2 INUTAS SA TRICYCLE

QUEZON – Dalawang hindi pa kilalang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay habang sakay ng tricycle sa Lucena City noong Sabado ng gabi. Kapwa wala nang buhay at may mga tama ng bala nang madiskubre ang dalawang biktima sa nakaparadang tricycle sa Barangay Ibabang Dupay dakong alas-11:45 ng gabi. Nasa driver seat ang isa habang nasa passenger side naman ang isa pang biktima. Ayon sa Lucena police, nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok sa lugar at nang mag-usisa ay bumulaga sa kanila ang wala nang buhay na mga…

Read More

BANGKAY NG ‘ADIK’ ISINAKO, ITINAPON

CAVITE – Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng isang ‘di nakilalang lalaki na nakasilid sa sako sa Imus City nitong Linggo ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng bangkay na isinilid sa sako at karton saka tinalian ng duct tape at electrical wire. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Anthony Salvador ng Imus City Police Station, dakong alas-4:00 noong Linggo ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang tanggapan ng Imus CPS hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa sako sa Daang NIA, Brgy. Medicion…

Read More

1 patay, 47 pa nasa ospital DIARRHEA OUTBREAK SA DAVAO DEL NORTE

NORTH COTABATO – Isang 58-anyos na lalaki ang naiulat na binawian ng buhay habang 47 residente ang isinugod sa ospital dahil sa nararanasang diarrhea sa Barangay Tulalian, sa bayan ng Sto. Tomas, Davao del Norte. Dahil dito, idineklara ni Mayor Ernesto Evangelista ang diarrhea outbreak sa kanyang bayan batay sa inilabas na pahayag kahapon ng Municipal Information Office (MIO). Ang 47 residente ay isinugod sa iba’t ibang pribado at pampublikong ospital dahil sa naramdamang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae. Ayon sa ulat ng Municipal Health Office ng bayan, ang…

Read More

21 NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA SA CORREGIDOR

CAVITE – Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 21 pasahero ng isang motorbanca na tumaob sa dagat malapit sa isla ng Corregidor. Ayon sa may-ari ng MB Lady Tricia na si Delfin Mabesa, umalis sa Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite patungong Corregidor Island ang bangka bandang alas-10:00 ng umaga noong Biyernes. Bandang alas-3:30 ng hapon nang magdesisyong bumalik na lamang ito sa paglalayag dahil sa malalakas na alon ang humahampas sa kanilang bangka na naging sanhi ng kanilang paglubog. Nailigtas ng mga mangingisda ang ilang pasahero ng nasabing bangka. Agad namang tumawag…

Read More

TERORISTA NAPATAY, 2 PA TIMBOG SA MAGUINDANAO

MAGUINDANAO – Patay ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group habang arestado naman ang dalawang iba pa sa pagsalakay ng mga sundalo sa ilalim ng Joint Task Force Central, sa pinagtataguan ng mga ito sa Brgy. Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang napatay na si Tong Bomber habang arestado naman ang dalawang sina Nondo Sangalan at Tong Sangalan, parehong nasa hustong gulang at nakumpiska ang M14 rifle at dalawang improvised explosive device, habang isang sundalo naman ang sugatan. Ayon sa ulat mula kay Lieutenant…

Read More

RIDER BUMANGGA SA POSTE, PATAY

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 24-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste sa sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Bonifacio Atis, stay-in na trabahador sa Mon Petit Farm Inc. sa Brgy. Buck Estate, Alfonso. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Dante Baje ng Alfonso Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ngunit habang binabagtas ang kalsada sa kahabaan na sakop ng Brgy. Bilog ng naturang bayan dakong alas-9:00 ng gabi nang mawalan ng kontrol…

Read More

LOLA NALIGO SA DAGAT, NALUNOD

BATANGAS – Lumulutang na natagpuan ang bangkay ng isang 72-anyos na lola na posibleng nalunod habang naliligo sa tabi ng dagat sa Barangay San Miguel sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa Brgy. San Miguel ang Bauan MPS hinggil sa natagpuan sa tabing dagat na bangkay ng biktima na kinilalang si Maria Ligaya Balitaan y Evangelista, residente ng Aplaya ng Bauan. Nabatid sa salaysay ng kaanak, hindi na nakabalik sa kanyang bahay ang biktima makaraang magpaalam na maliligo sa dagat…

Read More

4 ASG PATAY, 1 TIMBOG SA SAGUPAAN SA LAMITAN

APAT na kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang nadakip naman ang isa pa nilang kasamahan nang magsagupa ang mga kagawad ng PNP Special Action Force sa Barangay Balobo, Lamitan City, Basilan nitong Biyernes. Sa report na natanggap ni PNP chief, Police General Guillermo T. Eleazar mula kay Special Action Force (SAF) Director MGen. Felipe Natividad, kinilala ang napatay na mga teroristang sina Baradi at Remie Ganie, Mando Morales at isang Jack Akalul habang arestado naman si Dawam Morales. Ayon sa ulat, magsasagawa sana ng law enforcement operation…

Read More

MAG-INA PINATAY, TIYUHING SUSPEK UTAS SA PNP-PRO5

PATAY sa follow-up operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang suspek sa pagpatay sa kanyang pamangkin at 6-anyos niyang apo sa Sorsogon, nang manlaban umano sa mga awtoridad. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo ng Sorsogon Provincial Police Office, kinilala ang suspek na si Joey Llames Blanca, tiyuhin at lolo ng mga biktima. Una rito, bandang ang alas-diyes noong Huwebes ng umaga nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng Castilla MPS na may mag-inang pinatay sa mismong bahay ng…

Read More