sa magkakahiwalay na ospital ang mga sugatan na sina Jomar Opong, driver ng Hi-Ace van; Joan Tortola, Jeneve Parino,…

Read More

Nagdiwang ng kaarawan sa beach resort POLICE MAJOR NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang beach resort sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito. Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang mga kasamahan ang biktimang si Police Major Salvador Garcia, nakatalaga sa Las Piñas City Police Station 4, sa Caysubic Beach Resort sa Puerto Azul pasado alas-2:00 ng madaling araw noong Linggo, Setyembre 5, 2021. Sinubukan pang isugod sa Naic Doctors Hospital si Garcia ngunit idineklarang ng dead on arrival. Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang nag-iinuman…

Read More

PNP, LGUs inalerto BICOL, VISAYAS TUTUMBUKIN NG BAGYONG JOLINA

INALERTO ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang buong puwersa ng pulisya sa Bicol at Eastern Visayas gayundin sa iba pang lugar hinggil sa posible pang epekto ng bagyong Jolina. Sinasabing sa loob ng susunod na 24-oras ay inaasahan ang patuloy na pananalasa ng bagyo at posibleng magdulot ito ng malalakas na pag-ulan sa area ng Masbate, Leyte, Biliran, Samar, Northern Samar, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines provinces, Southern Quezon, Romblon, at Marinduque. Bilang kasapi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa panahon…

Read More